Azrael's POV
Flashback
1 year before entering senior high school life...
"Bakit ba gustong-gusto mong lumipat sa school na 'yan?" tanong ni Mama habang nasa labas kami nang school na gusto kong lipatan.
"I want to meet new friends po" sambit ko habang nagdadalawang isip pa si Mama kung sa school na ba ito ako ie-enroll. "Wala rin naman po akong kaibigan at lilipat na rin sila ng school" dagdag ko.
"Ayos ka na sa Montana Academy at half-scholar ka na eh. Hindi ko rin alam kung kakayanin ko ang tuition diyan at mukhang mahal"
"Edi, magtatanong po muna tayo"
Pumasok na kami sa university at nagtanong sa registar kung magkano ang tuition at nagulat si Mama at tila hinihila ako muli palabas. Hindi ako kumikibo sa kadahilanang gusto ko talaga sa paaralang ito dahil may gusto akong makilala...I mean gusto kong makakilala pa nang ibang kaibigan.
"Ang mahal anak, hindi ko kakayanin 'yan" bulong ni Mama at umupo muna kami upuan na nakatapat sa mismong registar at nag-usap. Nakasimangot lang ako at hindi kumikibo. Nililibot ko ang aking mga mata sa paligid dahil hangang-hanga ako sa lawak at ganda ng school.
"'Nak, kung dito ka papasok ay hindi ko alam kung kakayanin ko. Alam mo namang ako lang ang nagtataguyod sa'yo. Naitanong na rin naman natin kung magkano ang tuition at kung magd-downpayment ako batay sa hinihingi nilang downpayment fee ay pang-isang taon mo nang tuition sa Montana Academy" namo-mroblemang sambit ni Mama.
Sa totoo lang, naaawa ako kay Mama dahil totoo naman ang mga sinasabi niya pero ang taas din kasi ng pride ko sa kadahilanang may rason ako rito para pumasok. Naluluha na ako sa mga bawat daing ni Mama habang nasa tapat kami ng registrar pero sa pagmamahal ng ina ay hindi niya ako natiis dahil sa awa.
"Ay siya, tumayo ka na diyan at itanong mo na ang mga requirements sa page-enroll" tapik ni Mama sa balikat ko at napatingin naman ako sa kaniya. Naluluha siya at ako naman ay napatalon sa galak at paulit-ulit na nagpapasalamat.
Lumapit ako sa registrar at nagtanong na nang mga kailangan para makapag-enroll. Tuwang-tuwa ako at nangako ako kay Mama na magiging honor student ako.
Makalipas ang isang araw ay inasikaso ko agad ang mga requirements ko. Dala-dala ko na rin ang downpayment at pagka-abot sa akin ng isang brown envelope ay may nakasulat ng 'ENROLLED'
Hindi ko maipaliwanag ang saya sa aking puso dahil sa galak na aking nararamdaman. Inabot na rin sa akin ang mga notebook for first semester at mga libro. Kaya pala mahal ang tuition dahil kasama na sa bayad ang notebook at libro na hindi ko naranasan sa Montana Academy.
May binigay pa muli sa akin ang bantay sa registrar na maliit na slipt kung saan may nakasulat na kailangan pang bilhin tulad ng daily uniform at PE uniform. Medyo may kamahalan at sa tingin ko ay dalawang daily uniform lang ang afford ko kasama na ang long sleeve uniform, pants, at ang necktie. Ang PE uniform naman ay isang beses lang naman sa isang linggo kaya isang pares ang bibilhin ko.
Pero hindi pa ngayon dahil wala akong dalang pera upang makabili. Habang naroon ako sa registrar ay tinanong ko na rin tungkol sa ID kung may bayad ba o wala. Mabuti naman ay wala dahil kasama na sa tuition kaya hindi na ako muli mamo-mroblema sa pambayad dahil baka magalit na si Mama sa akin.
Hindi man kami gaano magkasundo ni Mama minsan pero alam namin sa sarili namin na mahal na mahal namin ang isa't isa dahil kami lang naman ang magtutulungan.
Pero bakit nga ba gusto kong lumipat sa university na 'to?
His smile...
Nevermind.
BINABASA MO ANG
Heartstrings High 1: 𝗧𝗥𝗨𝗧𝗛 𝗢𝗥 𝗗𝗔𝗥𝗘?
Roman pour Adolescents🔹TAGALOG STORY The story's allure lies in its ability to seamlessly weave the threads of truth and resilience, crafting a narrative that transcends adversity. Its uniqueness stems from the empowering journey of self-discovery, inviting readers to d...