CHAPTER 19

555 59 5
                                    


nakatingin lang naman ako sa lalakeng na sa harapan namin ngayon medyo hindi ko mamukhaan ang lalake dahil madilim din dito sa kinaroroonan namin

"uy sino naman tong isang to at parang gusto pang mag pa bugbog" sabi ng isang manyak na naka ngisi pa

"hoy lalake gusto mo bang makatikim ng bugbog sa amin isa kalang dalawa kami ano ha!"

Tumingin ulit ako sa lalakeng na sa harapan namin ngayon na bigla nalang ngumisi kahit hindi ko kasi mamukhaan ang lalake ay alam kong naka ngisi na ito habang naka pamulsa

"then try me" sabi nung lalake na hindi mawala ang ngisi sa kanyang labi

Agad namang sumugod ang dalawang manyak sa lalake pero hindi nila ito natamaan dahil ang bilis neto makailag ng bigla niyang sinuntok ang isang manyak sa mukha na itinumba nung lalakeng manyak at yung isa naman ay sinipa rin sa mukha

Hindi pa nakuntento yung lalake at ipinag sasapak nya pa ang dalawa ng agad nalang kumaripas ng takbo ang dalawa at kaming dalawa nalang ang naiwan dito

Bigla nalang akong kinabahan dahil nasa akin na pala ang atensyon neto lumapit naman ito sa akin na ikinakaba ko pa umatras ako habang sya naman ay lumalapit sakin

"s-sino ka" sabi ko at kinakabahan

Hindi naman ito sumagot at bigla nalang din nawala sa harapan ko ang lalake na sanhi pa nang ikinaba ko tumingin ako sa aking gilid baka kasi na sa gilid kolang yung lalake pero wala talaga pero nakaramdam naman ako ng presensya nang tao sa aking likuran

Huminga muna ako ng malalim at saka ako humarap sa aking likuran pero mali ata ang humarap ako dahil ang lalakeng na sa harapan ko kanina ay nandito na ngayon sa aking likuran at sobrang lapit pa namin sa isat isa

Sisigaw na sana ako nang hinawakan nya agad ang bibig ko

"mmmmm.....!"
sigaw ko pa rito pero hindi naman naririnig ang sigaw ko at sya lang ang nakakarinig nun

Ibinuhat nya ako nang pang cinderella at saka ito nag lakad medyo madilim ang paligid at hindi ko parin nakikita ang mukha neto

Narinig ko narin ang ingay ng mga estudyante kaya naman na wala na rin ang pagka kaba ko nang na sa harapan na ulit kami nang nasasayawan ay ibinaba nya na ako at saka ito umalis lumingon naman ako sa lalakeng nag ligtas sa akin kanina pero wala na ito at naka alis na rin

Napa isip ako kung sino ba talaga yun?

"hoy nandito kalang pala babae ka!"

"ay nanay mo!"

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat

Lintek talaga tong si Kristal

Sinamaan ko muna ito ng tingin

"nang gugulat ka naman!"

"kanina pa kasi kita hinahanap akala ko nga umuuwi kana ih"

"n-nag cr lang ako" tipid kong sabi rito

Tumango nalang ito at sininyasan akong sumunod na sakanya

Nandito na ulit kami sa inuupuan namin at nakatingin parin sa sumasayaw

Naisip ko na naman ang lalakeng nag ligtas sa akin kanina

Sino ba talaga sya? bat hindi ko naman agad nakita ang mukha nun kung sino man sya ay nag papasalamat ako dahil tinulunga nya ako sa mga lintek na manyak na yun

----------

Nandito na ako sa mansyon at nakahiga sa kama

Ilang oras na kami na kauwi napainom pa itong si Kristal sobrang nakakahiya talaga nang babaeng yun sumayaw ba naman sa harapan habang may dalang alak

THE FAMOUS SECTION AND ME Where stories live. Discover now