Blood Draining Debate

6.6K 265 19
                                    

I opened my eyes and found myself staring at a very unfamiliar ceiling. Bigla akong napa-bangon at napasigaw sa sakit. Ang hapdi ng halos buong katawan ko.

"Courtney, hey... It's fine, you're safe now" naramdaman kong may humawak sa kamay ko, bumaling ako sa kanya. Worried look, is the reflection I saw on Brix' eyes. Inalalayan niya ako at muling pinahiga.

Naalala ko na kung anong nangyari, nahulog nga pala ako sa kabayo habang nasa rose garden kami.

"How do you feel?" he suddenly asked.

"Okay lang"

"Gusto mo bang tawagin ko ang doktor?"

"No need"

"Food? Baka gutom ka na?"

"Hindi" tumaas ang isang kilay ko, anong nangyayari sa kanya?

"Ahh... TV? Naka-cable dito." Tumayo siya at lumapit sa drawer, dahilan upang bitiwan niya ang kamay ko. Ngayon nya lang pala pinakawalan? Something's really fishy.

"Wag na" pigil ko sa kanya ng aktong bubuhayin na niya ang telebisyon.

Tumigil naman siya at bumalik sa upuang malapit sa kama ko.

"Just tell me if you need anything. Oh, I forgot your ipad or gusto mo yung laptop ko nalang? C'mon, say something... tatawagan ko na si Katkat" he fished his cellphone from his pocket.

Pinigilan ko sya at tiningnan ng buong pag-hihinala.

"You tell me, what's wrong with you?" kumunot naman ang noo nya.

"Wrong with me? W-wala. I'm perfectly fine" sagot niya saka nag-iwas ng tingin.

"Eh bakit ganyan ka?"

"What do you mean 'ganto ako'? wala namang bago sa'kin ah"

"Bakit ang O.A. mo? Bakit ka mabait sa'kin ngayon? Bakit ka aligaga?" sunod-sunod kong tanong.

"Syempre, may sakit ka alangan awayin pa rin kita."

"Ganon?" nag-dududa pa ring tanong ko.

"Ganon nga" he said with finality.

"Sabi mo eh" I just shrugged. Then awkward silence occurred, no one dares to break the deafening silence. Pumikit ako at sinubukang matulog ulit. When I suddenly remembered Ador.

"Si Ador?" naka-pikit pa ring tanong ko. Hindi siya sumagot kaya nag-mulat ako ng mata.

His expression was deadly grim.

"Hoy, sabi ko kamusta si Ador?"

"Why are you asking?" he said in a low tone.

"Concerned lang ako kung anong nangyari sa kanya."

"Ikaw ang nasaktan tapos concerned ka pa sa kanya?" he said thru gritted teeth. Anong kinagagalit nito?

"Bakit hindi? Friends na kami, mabait kaya siya. He even let me ride—" he abruptly cut me off.

"Yan! Yang pag-payag niyang sumakay ka sa kabayo ang dahilan kung bakit nandito tayo ngayon!"

"So what? Hindi naman ako namatay o nabaldado" inis na ring sagot ko.

"Eh ano? Dapat pasalamatan ko pa siya at hindi ka namatay? Is that it Courtney? Hindi mo ba na-iintindihan na sya ang may kasalan kung bakit nangyari sayo yan!"

"It's not his fault! Ako ang nag-pumilit sa kanyang sumakay sa kabayo!"

"Kahit pa! dapat nag-paalam siya sa akin, I'm still the master of that house!"

"Huh! Sorry po young master! Wag kayong mag-alala sa susunod hindi na ako sasakay sa kahit anong kabayo niyo!" I said sarcastically.

"Urgh! Bakit ba tigas tigas ng ulo mo?! Hindi kita dinala dito para masaktan. And as the caretaker, it is Salvador's responsibility to keep anyone—who wants to ride the horse—safe!

"Ikaw ang matigas ang ulo, sinabi ng ako ang may kasalanan dahil pinilit ko lang siya!"

"Shut up and rest Courtney! Tigilan mo na ang pag-tatanggol sa kanya! At kahit anong sabihin mo, mananagot siya sa akin!" he turned his back on me and run to the door.

"BRIX! Bumalik ka ditong walanghiya ka! Hindi pa tayo tapos!" sigaw ko pa kahit sarado na ang pinto.

Nakaka-tuyo ng dugo ang perpekto na 'yon!

M.I.F.P. (PUBLISHED under Lovelink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon