THE DAY
Ngayon na ang araw ng pag alis ko rito sa bahay papunta ka nila tita ito namang si mama ay panay bilin at payo sakin kung ano raw ang una kong gagawin sa pag dating kanila tita
Ako naman ay mukhang maiiyak dahil sa kaba at excited samahan mo pa nang lungkot dahil hindi kona makakasama si mama
"oh anak naluluha ka na naman ba?"
tanong sakin ni mama na nag aalala at hinihimas himas pa ang aking buhok"ma...hindi kona lang kaya ituloy ang pag alis ko rito kasi naman ma mimiss kita ih"
pabebe kong sabi habang nagpapapadyak padyak"anak ngayon mo pa ba tatanggihan kung matutupad na iyang pangarap mo? okay lang naman ako rito anak ma mimiss din kita gusto ko nalang din na dito ka nalang pero alam kong pangarap mo talaga ang makapag aral ulit kaya supportive ako bilang nanay... basta tatandaan mo mga payo ko ha? wag mong istressin sarili mo sa pag aaral mag enjoy karin kahit papa ano"
Agad ko namang niyakap si mama
"ma....promise ko sayo babalik ako rito nang may trabaho na tandaan niyo po iyan ha? at ang mga payo niyo po sakin ay lagi ko ring tatandaan hanggang pag tulog ko syempre wala na akong nanay na taga payo sa akin doon kaya tatandaan ko nalang lahat ng mga sinabi mo sakin"
ani ko kay mama at nag promise signNapa ngiti naman si mama at hinalikan ako sa pisngi
"oh sige na nga...imissyou anak wag kang mag papagutom sa tita mo ha? ang taba mo pag punta mo roon tapos babalik ka rito nang mapayat ayaw ko nun gusto ko lagi kang healthy"
Napanguso naman ako kay mama
"grabe naman sa mataba ma saktong taba lang naman tsaka hindi ko naman hahayaan na mag papapayat ako roon"
sabi ko sa kaniya habang naka yakap"oo na hahhaa ikaw talaga mamimiss ka talaga ni mama wala na akong taga luto at taga good vibes dito"
sabi naman niya habang naka yakap parin sakin ng biglang sumulpot si ate cherry at naka pameywang na parang nanay"Ma paano naman ako nandito ako oh? siya lang ba ang marunong mag luto?"
pabirong sabat niya habang naka taas ang isa niyang kilay kaya agad kaming napatawa"naku talaga nainggit lang itong ate mo sayo"
"oo na ate marunong karin mag luto mas masarap kapa mga mag luto kesa sakin eh"
sabi kona man dito at umiiling ilingBigla naman akong niyakap ni ate cherry nang mahigpit yung hindi na talaga ako makahinga akala mo talaga hindi na kami mag kikita
"ma mimiss ka ni ate.... wag mo kaming kakalimutan dito sa bahay ha? tsaka mag pakabait ka roon wag kang gagawa nang ikakagalit ni tita"
Niyakap ko rin ng pabalik si ate
"oo naman ate kayo pa ba makakalimutan ko? hindi noh mahal na mahal ko kayo eh tsaka mamimiss ko rin talaga kayo ngayon pa ngalang ayaw ko na kayong iwan eh paano pa kaya pag tumagal na ako roon syempre mangungulila na ako sainyo ni mama"
"ikaw talaga oh pinapaiyak mo naman ako ih..."
sabi niya habang natatawa"ehem ehem"
Napalingon naman kami sa gilid at doon naka tingin si mama habang naka pamewang din at parang nanenermon
"kanina pa kayo diyan nag swi-sweet moments pwede bang isali niyo rin ako?"
dagdag pa neto at agad kaming niyakap
YOU ARE READING
THE FAMOUS SECTION AND ME
Teen Fiction[UNEDITED] isang babaeng pina aral ng kanyang tiyahin sa isang sikat na pribadong paaralan na kung saan puro mayayaman lang ang nakakapasok doon Wala siyang ka alam alam sa skwelahang iyon dahil ang alam niya lang ay mag sipag sa pag aaral para sa...