Makalipas ang ilang araw ay nandito na ako sa bahay at nagre-recover mula sa oprasyon.
Nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko si Mia.
"Oh 'di ba ngayon yung prom ba't 'di ka pa naghahanda?" Tanong ko agad kay Mia.
"Mamaya pa 'yon! Dito muna ako!" Nakangiting sagot ni Mia pero pansin kong namumugto ang mga mata n'ya. Umiyak ba s'ya kanina?
"Anong problema ba't namumugto ang mga mata mo?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Wala! Wala 'to! Dinalhan nga pala kita ng cookies oh!" Nakangiting wika ni Mia.
"Napagalitan ka ba ulit ni Tita Marilou?" Seryosong tanong ko kay Mia. Ano kayang ginawa na naman nito?
Umiling lang s'ya at sinabing "Wala ka bang nakakalimutan?" Tanong sa akin ni Mia. Magtoothbrush?
"Wala naman! Bakit?" Nakangiting sagot ko sa kanya.
Unti-unting nawala ang ngiti ko sa mukha nang makita kong masama na ang tingin n'ya sa'kin. Ano bang meron ngayon? Ahhh oo nga pala!
"Happy birthday Darna!" Masayang bati ko Mia.
"Darna talaga?" Nakangiwing tanong ni Mia.
"Bakit si Bryan Perez lang ba ang pweding tumawag sa'yo ng Darna? Atsaka ikaw naman talaga ang tagapagtanggol namin ni Liam!" Paliwanag ko kay Mia.
"Ipagtanggol n'yo naman yung sarili n'yo ni Liam! Paano kapag wala ako!" Seryosong wika ni Mia. Ang drama nito!
"Edi araw-araw nalang akong magdadala ng baseball bat sa school! Ewan ko nalang kung may mambully pa sa'min non!" Pabirong wika ko kay Mia.
Tumawa ng malakas si Mia hanggang sa maluha na s'ya sabay sabing "Payakap nga Pete!" Nakangiting wika ni Mia. Anong meron sa babaeng 'to? Ba't ang weird n'ya ngayon?
"Mia, may Francine na'ko eh!" Biro ko kay Mia sabay yakap sa kanya.
"Enjoy kayo sa prom huh!" Wika ko habang nakayakap kay Mia.
"Oo naman! Wala ka eh!" Biro n'ya sa akin habang nakayakap.
"Ang sama mo talaga noh!" Wika ko. Bad Darna.
*****
Kasalukuyan ko ngayong pinapanood ang viral video ni Liam habang pinapahiya s'ya nila Kevin at Bryan sa prom.
Mia where are you?
"Mukhang kailangan ko nang pumasok sa lunes!" Mahinang bulong ko sa sarili.
*****
Kasalukuyan akong nasa loob ng kotse ngayon kasama si Mom.
"Are you sure na kaya mo nang pumasok?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Mom.
Tumango-tango ako at sinabing "Yes Mom! Don't worry about me kaya ko na!" Nakangiting sagot ko kay Mom sabay dampot ko ng baseball bat.
"And what's that for?" Kunot noong tanong sa akin ni Mom.
"For safety purposes!" Nakangiting sagot ko kay Mom. Para sa mga bully namin ni Liam.
"Baby ko behave!" Seryosong wika ni Mom.
Ngumiti ako at sinabing "Always naman Mom!" Napansin kong nasa tapat na pala kami ng St. Louis academy "Gotta go Mom! I love you, see you later!" Sabay halik ko sa pisngi n'ya.
Pagkapasok ko sa school ay may narinig agad akong...
"I LOVE YOU MIA..." Pangaasar na wika nila.
"Nand'yan na pala ang top 1 nating hopeless romantic eh" Pangaasar na wika ni Chad kay Liam.
![](https://img.wattpad.com/cover/361843792-288-k846014.jpg)
YOU ARE READING
The Man On The Bridge [Loser's Series #2]
RomanceShe doesn't like good looking guys! She doesn't like intelligent guys! She's not attracted to taller boys! She doesn't even want a billionaire boy! Her name is Michelle Joy Canlas And she only wants a man who can last with her forever. I love her bu...