Epilogue

15 3 46
                                    

Seven years later.

Michelle's POV.

"Hi, Pete, musta?" Maluha-luhang tanong ni Mia kay Pete.

Kasalukuyang ka-video call namin ngayon ni Pete sila Liam, Jelay, Bryan at Mia habang nasa hospital kami ngayon ni Pete.

"Mia, enough! Kung nakakapagsalita lang si Pete I'm sure sasabihin n'ya na cry baby ka!" Biro ko kay Mia.

Hindi na nakakapagsalita at nakakagalaw si Pete, ilang taon na rin s'yang bedridden at tanging pagalaw na lang ng mga mata ang nagagawa n'ya. I hate to see him this way.

"Em, are you okay?" Tanong sa akin ni Jelay.

Pinilit kong ngumiti at sinabing "Yeah! I am."

"Teka, nasaan si Barry?" Nakangiting tanong ni Liam.

"Nasa bahay kasama ang Tita Sabrina n'ya." Nakangiting sagot ko kay Liam.

"How is she? How's our sister?" Nakangiting tanong sa akin ni Jelay.

"Sabrina's okay! Actually may bagong boyfriend na s'ya! Pinoy daw." Nakangiting sagot ko kay Jelay.

"I just hope he's matino at hindi n'ya sasaktan si Sabby." Seryosong pagkakasabi ni Jelay.

"Matino 'yan! Pinoy eh!" Taas-noong komento ni Bryan habang nakangisi.

"So matino pala kayo ni Juami, kasi Pinoy kayo eh." Sarkastikong pagkakasabi ni Mia.

"Ay hindi 'yon Pinoy! Alien 'yon! 'di ba, Pete?" Bulalas ni Bryan habang nakangisi.

"Em, are you sure okay ka lang?" Seryosong tanong sa akin ni Liam.

Hinawakan ko ang kamay ni Pete at sinabing "As long as I'm with him, I'm okay."

*****

"Ma, malamig po dito sa balcony, pasok po tayo sa loob!" Pag-aaya ko kay Tita Jackie na pumasok na sa loob ng bahay.

Winter ngayon kaya sobrang lamig dito sa may balcony.

"Hirap na hirap na s'ya, Michelle. Do you think it's time?" Seryosong tanong sa akin ni Tita Jackie.

Napayakap ako sa sarili ko at sinabing "Are you giving up on him, Ma?" Lumuluhang tanong ko sa kanya.

"Ayaw kong sukuan s'ya, but he suffers a lot at nasasaktan akong nakikita s'yang gan'yan. Kung pwede ko lang kunin ang sakit n'ya, ginawa ko na." Lumuluhang sagot sa akin ni Tita Jackie.

"Kayo lang po ba ang nahihirapan? Kayo lang po ba ang nasasaktan? Ako rin po, Ma, but I will never give up on him." Seryosong sagot ko sa kanya habang lumuluha .

"Let him rest, Michelle! Don't be so selfish." At pumasok na Tita Jackie sa bahay.

*****

"Nurse Tina, kadamutan ba ang 'di ko pagsuko kay Pete?" Seryosong tanong ko kay Nurse Tina.

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Nurse Tina sa hallway ng hospital patungo sa private room ni Pete.

"Hindi naman, pero intindihin mo rin si Ma'am Jackie na ayaw na n'yang makitang nahihirapan ang anak n'ya. For sure hindi rin madali para sa kanya 'to, s'ya yung nanay." Seryosong pagkakasabi sa akin ni Nurse Tina.

"Nurse Tina, kumakapit pa si Pete eh! Susukuan na ba natin s'ya?" Lumuluhang tanong ko sa kanya.

"Kumakapit pa s'ya, dahil ayaw mo pa s'yang bitawan, I think it's time to let him go, Em." Mangiyak-ngiyak na pagkakasabi sa akin ni Nurse Tina.

The man on the bridge [Loser's Series #2]Where stories live. Discover now