THE FINAL DAY PRACTICE!
ito na ang huli naming pag i-ensayo sa Aquaintace Party na gaganapin bukas ng gabi, medyo kinakabahan ako baka kasi bigla na lang kaming magkamali ayaw ko pa naman sa lahat ang mapahiya
“class this is the final practice na gagawin nyo, at kailangan niyong galingan sa pag i-ensayo dahil bukas na gaganapin ang Party… nang gabi” ani samin ni Maam Violet na may malaking ngiti sa labi
Lahat kami ay nag sitanguan
“okay class dismissed”
Tumayo na kami para magrecess kasama ko rin ang apat kong mga kaklase na kasama ko sa pag iinsayo araw araw sina Danica, Lenard,Ellise, Kram at pati na rin pala si Kristal, pero mag hihiwalay din naman ang mga landas naming dalawa dahil may practice din ito sa cheer up dance mamaya pagkatapos naming kumain
"ayts mamaya hindi ko na naman makakasama si Cheska huhuhu" kunyaring iyak nito
natawa naman ang apat naming kasama samantalang ako ay naiiling at inirapan nalang siya
"kahit kailan ay napaka oa mong bruha ka" ani ko naman sakanya
"hoy grabe ka ah! isusumbong talaga kita kay fafa Xaizer"
kunot noo ko itong tinignan, samantalang ang sina Ellise at Danica ay napanganga sa huling sinabi ni Kristal, kaya ka agad nanlaki ang mata ko at kinutusan ito na bigla naman napa ungol sa sakit
"aray naman!"
"bwiset ka talaga ano ano na lang pinag sasabi mo nakakahiya sa iba nating kasama litse ka jan ka na nga, hali na kayong apat hayaan niyo na yang isang yan baliw na kasi yan" padabog kong nilagpasan sina kristal pero ramdam ko namang simunod sila sakin
ewan ko ba bakit na wawala ako sa mood kapag naririnig ko ang pangalan ng leader sa Section Famous, naiirita talaga ako sobra!
"hoy tangina ka hintayin mo naman kami!" alam niyo na kung kaninong boses iyon
Sa hanggang nakarating na kaming anim sa Cafeteria ay ka agad kaming umorder at kumain panay naman ang daldal ni Kristal, samantalang ang apat pa naming kasama ay mukhang naiilang at hindi umiimik
"Danica pagkatapos nating kumain ay diretsyo na tayo sa Practice room, at ikaw naman Kristal pumunta ka na rin sa Dance Practice at baka pagalitan ka ng leader niyo" sermon ko sa kaibigan kong nakasimangot na ito at mukhang nabadtrip pa
Tumango naman si Danica
"nawalan ako ng gana mag practice nakakainis sila Isla!" padabog naman ng isa at nakasimangot pa rin hanggang ngayon
Nag tinginan naman sila Danica at Ellise sa inasta ni Kristal
"ibig mong sabihin nakasama mo sa sayaw ang mga Kaibigan ni Austell Premiera?" biglaang tanong ni Ellise na hindi makapaniwala
buti naman umimik na rin itong isa
"tsk oo at yun ang kinaiinisan ko"
Napakamot nalang ako sa aking ulo at nag salita
"hayaan mo nalang sila Kristal, kung hindi mo sila papansinin edi walang gulo at inis sa pagitan niyo" sabi ko sakanya
YOU ARE READING
THE FAMOUS SECTION AND ME
Teen Fiction[UNEDITED] isang babaeng pina aral ng kanyang tiyahin sa isang sikat na pribadong paaralan na kung saan puro mayayaman lang ang nakakapasok doon Wala siyang ka alam alam sa skwelahang iyon dahil ang alam niya lang ay mag sipag sa pag aaral para sa...