Hating Perpekto

8.4K 334 16
                                    

-CJ's POV-

“What’s this?” pigil ang galit na tanong ni mommy, kapapasok ko pa lang sa home office dahil pinatawag nila ako. May hawak siyang papel at alam ko na kung ano iyon. I prepared myself for a long sermon, I lazily sat down on the nearest couch.

“Report card” inaantok na sagot ko.

“Anong klaseng grades meron ka Courtney? Puro pasang-awa, lahat 75!” ‘yan na nga bang sinasabi ko, tumataas na ang boses nya. I did not bother answering, just sighed heavily. Buti nalang prepared ako —Hahaha—  ipinasok ko ang kamay ko sa aking bulsa at pinindot ang volume button ng aking cellphone, hindi nag-tagal kanta nalang ang naririnig ko at wala nang iba. Natawa ako sa sarili ko, na-isahan ko na naman si mommy! Tagumpay!

At para hindi halata umayos ako ng upo, maging ang aking buhok upang  matakpan ng mabuti ang aking headset na naka-suksok sa tenga ko. I put on a serious face while looking at her, as if listening carefully. Patuloy siya sa pag-lilitanya, paroo’t parito ang lakad niya. Habang si daddy ay cool lang na naka-upo sa likod ng desk nya.

But I was too complacent, I did not expect that mom will shove my hair when she went at the back of my chair. Marahas niyang hinila ang headset ko, napa-pikit ako ng mariin at hinintay ang pag-sabog niya. Napamulat ako ng mata ng marinig ko ang malakas na pag bukas-sara ng pintuan. I saw dad making his way to the door, I concluded mom walked out because of frustration.

“That’s too much CJ, alam kong minsan nasasakal ka na sa mommy mo but you must never forget that she’s still your mother” he said seriously, he looked somehow disappointed. Natigilan ako, na-guilty.

Alam ko dapat akong mag-sorry pero paano ako hihingi ng tawad? Hindi ako sanay sa ganun. Mabilis akong lumabas at sumakay ng motor ko,baka may magandang masabi ang tropa kung anong dapat kong gawin.

Pero si Adrian lang inabutan ko sa hide-out. Mag-isang nag-iinom sa sala habang nagsa-soundtrip. Lumapit ako sa kanya at na-upo.

“You alone?”

“Yup, alone and broken” naka-ngiting niyang sabi, mukhang tinamaan na ang isang to eh.

“Problem?”matagal bago siya sumagot sa tanong ko.

“I saw Xyrelle with another guy, they’re dating! Dating CJ! Can you believe that?” madulas na talaga ang dila ng dabarkads ko.

“Ikaw, why are you here? My love problem ka din?” nag-bukas siya ng isang beer at inabot sa’kin, tinanggap ko naman ‘yon. Dyahe naman tumanggi sa broken hearted na kaibigan.

“Hindi noh! Napa-galitan na naman ako ni mommy eh, nagi-guilty ako” sabi ko tsaka tinungga ang hawak kong bote.

“Oh anong bago kung galit sayo si tita?” hindi siya natingin sa’kin, nasa pulutan ang atensyon niya.

“Kasi… nahuli nya kong naka-headset at nagsa-soundtrip habang nagse-sermon siya”

“Hahaha… It’s a miracle you’re not grounded?” nag-bukas ulit siya, pang-apat bote na niya iyon.

“Kaya nga ako nagi-guilty eh, hindi siya nagwala. She just went to their room and cried, I guess na-puno na talaga sya sa’kin” na-ubos ko na din ang isang bote, nag-kusa na kong kumuha at mag-bukas ng isa pa. I’m not really a drinker but I’m so down right now I need an outlet.

“What about Xyrelle? Diba open relationship naman kayo lahat ng mga girlfriends mo?”

“I know… Ewan ko ba, nai-inis ako tuwing mai-isip kong hinahawan siya ng ibang lalaki” nalukot ang mukha niya.

“Maybe you love her?” tanong ko sa mahinang boses.

“Mahal ko lahat ng girlfriend ko CJ” mariing katwiran niya.

“Mahal your ass.” I made a face.

“I’m telling the truth, lahat sila pinag-lalaanan ko ng oras, ina-asikaso. Hindi ko sila niloko kahit kelan”

“What the Eff Adrian? Eh pinag-sasabay-sabay mo nga sila” can’t help but roll by eyes.

“Yes but before I get into a relationship, sinasabi ko na sa kanilang they can’t keep me exclusively for themselves. You know me, I’m a very loving person. I want everyone as much as possible, feel loved.”

Binatukan ko siya ng kau-ubos ko lang na bote. At muling nag-bukas ng isa pa habang naka-tingin siya sa’kin na para bang naging alien ako.

“Jherk ka pala eh, you huh.. listen Adrian Santiago! You don’t have the right to sh-stop  Xyrelle seeing somebody else dahil hindi kayo exclusive! Gets mo ba?” dinuro ko ang dibdib niya, natahimik naman si Adrian.

“A-ayoko!” at parang batang nag-pout. Yuck lang, baby damulag pala ang star player ng school namin!

“Ewan ko shayo ang gulo mong ka-usap” at doon lang umikot ang usapan naming dalawa hanggang nag-desisyon na akong umuwi dahil inaantok na ako. Letse, wala akong napala sa pag-punta doon.

Sa labas ko na ipinarada ang kotse dahil tinatamad na akong ipasok pa sa loob. Iniwan ko kasi ang motor ko sa hide-out dahil naka-inom ako. I sat at there for a while, clearing my thoughts and planning how to make it up to my mom.

Nang bigla may kumatok sa bintana ng kotse, inis ang una kong naramdaman ng makilala kung sinong bwisit ang um-istorbo sa’kin.

-Brix’ POV-

Halos hating-gabi na pero nandito pa rin ako sa may garden at hinihintay si CJ. Nakita ko siya kaninang lumabas ng bahay sakay ng kanyang motor at napag-alaman kong hindi pa ito na-uwi hanggang ngayon. Kanina ko pa siya sinusubukang tawagan pero hindi naman niya sinasagot.

Nagmamadali akong lumabas ng huminto ang isang pamilyar na kotse sa tapat ng bahay. Kumatok ako sa bintana na siyang ikina-gulat ng driver. Sa isang iglap ay naka-labas na siya ng kotse, ibubuka ko pa lamang ang aking bibig upang mag-salita ng bigla niya akong sampalin ng malakas hindi pa man ako nakaka-huma ay nilagpasan na niya ako sabay sabi ng: I really hate you perpekto!

Hindi ako naka-kilos sa kabiglaan, napaka-bayolente talaga ng babaeng ‘yun. Na-tauhan lang ako at bumalik sa huwisyo ng marinig ko ang malakas nyang reklamo.

“Aww! Putcha naman oh!” lumingon ako at nakita ko pa siyang naka-luhod at nagtatangkang tumayo. I immediately rushed to her side and attempted to help her but she just whacked my hand. Nag-salubong ang kilay ko, ina-abuso na yata ako nito por que hindi ko siya pinapatulan. Nang tuluyan siyang makatayo ay tinulak naman niya ako sa dibdib.

“Tumabi ka nga!” pero bago pa siya maka-hakbang palayo ay hinuli ko na ang braso niya at hinigit siya palapit sa akin, dahilan upang masubsob siya sa dibdib ko.

“Ano ba! Bitiwan mo nga ako!” sigaw niya sa mukha ko, nag-init ang ulo ko.

“Lasing ka ba? Hindi ka dapat nag-drive kung naka-inom ka!” nag-pipigil na sabi ko sa kanya, hindi ko pa rin binibitawan ang kamay niya.

“What the hell do you care?! Gagawin ko ang gusto ko at wala kang pake!”

“Eh kung isumbong kaya kita kay tita Bella!” ngumisi ako at naningkit naman ang mga mata niya.

“Go ahead! Ganyan ka naman palaging pa-bida, lagi nalang ikaw ang magaling!” marahas niyang binawi ang kanyang kamay at tinulak na naman ako. I let out a long heavy sigh while watching her went up the stairs.

My head is aching because of her stubbornness.

---------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: For the 2nd person who added TPP&TWP on his reading list ..thank you usuitakishima!

M.I.F.P. (PUBLISHED under Lovelink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon