Legally, a Prince

6.2K 230 26
                                    

Maaga pa lang ay nagising na ako, ang totoo dalawang oras lang yata akong naka-tulog. I'm still adjusting to this new environment, everything is really over whelming. It's like I'm living in a dream, a dream I don't know if I want end or not.

Nag-lalakad ako papunta sa garden ng may pink na bolang tumama sa mukha ko, huli na para iwasan iyon kaya sapul ako sa noo. It did not hurt but somehow it pulled me out of my thoughts. Dinampot ko ang bola at nilaro-laro sa kamay ko.

"Hey! That's my ball!" sigaw ng isang matinis na boses, nakita ko ang isang batang babae na naka-suot ng pulang bestida na tumatakbo palapit sa'kin. Umaalon ang kanyang mahaba at itim na buhok, nandidilat ang kanyang tsinitang mga mata. Walang babalang kinuha niya sa'kin ang bola at saka ako inirapan, naalala ko tuloy si CJ.

"Gomen'nasai. Watashi wa Aki yo, anata no namae wa?" (Sorry, I'm Aki, what's your name?)

"Reihai, watashi wa ōjo Kyōko desu" (Worship, I'm princess Kyoko) taas noong pahayag niya, natatawa namang yumukod ako. Hindi ko magawang ma-inis sa katayan nya dahil sa kanyang ka-cute-an.

"Kinararangal kong makilala ka hime-chan" (hime=princess)

"This is the first time I saw you here, anong ginagawa mo dito?"

"Galing ako sa pilipinas, I'm just here to... clarify some things." Bahagya siyang tumango-tango.

"So, bisita ka ng palasyo? Representative ka ba ng government nyo? Hmm... parang bata ka pa naman?"

"Hindi po, hime-chan. It's a personal matter"

"Whatever. Anyway, play with me." Hinagis niya sa'kin ang bola.

"Prinsesa Kyoko" bati ng isang tinig, natigilan ang bata at nilingon ang nag-salita.

"O-onii-san. Good morning." Kapansin-pansin ang naging pag-babago sa kilos ng munting prinsesa, bigla itong naging kimi at mahiyain.

"Prinsipe Aki, ipag-paumanhin mo ang ugali ng aking kapatid. Masyado pa siyang bata kaya minsan ay nakakalimutan niya ang kagandahang asal. Ako nga pala si prinsipe Kenshin." Bahagya siyang yumokod, mabilis ko naman siyang ginaya bilang sukli sa kanyang pag-bati.

"Magandang umaga prinsipe Kenshin. Nice to meet you"

"Gayundin ako, ikinagagalak kong makilala ang matagal na naming nawawalang kamag-anak."

"That's still to be confirmed by the DNA test." Sumilay ang tipid na ngiti sa kanyang labi.

"Matagal ko ng kilala si Kaito-san, may tiwala ako sa galing niya. Lalo na ganitong mga bagay" tumango na lamang ako bilang pag-sayang-ayon."

"Halina kayo at mag-agahan. Tiyak kong nag-hihintay na sa atin ang masarap na salo-salo." Nagpatiuna na siyang mag-lakad, agad naman kaming sumunod sa kanya.

Nagulat ako ng hawakan ni Kyoko ang kamay ko, napa-tingin ako sa kanya. Nag-iwas naman siya ng tingin at bahagyang namula ang kanyang matatambok na mga pisngi.

Matapos ang almusal ay nagtipon ang buong royal family sa isang conference room. Kinakabahan ako, ito na ang oras ng katotohanan. Ngayon mapapatunayan kung talagang anak ako ni prinsipe Jiro.

Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko habang binabasa ni Emperor Sanjo ang dokumento. Natapos ang pinaka-mahabang tatlong minuto ng buhay ko ng i-deklarang positibo ang resulta.

"Welcome to the family, prince Aki." May ngiti sa labi na bati sa'kin ng emperor. Tumayo naman si lola mula sa kanyang bangko, lumapit sa'kin at mahigpit akong niyakap.

Tuwang-tuwang gumanti ako ng yakap sa kanya, sa wakas mayroon na rin akong matatawag na kadugo't kapamilya. Hinalikan naman ako sa pisngi ni Kyoko at isang ma-init na pang-tanggap mula kay prinsipe Kenshin.

"Welcome" malamig at walang buhay na bati ni reyna Haruka, siya ang ina ng magkapatid na Kyoko at Kenshin.

"Salamat po, I'll be on your care from now on. Please be patient with me." I bowed as a symbol of respect and gratitude.

"Mahal kong hari, nais ko lamang malaman kung ano ba ang kanyang katayuan dito sa palasyo?"

"Bilang isang prinsipe, dito na siya maninirahan mula ngayon. Isasa-ayos ni butler Kaito ang mga kakailanganin upang mailipat ang iyong pag-aaral sa University of Tokyo. Mayroon ding mga responsibilidad na iaatang sa kanya. Higit sa lahat si Prisipe Aki ang nasa ikalawang linya bilang tagapagmana ng aking trono."

"Patawad ngunit maari ko bang tanungin kung kwalipikado ba siya bilang tagapagmana? Huwag nating kalimutang kalahati lamang ang kanyang dugong hapon, gayundin ang katotohanang hindi nakapag-isang dibdib ang kanyang mga magulang." pansamtala siyang tumigil.

"Sa madaling salita isa siyang bastardo."

"Iwan niyo muna kami, isama ninyo sa paglabas si prinsesa Kyoko." The emperor commanded the servants, in a split of seconds were alone in an awkward silence.

"Reyna Haruka, hindi mo dapat tinawag ng gan'on si prinsipe Aki lalo na sa harap ng ibang tao." Mahinahong suway ng hari sa kanyang reyna.

"Hindi mahalaga kung hindi siya purong hapon, hindi pa rin ma-itatangi ang katotohanang apo namin siya ng namayapang hari." Matigas na pahayag ng inang reyna.

"Kamahalan, naaayon po sa ating batas na si prinsipe Aki ang sumunod sa'kin bilang tagapagmana." Kenshin said in a matter of fact tone.

"Ngunit paano naman si prinsesa Kyoko? Ang iyong kapatid!" bahagyang tumaas ang boses ng reyna.

"Ina ko, nasasaad na ating batas na dapat unahin ang mga anak at pamangkin na lalaki. Therefore, princess Kyoko will be next in line after prince Aki."

"Hindi ito kapani-paniwala. Papaanong—"

"Excuse me po." Putol ko sa sasabihin pa ng reyna.

"Gusto ko lang po sabihing walang problema sa akin kahit hindi ako maging tagapagmana. Ang nais ko lang naman po ay magkaroon ng pamilya. Masaya na po akong makilala kayo" tumaas ang kaliwang kilay ng reyna.

"Ngunit apo, iyon ang nasasaad sa ating batas. Hindi iyon maaaring baliin at isa kang maharlika walang maaring kumwestiyon doon"

"Tama ang inang reyna, susundin natin ano man ang sinasaad ng batas. Tapos na ang usapang ito. Ma-una na ako sa inyo, may kailangan pa akong puntahang pagpupulong" umalis na ang hari at agad namang sumunod ang inang reyna. Nag-iwan muna ito sa akin ng nagbababalang tingin.

"Halika na apo, kinakailangan nating mag-prepara para sa pagpapakilala sa iyo sa buong bansa." At hinila na niya ako palabas ng silid.

M.I.F.P. (PUBLISHED under Lovelink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon