First kiss Aftermath

10.6K 389 61
                                    

-CJ's POV-

Isa,dalawa, tatlo, apat, lima… Gising CJ! Gumising ka na sa masamang panaginip na ‘yan!

No, hindi ‘to totoo. I’m just dreaming. Right, imposibleng hinahalikan ako ni perpektong fake. Never iyong mangyayari.

Pero bakit pinipigilan ko ang aking paghinga? Bakit may nararamdaman akong malambot na bagay na nakalapat sa aking mga labi? Bakit napakatahimik ng paligid? Nas’an nga ba ‘ko?

Then, it hit me. This is reality.

He is kissing me!

“So what CJ? Must we have a relationship now?” He was standing there, smirking like there’s no tomorrow. Parang sinasabi ng ngisi niyang panalo na naman siya. But he’s wrong.

I composed myself and confidently said “It’s not my first kiss. Unlike Darlene, kaya dapat kayo ang magkaroon ng relasyon. Perpektong fake!”  with that said, I walk passed him.

Marami pa akong gustong sabihin pero hindi ko na kayang magtagal pa sa lugar na ‘to. I need to go somewhere, where no one can see, no one can hear brave CJ’s sobs.

-Brix’ POV-

“Okay! Show’s over, go back to work guys!” Honestly, I was taken aback. I didn’t expect her reaction to my kiss. Inaasahan kong magwawala siya, sisipain at susuntukin ako.

Pero umalis lang siya na para bang walang nangyari. Na parang normal ang paghalik sa kanyang ng mortal niyang kaaway. Ang totoo, hindi ko rin alam kung bakit ko ‘yon ginawa.

Humugot ako ng malalim na hininga at marahas iyong pinakawalan. Nagbalikan ang lahat sa kanya-kanyang gawain. Si Jin, sinundan ang babaeng nag-walk-out. Hinawakan ko ang kamay ng tulala pa ring si Darlene at hinila siya palabas.

“Look Darlene, I’m really sorry. Hindi ko talaga ‘yon sinasadya.” Malumanay na sabi ko nang naglalakad na kami papunta sa gate ng school namin.

“P-pero, paano naman ang first kiss ko? Ganoon na lang ba ‘yon?” She said in a low voice while looking away.

“Gan’to nalang. Don’t look at it as your first kiss, 'cause it’s really not. I mean, para kasi sa’kin matatawag lang ‘yong kiss kung nagkaka-intindihan kayo. Kumbaga give and take yung act. Hindi tulad ng nangyari sa‘tin na unintentional at… well, we both know that we don’t have any connection.” Maingat kong paliwanag sa kanya.

Natigilan siya, nag-isip at napatango-tango makalipas ang ilang segundo.

“You’re right! We don’t have a connection dahil hindi naman kita type. Thank goodness!” Bulalas niya habang pinag-sasalikop ang kanyang mga kamay sa tapat ng dibdib, kuntodo ang ngiti.

“Thank you so much Brix! Nalinawan na rin ako. Buti nalang talaga hindi kita gusto! Sige ha, bye!” sabay talikod at pakandirit na lumayo. Napa-iling nalang ako, hindi maka-paniwala sa lakas ng loob niyang sabihin na hindi ako ang kanyang gusto. Wow ha.

-Jake’s POV-

“Putcha, ako unang nakakita eh. First come, first serve Drake!”

“Ano bang tingin mo sa mga babae, bulate? May pa-early bird promo, the early bird catches the worm?”

“Ang bakla mo. Kadiri ka ‘tol, Secret Affair ang peg?” hirit ni Dylan habang nakapilantik ang mga daliri. Humagalpak ng tawa ang kambal sa sarili nilang biro, sabay high-five. Napapa-ngiti at iling nalang ako sa kabaliwan ng dalawa.

M.I.F.P. (PUBLISHED under Lovelink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon