03. Literally Heart Break

24 5 69
                                    

Two months later

(2014 of January)

Nasa abandoned playground kami ngayon nila Liam, Mia, Jane at Francine nagpa-practice kami ngayon para sa performance task namin na Romeo and Juliet.

Ako si Romeo at si Mia naman si Juliet. Ang daya dapat si Francine ang gaganap na Juliet kaso ayaw n'ya:'-(

"O Romeo, Romeo! Wherefore thou art Romeo?
Deny thy father and refuse thy name....
Ano kasi yung susunod?" Kunot noong tanong ni Mia. Here we go again!

"Gosh! Maghapon na tayo dito! Hindi mo pa rin kabisado?!" Na-iinis na wika ni Francine.

"Eh ikaw yung mag Juliet! Tutal ikaw naman yung magaling 'di ba! Mas aborido ka pa kaysa kay Liam eh!" Galit na wika ni Mia. Si Liam kasi ang leader namin sa group.

"Ang sinasabi ko lang maghapon na tayo dito nagpa-practice hindi mo pa rin kabisado, siguro wala dito yung isip mo!" Wika ni Francine. Hayst palagi nalang silang ganyan!

"Okay! Hmm water break muna tayo! Sobrang init eh" Pag-awat ni Liam sa dalawa. Awatin mo sila parehong may gusto sa'yo ang dalawang 'yan! Pero akin si Francine huh!

Bigla namang kumirot ang dibdib ko nakaramdam ako ng sobrang at hirap na rin akong huminga.

"Okay ka lang San?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Liam.

Unti-unti nang nagdilim ang paningin ko nawalan na rin ang mga tuhod ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.

*****

Cardiomyopathy 'yan diagnosis sa akin ng duktor, parehong sakit na pumatay sa Dad ko ten years ago.

Naka-confined ako ngayon sa hospital dahil dilikado daw ang kondisyon ko.

Ilang araw na rin akong nandito nakakabagot dito sa hospital 'tapos wala pang lasa ang mga pagkain.

Bigla namang bumukas ang pinto at nakita ko agad sila Liam at Mia na may dala-dalang mga pagkain.

"San, binili mo ba ako ng fried chicken?" Tanong ko agad kay Liam. Sawa na ako sa pagkain dito sa hospital!

Tumango si Liam at sinabing "Sigurado ka bang pwede sa'yo 'to?" Seryosong tanong sa akin ni Liam.

"Oo San! Basta eat moderately lang daw!" Masiglang sagot ko kay Liam sabay kuwa ko ng fried chicken. Lord, sorry I lied pero isang chicken lang naman eh!

"Pwede ba sa'yo ang cookies? Nag-bake ako kanina!" Tanong sa akin ni Mia. Oh tukso layuan mo ako!

"Oo naman! Ang bawal lang naman sa akin ang mapagod eh!" Sagot ko kay Mia. Lord, patawad!

"Sorry, San napagod ka ata namin sa kaka-practice" Malungkot na wika ni Liam habang nakatingin sa akin. Ba't ko ba sinabi 'yon?!

"Oo nga! Sorry kung hindi ko nakabisado agad yung mga lines ko huh!" Mangiyak-ngiyak na wika ni Mia. Hindi n'yo kasalanan 'yon!

Pakiramdam ko ma-iiyak na ako kaya ngumiti nalang ako at sinabing "Para kayong mga tanga! Wala kayong kasalanan sa nangyari! Hindi naman natin alam na may sakit ako sa puso eh! Kaya 'wag n'yong sisisihin ang mga sarili n'yo huh!" Nakangiting wika ko sa kanilang dalawa.

"Pahingi nga ng cookies!" Utos ko kay Mia.

"Heto na! Señorito!" Wika ni Mia sabay abot sa akin ng mga cookies.

*****

Kasalukuyan kami ngayong nanunood ng TV ni Mia habang si Liam naman ay nagbabasa ng libro.

The man on the bridge [Loser's Series #2]Where stories live. Discover now