THE NIGHT DAY! masyado ata ako ngayong kinakabahan kahit hindi pa naman nag sisimula ang event, kasama ko rin si Tita Diana rito sa classroom at nagdala pa talaga ng make up artist niya
Natutuwa rin talaga ako kay tita kasi alam mo yung kahit wala si mama siya pa rin talaga ang tumatayo bilang pangalawa kong mama, at tingnan mo nga naman proud na proud daw siyang makita raw ako mamaya sa stage
“cheska wag ka nang kabahan, mawawala rin yan mamaya promise pag tumuntong ka na sa stage bigla na lang mawala iyang kaba mo” sabi sakin ni tita at nakangiti, mukha namang pinapagaan niya ang loob ko
“try ko po tita… alam niyo namang mahina ang loob ko sa ganitong event eh” pakamot ko namang ani
“basta sundin mo lang ang sinabi ko wag ka masyadong kabahan”
Tumango ako at ngumiti
“hali ka na, at nandito na ang make up artist mo si Ninang Versa nga pala and Versa she's Cheska my lovely pamangkin”
Ka agad kong binati ang ipinatawag niyang make up artist na si Ninang Versa, binati rin niya ako at mangha na nginitian
“naku Diana ito na ba ang maganda mong pamangkin?” rinig ko namang tanong niya kay tita na ikinapula ng pisngi ko
“siya nga Versa” proud namang banggit ni tita
“ay bongga maganda talaga itong pamangkin mo ha? wala talagang patapon sa mga Ageina”
Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang dalawa kahit nahihiya na ako sa kinatatayuan ko
Pagkatapos nilang makipag kwentuhan ay ka agad na akong inayusan ni Ninang Versa, na sa gilid pa rin namin si Tita habang namamanghang nakatingin lang samin
“naku indatz wala ka pa ngang make up maganda ka na! paano pa kaya kung lagyan na natin ng kolurete ang beautiful face mo,siguradong nganga ang mga estudyante rito sa G.U!”
“at oo nga pala yung mga fafa rito sa G.U ang tawag ata sa kanila ay binansagang Gavilleon Boys… baka magulat na lang kami ng tita Diana mo may nanliligaw na sayo isa sa kanila naku, ang swerte mo talaga indatz” dagdag ni Ninang Versa
wala akong naisagot sa mga sinabi niya pero ramdam ko talagang mapula na ang pisngi ko, buti nalang hindi halata dahil may blush on ako… hindi naman masyadong makapal sakto lang at nababagay lang din sakin
isa pa nga sa inaalala ko na nandito rin ang buong grade 12 at alam kong nandito rin ang buong GBOYS mas kinakabahan ako dahil mapapanood nila akong kumanta, aytz sana talaga makayanan ko to!
“oh pak! natapos na rin ang pag aayos ko sa maganda mong mukha”
Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin at talaga naman nag level up ang mukha ko nagmukha na akong tao ngayon hindi na taong grasa
Ngiting-ngiti si tita at ka agad kinuha ang selpon
“tara mag picture tayo”excited na tili ni tita
“hoy isali niyo ako mga gandaraz ano? ginawa niyo lang akong make up artist dito” maktol naman ni Ninang Versa
"“oh sige pumwesto ka na sa gilid ng pamangkin ko at ako naman ay tatabi rin sakanya”
Pumwesto na kaming tatlo at sabay sabay nag pose
“1…2…3…cheese!”
Marami pa kaming shot na paiba-ibang pose, may naka dila, nakangiti, naka cute face at naka wacky
YOU ARE READING
THE FAMOUS SECTION AND ME
Teen Fiction[UNEDITED] isang babaeng pina aral ng kanyang tiyahin sa isang sikat na pribadong paaralan na kung saan puro mayayaman lang ang nakakapasok doon Wala siyang ka alam alam sa skwelahang iyon dahil ang alam niya lang ay mag sipag sa pag aaral para sa...