nagising nalang ako dahil sa pag tama nang sikat ng araw sa aking mata agad naman akong bumangon at nag patuunan kong kwarto kona nga itoNaalala ko kahapon ay inihatid na ako ni xaizer naka tulog din ako sa byahe kagabi kaya hindi kona maalala na nandito na pala ako
Ilang minuto akong naka upo at nakatunganga ikinusot ko muna ang aking mata saka ako pumuntang banyo at naligo
Matapos kong maligo ay bumaba na ako sa sala para makapag almusal na
Naabutan ko naman doon ang nag lilinis na si Astrid at kumakanta pa ito, lumingon naman ito sa akin at agad akong pinuntahan
"gising kana pala cheska"
"ay hindi tulog pa ako kaluluwa kolang to"
Napanguso nalang ito dahil sa kabalbalan ko ngayon
"mag almusal kana raw pala doon tapos pagkatapos mong mag almusal ikwento mo sa amin kung bakit hindi ka naka uwi kahapon grabe rin pag aalala namin sayo akala ko nga kasama mo si madam Kristal yun pala nag punta rin dito yun sa mansyon para lang itanong sa amin na umuwi kana ba raw" mahabang kwento neto
Napa buntong hininga nalang ako saka tumango at nilampasan sya
wala naman akong ganang mag kwento ngayon dahil naalala ko na naman ang ginawa sakin ng hayop na Austell na yun ang sakit parin ng ulo at anit ko
Hinawakan ko ang aking ulo habang hinihimas iyon nakarating na rin ako sa kusina at saka umupo
"ija gising kana pala...mag almusal kana may inihanda akong bacon sandwich mo at champurado tinimplahan na din kita ng gatas"
tahimik lang naman akong napa tango
sandali champurado ba ang narinig ko? kumuha agad ako ng kutsara dahil natatakam ako sa champurado i miss this na miss ko rin yung luto ni mama na champurado ng dahil kay mama ay talagang paburito ko ito ngayon
Nilantakan ko naman agad ang champurado mmm yummy
Busy ako sa paglalantak ng aking kinakain ng nadako ang tingin ko kay manang na nakatingin lang ito sa akin at may pag aalalang tingin
tumigil naman ako sa aking pag nguya at humarap sa kanya
"manang amo pong problema?" tanong ko
"nag aalala lang kami sayo kahapon hindi ka kasi nakauwi mag hapon gabi kana rin nakauwi yung matangkad at poging lalake ang nag hatid sayo rito kagabi"
ahh ang tinutukoy niya ay si xaizer
"Ang sabi nya rin sakin ay may problema squad kung bakit gabi kana nakauwi"
nilunok ko muna ang aking kinain saka ako nag salita
"opo merong kunting kaganapan lang naman sa skwelahan kahapon pero okay na rin naman po ako"
sagot ko saka binalingan ulit ang aking kinakain"nga pala....boyprend mo ba yung matangkad na poging lalakeng nag hatid sayo kagabi? pogi ah"
Malapit konang maibuga ang iniinom kong tubig at ka agad kong tiningnan si manang
"m-manang wala po akong boyfriend maniwala po kayo sa hindi hindi ko po talaga sya boyfriend saka po tinulungan niya lang din ako nung problema ko sa skwelahan pero hindi ko po talaga siya boyfriend hehe"
YOU ARE READING
THE FAMOUS SECTION AND ME
Tienerfictie[UNEDITED] isang babaeng pina aral ng kanyang tiyahin sa isang sikat na pribadong paaralan na kung saan puro mayayaman lang ang nakakapasok doon Wala siyang ka alam alam sa skwelahang iyon dahil ang alam niya lang ay mag sipag sa pag aaral para sa...