CHAPTER 05

829 86 5
                                    


Hindi ko namalayan na tinanghali na pala ako nang pag kagising

Agad naman akong napabalikwas sa pagkabangon dahil sa hiya hindi ko pa naman to sariling bahay baka maisip ni tita na palamunin na nga ako rito tamad pa kaya agad ko nang iniligpit ang aking higaan at diretsyo nang lumabas

Naalala ko pala na elevator lang ang gamit namin sa pagbaba pero nakita kona may hagdan din naman padaan pero wala akong choice kundi mag elevator nalang muna dahil nag mamadali akong bumaba sa sala

Taray talaga ni tita may elevator pa sa bahay niya este mansyon sobrang laki kasi talaga mukha ka nang maliligaw dahil sa pagkalaki

Agad kong ipinindot ang elevator para sumirado na iyon nakita ko ang pagbaba neto dahil naaninag kona ang hagdan at sala nang huminto na ito ay agad na itong bumukas tumakbo naman ako papuntang kusina nang makita ako ang mga katulong ni tita sa bahay na nakatingin ang mga ito sa'kin kaya agad ko silang nilapitan para tanungin

"hello po... goodmor-este good afternoon"
bati ko muna sa kanila na naiilang

Ngumiti naman sila sa akin at nag bow

"good afternoon din po madam..."
bati rin nila sakin ng nakaramdam ako nang pagkailang dahil sa tawag nila saking "madam"

"hmm... nakita niyo poba si tita?"
tanong ko sa kanila

Ngumiti naman ulit sila sa akin at tumango

"opo nag mamadali nga pong umalis dahil may aasikasuhin po raw eh mukhang mahalaga"
paliwanag niya na ikinatango ko nalang

"madam kumain nalang po muna kayo tanghali narin po kasi hindi naman din po kayo nakakain ng pang almusal dahil hindi pa kayo nagising kanina na pasarap ata tulog niyo madam"
sabi niya pa naikinahiya ko

"sabi rin po kasi nang tita niyo na wag nalang po muna namin kayong gisingin dahil napagod po talaga kayo sa byahe kaya ayon po hinayaan nalang po namin kayong matulog ng matulog"
dagdag pa nang naka headband na babae

Napakamot nalang ako sa aking batok dahil sa sobrang kahihiyan na ginawa ko rito sa mansyon ni tita

Hayts napagod naman talaga ako pero 1:45 na akong nagising eh!

Napasapo nalang ako nang aking sarili bago pumuntang kusina para maghanap ng makakain o nang aking matatanghalian

Pinigilan naman ako nang matanda na mukhang katulong din ni tita rito sa mansyon niya

"ija...umupo kana lang muna diyan at ako na ang maghahanda nang makakain mo tsaka hindi ka pa naka almusal dahil kakagising molang din"
ani niya sakin at tumango tango naman ako

"ahmm nay...ano po pala yung pangalan niyo?"
nahihiya kong tanong dito

Nginitian niya naman ako bago siya makapag salita

"ako nga pala si Floresa Lanon tawagin mo nalang akong manang floresa"
ani niya sakin habang busy sa pag sasandok ng ulam sa platito

"sige po manang floresa nalang po ang itatawag ko sa inyo"
sabi ko kay manang at ngumiti sa kaniya

Inihanda na ni manang ang kanin at kutsara may kasama pang mga diniro at kasabay nun ay inilipag ni manang ang ibat ibang ulam kaya sobra akong nalaway minsan minsan lang naman kasi ako nakakatikim ng masasarap na ulam kaya lubos-lubusin kona

Kumuha na ako nang kutsara at plato at dali daling sumandok ng kanin isinunod ko naman ang mga ulam na nasa harapan ko ngayon nag niningning talaga ang mga mata ko sa masasarap na ulam thank you talaga sa blessing lord

THE FAMOUS SECTION AND ME Where stories live. Discover now