23.Falling into place

34 3 42
                                    

One year later (2023)

"Hi, Baby Barry! Who's your favorite tita?" Nakangiting tanong ni Jelay sabay karga sa anak ko.

Nasa bahay namin ang buong Losers Squad ngayon para sa binyag ni Barry na kakatapos palang.

"Syempre, si Tita Cassie!" Nakangising sagot ni Bryan kay Jelay.

"Shut your mouth, Bry! Me kaya, right, Baby Barry?!" Nakangiting wika ni Jelay.

"Akin na si Baby! Na-iipit yung tiyan mo eh!" Nag-aalalang wika ni Liam kay Jelay.

"No, it's okay, Mahal. Don't worry about our baby." Paniniguro ni Jelay kay Liam sabay hawak n'ya sa bilog n'yang tiyan. Yes, Jelay is seven months pregnant. Good job, Liam!

"Liam, hayaan mo na si Jelay! She needs practice." Nakangiting wika ni Jess habang karga-karga n'ya ang baby n'yang si Baby Jenny.

"Ang cute talaga ng Baby Jeje na 'yan!" Biro ko kay Jess.

"Pete, it's Jenny not Jeje!" Nakangiwing sagot ni Jess. "Pasalamat ka cute si Baby Barry!" Dagdag pa n'ya.

"Of course! Nagmana sa'kin eh!" Taas-noong wika ko sabay pogi sign.

"Jo, 'wag kang mayabang. Ako kaya ang kamukha ni Barry!" Nakangising wika ni Em.

"Ako kaya!" Giit ko kay Em.

Makalipas ang ilang sandali ay nandito ako ngayon sa may garden at kasalukuyang tinutulak ang stroller ni Barry.

"Anak, welcome to the Christian world! Sana 'wag kang gumaya kay Dada huh! Gusto ko maging strong ka, 'wag mong pasasakitin ang ulo ng mama mo huh! 'wag mo rin s'yang iiwan! Be an obedient son to her, 'pag wala na'ko, ikaw na ang bahala sa kanya." Nakangiting wika ko kay Barry sabay halik ko noo n'ya.

"Father and son bonding ba'to?"

Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses at nakita ko si Em na nakangiting nakatingin sa amin ni Barry.

Ngumiti ako at sinabing "Sort of, but let's make it a family bonding!" Sabay tulak ko sa stroller patungo sa direksyon ni Em gamit ang kanang kamay ko. Let's go to Mama!!!

Mabilis na kinuwa ni Em si Barry sa stroller at kinarga sabay sabing "Anong sinabi sa'yo ni Dada ha!?" Nakangiting tanong ni Em kay Barry sabay halik sa pisngi nito. What a beautiful view.

"Wala! Tinuturuan ko lang s'ya pa'no mag-ML!" Nakangiting biro ko kay Em.

"Jo, four months palang si Barry, ginagawa mo nang gamer!" Natatawang wika sa akin ni Em.

"Well, I believe, the sooner the better!" Nakangising sagot ko sa kanya sabay akbay ko kay Em.

"Hoy, family kakain na tayo!!!" Narinig kong sigaw ni Bryan. Istorbo ka, Bryan Perez!!!

"Coming!!!!!" Pasigaw kong sagot kay Bryan.

*****

"Grabe ako na lang ang walang anak sa mga lalake ng OG Losers Squad!" Dismayadong wika ni Tobi sa aming lahat.

Nandito kami ngayon nila Bryan, Liam, Jeremy, Jam at Tobi sa may pool area at kw-kwetuhan.

"Oo nga, naunahan ka pa ng may ALS!" Nakangising sagot ni Bryan kay Tobi.

"Ang bilis naman kasi ng love story nila! Imagine Michelle got knocked up in just a month in a relationship with Pete!" Manghang wika ni Tobi.

"Kaya nga Barry Allen ang name ng baby nila, kasi The Flash!" Natatawang wika ni Jeremy.

The Man On The Bridge [Loser's Series #2]Where stories live. Discover now