Who is he?

12.4K 474 33
                                    

-CJ's POV-

"Courtney, sorry we can't make it on time. May emergency sa branch natin sa Hongkong. Two days lang 'yon, promise babawi kami after this." hinging paumanhin ni mommy, ka-chat ko sila ni daddy sa ipad ko.

"What's new?" I rolled my eyes heavenward.

"Wag ka nang mag-tampo. This is for your future." pang-aamo sa'kin ni daddy.

"Whatever, bye." Tinatamad na paalam ko.

"Bye, take care." sagot nalang ni mommy.

"Don't do silly things." Sad's reminder, then the screen went blank. Hay buhay, lahat nga ng materyal na bagay nakukuha ko pero dalawang beses sa isang buwan ko lang makita ang parents ko. Nakakaasar talaga. Bumangon ako mula sa kama at dumiretso ng garahe, hindi na ako nagpalit ng damit at pinatungan ko nalang ng hoodie ang sando ko. Sakay ng Volkswagen Bluesport pinuntahan ko kung nasaan ang kambal na pasaway.

"Yohw!" Agad silang lumapit sa kotse ko.

"Nanalo na kayo?"

"Yeah, pero hindi namin natalo ang isang 'yun." Dylan pointed at a man leaning on a Subaru impreza wrx.

"Who is he? Hindi familiar ang mukha niya." Taas kilay na usisa ko.

"Jin Choi, korean exchange student sa school natin" si Drake ang sumagot sa tanong ko.

"How come both of your precious asses was kicked by that chick?" Well, mukha kasi siyang babae, kapag nilagyan mo ng wig at dinamitan ng pambabae paniguradong marami s'yang ma-aakit na lalaki.

"Looks can be deceiving" sabay pa talaga nilang sagot.

"Then tell him I want to have a race with him." Agad naman silang lumakad palapit sa lalaki, pina-andar ko na ang kotse at pinwesto sa starting line.

"Hi!" Jin shouted. Hindi ko s'ya pinansin.

"To make it more exciting, wanna make a bet?" he annoyingly proposed.

"If I win, you'll be my girl." Tiningnan ko s'ya ng masama, may tililing yata ang koreanong ito. He just keep on smiling.

"If you win, I'll be your boyfriend." Maluwag na talaga ang turnilyo ng isang 'to!

"If I win, I'll beat you to pieces!!" I screamed at the top of my lungs.

The race started, I did not give him a chance. Nang ma-una ako hinarangan ko agad s'ya, nasa kalagitnaan na kami ng malusutan n'ya ako. Humigpit ang hawak ko sa manibela. I can't lose to this chick, focus CJ.

My heartbeats getting faster, race always makes me feel excited. I love the sound of the wheels, the way we cut thru thin air and the feeling of winning.

Shit! Hindi ko inaasahan ang bigla niyang pag-arangkada. Ngayon ay ginagamit n'ya ang taktika ko kanina, naghihiganti ang walang'ya! Naka-kita ako nang pagkakataon noong paliko na kami. Full swing. Imbes na mag-menor mas diniinan ko pa ang silinyador.

I was right, he avoided me, he gave the space I needed. Itinuloy ko ang plano ko, tinagilid ko ang kotse, ang kanang bahagi ng bluesport ko ay sa dingding na dumaan hanggang malagpasan ko s'ya.

I reached the finish line first. Agad akong bumaba ng kotse at pinuntahan si Jin. Nang bumaba s'ya ay mabilis ko s'yang binigyan ng uppercut. Natumba ang lalaki at hindi na bumangon. Nilapitan ko s'ya at tinapik-tapik ang mukha. Grabe ang kinis. It looks like the chick passed-out. Makalipas ang isang minuto nagising din s'ya.

"Tsk tsk tsk, that's just a single uppercut. If I'll beat you I think you'll be dead before you reach the hospital" iiling iling na sabi ko habang pinipilig niya ang kanyang ulo.

"Then as a consequence I'll be your slave for a week." Hmmm, not bad.

"Okay, that's a deal." Ngumiti s'ya ng pilyo, mukhang may pinaplano ang isang 'to ah.

Duh?!As if naman makakalusot siya sa'kin.

M.I.F.P. (PUBLISHED under Lovelink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon