06. Be like Liam

45 5 38
                                    

"Happy birthday Peter!" Nakangiting bati sa akin ni Nurse Tina sabay abot n'ya sa'kin ng isang paper bag.

Nasa gazebo kami ng bahay namin kung saan ginaganap ang associate meeting ng SC Empire hotel este birthday ko pala. Puro business partners ni Mom ang mga bisita ko.

Ngumiti ako at sinabing "Thank you Nurse Tina kain na po kayo dun sa loob!" Sabay turo ko sa may kitchen.

"Okay ka lang ba dito?" Tanong sa akin ni Nurse Tina.

Ngumiti lang ako sabay thumbs up.

At pumasok na s'ya sa may kitchen.

Ilang sandali lang ay lumapit si Mom kasama ang isang lalake na mukhang seryoso.

"Peter, gusto ka raw batihin ni Mayor Yael Chavez." Nakangiting wika ni Mom. Chavez?!

"Happy birthday young man! I assume you know my daughter pareho kayong nag-aaral sa Wallton University," Sabay tingin n'ya sa may kaliwa n'ya . Kaya Napatingin na rin ako at nakita ko si Ylona.

"Yes I know her Sir!" Nakangiting sagot ko sabay tingin ko kay Ylona. Anak ka pala ng Mayor huh!

"Can I have a word with you?" Seryosong tanong sa akin ni Ylona sabay hila n'ya sa'kin sa may pool area.

"Don't say anything about the incident to my Dad okay?" Seryosong wika ni Ylona.

"Hindi talaga! Ayokong ma-salvage noh!" Biro ko kay Ylona.

"Good! So you're the son of the owner of the biggest hotel in Asia." Wika ni Ylona.

"At anak ka pala ng Mayor! Should I call him Dad?" Nakangising biro ko kay Ylona.

"Fuck you!" Walang kaemo-emosyong wika ni Ylona sabay walk out. F word ulit?!

"Uy favorite word mo ba 'yan?" Pasigaw kong wika. Asar talo!

Ilang sandali lang ay dumating na sila Liam at Bryan.

"Happy birthday bansot!" Bati sa akin ni Bryan sabay suntok sa braso ko. Heto ba yung regalo n'ya sa'kin suntok?!

"Happy birthday San!" Sabay abot n'ya sa'kin ng isang box.

"Wala bang alak dito?" Tanong sa akin ni Bryan. Kawawa ang atay nito!

*****

Nasa sementeryo ako ngayon at dinadalaw si Andrew Flores.

"Pitong buwan na rin simula nang mawala ka. Salamat pa rin sa binigay mong second chance sa akin. Pangako hinding-hindi ko ito sasayangin. Magiging nurse tayo!" Sabay hawak ko sa dibdib ko habang nakatingin sa puntod n'ya.

Kasalukuyan na akong naglalakad palabas ng gate ng sementeryo nang makita ko si Jam (teammate ni Liam at ni Bryan sa Wallton Werewolves) na may dala-dalang bulaklak.

"Saan ang ligaw?" Biro ko kay Jam.

"Loko may dadalawin lang ako. Ikaw ba't ka nandito?" Tanong sa akin ni Jam.

"May binisita lang!" Nakangiting sagot ko.

*****

Nasa harapan ako ngayon ng Shakestine University nang bigla kong mapansin si Ylona na nakatayo sa 'di kalayuan.

Agad akong lumapit sa kanya at sinabing "Waiting for Hunter Salvador?" Nakangising tanong ko sa kanya.

"How did you know about him!?" Kunot noong tanong sa akin ni Ylona.

"Sinabi ni Yvanna!" Sagot ko.

"My crazy twin sister!" Naiinis na wika ni Ylona.

"Hindi huh! Ang cool nga ng kambal mo eh! Actually she reminds me of someone." Si Yvanna boyish pero kaugali n'ya si Mia.

The Man On The Bridge [Loser's Series #2]Where stories live. Discover now