Threat

8K 322 14
                                    

-CJ’s POV-

It was already eleven in the morning but I don’t have any plan of getting out of bed anytime soon.  Pero makalipas ang dalawampung minuto ng pagpipilit maka-balik sa tulog ay sumuko na ako at bumangon. Papasok na ako sa banyo ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si daddy.

“Kanina pa naka-alis si Brix dahil may school festival daw kayo, are you going?” he’s just in his casual wear, it’s a miracle he doesn’t have an appointment at this hour, considering it’s a business day.

“Tinatamad ako eh, kayo? Wala ba kayong lakad?”

“Later, 2PM. But I want to talk to you first” he sat down on my couch, I silently frowned then sat near him.

“Your mom is still restless about what happened, don’t you want to speak with her?”

“I…uh… honestly dad, I don’t know what to say” tumaas ang kaliwang kilay niya.

“Sorry. Just one word CJ, that’s all you have to say and I assure you she’ll accept it”

“You think so?”

“I know so princess” sumilay ang ngiti na kahapon ko pa hindi nakikita.

“O…kay, nasa kwarto ba siya?”

“She’s already at the office. If you want sabay na tayong pumunta doon?”

“No, meron pala kaming usapan ng barkada na magkikita sa school. Maybe at dinner time?”

“Well then, I gotta go now. See you later princess” niyakap niya ako at hinalikan sa ulo.

“Bye dad, and I’m not a princess anymore” I managed to say before he closed the door.

“Bye my princess” rinig ko pang tukso niya pagka-lapat ng pinto.

“Daaaaad!”

 

-Brix’ POV-

Maayos ang lahat sa kasalukuyang nagaganap na pag-diriwang ng school foundation. Everyone was busy and enjoying the booths. Kasama ko si Karla at naglilibot kami sa buong eskwelahan upang siguruhing walang kaguluhang mangyayari ng maagaw ang pansin ko ng dalawang tao.

Nag-tatawanan sila habang kumakain ng cotton candy, hindi ko napigilan ang pag-gapang ng inis sa sistema ko. Matapos niya akong awayin kagabi heto at nakikipag-tawanan naman siya ngayon sa koreanong ‘yon? I started walking towards them, staring and watching their every move intently.

Bago pa kami tuluyang makalapit sa kanila ay may lalaking naka-bunggo kay CJ dahilan upang mahulog ang hawak nyang cotton candy. Bigla akong napa-tigil sa paglalakad, hinintay kung anong susunod na magaganap. Nakita kong yumuko ang lalaking naka-bunggo—na nakilala kong si Elli, journalist ng school newspaper—at mukhang humihingi ng tawad habang si CJ ay naka-tingin lamang dito at nanlilisik ang mga mata.

Alam ko na ang susunod na mangyayari kaya kinuha ko ang aking cellphone at pinindot ang video recording. I smirked when CJ did what she always does, she punched Elli that caused him to fall on the cold pavement. Na-unang lumapit sa kanila si Karla at agad kinastigo si CJ, lumapit na rin ako sa kanila.

“Ms. Jacinto kahit pa stock holder ka sa paaralang ito you don’t have the right to hurt students just because nabunggo ka ng hindi naman sinasadya” she calmly said while helping Elli get up, whose nose is already bleeding.

Irap lamang ang isinagot sa kanya ni CJ.

“Aanga-anga kasi hindi tumitingin sa dinadaanan! Panira ng araw!” mataray niyang sabi.

“Halika na Elli, I’ll bring you to the clinic” Karla said ignoring CJ, they turned then walk away. Na-pikon naman si CJ sa pambabalewala dito ni Karla kaya tinangka niya ito habulin., mabilis ko naman siyang pinigilan at hinila papunta sa opisina ng student council. Iniwan namin ang koreanong hindi malaman ang gagawin, binigyan ko siya ng masamang tingin upang hindi siya sumunod sa amin.

Mabuti at abala ang lahat ng member ng council sa labas kaya solo namin ang opisina at walang problema mag-sigawan man kami dito. I locked the door then faced her.

“What the hell do you want?” inis na sabi niya habang nilalagyan ng sports wristband ang kamay na hawak ko kanina.

“Siya ba ang ka-inuman mo kagabi ha?!” nagtataka na tumingin siya sa akin.

“At bakit kita sasagutin? Mamamatay ka sa pag-iisip dyan”

“Kayo na ba huh? Is he your boyfriend?” matagal siyang naka-tikom ang bibig, nakikipag-laban ng titigan sa akin.

“Oo! Ano ngayon? Masaya ka na?” hindi pa rin napuputol ang labanan namin ng titig, wala gustong magpatalo. Ngumisi ako at mas inilapit ang mukha ko sa kanya.

“Eh kung sabihin ko kaya kay tita Bella na may nobyo na ang mahal niyang anak?” naningkit ang mga mata niya pakuwa’y siya naman ang ngumisi.

“Go tell her for all I care. Para sabihin ko sayo nakilala niya na si Jin” natigilan ako.

“Eh yung pag-uwi mo kagabi ng late at lasing? Yung hindi mo pag-uwi noong isang araw habang nasa Canada sila? What about last weekend when your friends almost beat me to death? Ah meron pa palang latest, nanuntok ka na naman ng estudyante kani-kanina lang” hinawakan ko ang dulo ng buhok niya habang nagli-litanya. Marahas naman niyang tinabig ang kamay ko, taas kilay siyang sumagot.

“You don’t have any proof!” matapang niyang saad. Inilabas ko ang cellphone ko at hinanap ang ni-record ko kanina lang. Nilampasan na niya ako at nag-tungo sa pinto. I played the video before she could open the door.

Umikot ako at tinukod ang isang kamay sa pinto.

“Never assume CJ, never under estimate me” an evil-playful smile drew on my lips.

“What the heck do you want?” she said through gritted teeth.

“Simple. Be a good girl and follow my wishes”

“Your dreaming if you think na dahil lang sa video na ‘yan ay susundin ko ang kahit anong sasabihin mo”

“You know, the next day after akong bugbugin ng barkada mo nag-punta ako ng ospital at nagpa-medicolegal—“

“Damn you!!!”

M.I.F.P. (PUBLISHED under Lovelink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon