CHAPTER 29

476 54 2
                                    

AGHH ano ba to! kailangan pala namin ng cheer up dance at singer sa gaganaping party akala ko naman partner by partner lang hmp! ang pinaka kinakainisan ko pa ay ako ang tinuro ni Kristal

nanahimik lang kasi yung tao ako pa laging tinuturo

— FLASH BACK —

"class i need a group for singers and dancers kailangan din pala sabi ni mr. Principal so kukuha ako nang limang estudyante para mag po-proform sa Aquaintance Party"

Marami ang nag taas ng kamay para lang sumali sa group² na yan

Nagulat naman ako nang biglang tumaas ng kamay si Kristal ewan koba sa babaitang to may balak na naman atang sumali tsk

"sasali kaba miss Divar?" tanong ni Maam Violet

"hmmm no po pero itong kaibigan ko sasali magaling po siyang kumanta at sumayaw nakita ko po siyang nag tiktok sa bahay niya ang galing niya po talaga"

POTANGINA?!

Agad ko siyang hinila para mapaupo

"hoy manahimik ka...anong sinasabi mong babae ka"
gigil kong sabi rito

Naka ngiti lang naman ito ng matamis na talagang hindi makabasag pinggan

lintek naman oh! sabi na nga eh talaga may binabalak gawin si bruha!

"Miss Ageina sasali kaba? magaling ka palang sumayaw at kumanta bagay na bagay kang sumali"

Akmang sasagot ako nang bigla sumingit pa si gaga

"sure na sure na yan maam wag kanang mag tanong sa kanya kasi sure na talagang sasali ang bestfriend ko"

Kinurot ko naman ito sa inis

Kailan pa ako nakakasali rito? kahit isa hindi talaga ako sumasali sa mga ganitong pa contest basta hindi ko alam kong anong ibig sabihin sa mga ganito basta hindi ako sumasali sa mga kung anong anong pakana nang skwelahan

"hmmm ililista kona ang pangalan mo rito miss Ageina sure kana talaga kaya ikaw ang Ilalagay ko rito" sabi sakin ni maam Violet na may hawak ng listahan at saka sinulat na ang aking pangalan

"maam ano po kasi—"

"aasahan kita miss Ageina may points din yun sa subject ko kaya sumali ka"
yun nalang ang sinabi niya at saka kami iniwan

ako naman naka tunganga habang pinoproseso parin sa utak ang gagawin ko kay Kristal kainis talaga siya!

"Inamo talagang babae ka alam mo namang wala akong alam sa pag sayaw at kanta gagawa gawa kapa nang kwento kay maam eh wala namang katutuhanan" inis kong sabat sa kaibigan ko at inirapan ko pa

"ouch naman....alam kong may tinatago kang talent jan bff kaya support kita goodluck bff ko!"

"litse ka f.o na tayo"

Rinig ko ang halakhak neto kaya padabog nalang akong napa cross arm

wala na akong magagawa naka lista narin ang pangalan ko sa listahan ng mga sasali kahit ayaw ko namang sumali, dapat nga si Kristal yung nilista eh siya naman yung panay trip sakin ang hilig niya talagang pag tripan ako napaka sama niyang bff!

— END OF FLASHBACK —

Sabi ko sainyo eh ako laging pinag titripan ni budahilda

Pakamot nalang akong naka upo habang may hawak hawak na pagkain kasi busy ang katabi ko kaka scroll na naman sa social media

"so anong plano mo bff? naka lista kana sa mga sasali"

THE FAMOUS SECTION AND ME Where stories live. Discover now