Narrator's POV
"Everyone, I would like you all to meet, the new member of Red Octagon. I present to you, Valencia Enriquez!" sambit ni Miranda.
"Congratulations, Valencia!" sambit ni Michael na siyang tauhan ni Miranda.
"Oh ayan, meron na tayong bagong member. Congrats, Valencia!" pagbati naman ni Lucas na isa rin sa mga tauhan niya.
"Thank you everyone for your warm welcome. I promise na gagalingan ko rito sa Red Octagon." nakangiting sambit ni Valencia.
—————
"Oh, nandito na tayo sa mansyon. Ready ka na ba?" tanong ni Hannah kay Sofia nang huminto ang sasakyan na sinasakyan nila sa harap ng mansyon.
"Ready na 'ko, frenny." tugon ni Sofia.
"Alam mo frenny, ang balita ko sa may-ari ng bahay na 'yan, nanalo sila sa lotto noon. Tapos, 'yang bahay na 'yan, kabibili lang nila kaya naghahanap sila ng mga kasambahay na magtatrabaho sa kanila. Tapos 'yung perang napanalunan nila sa lotto, ginamit nila para magtayo ng insurance and real estate na business. Ang galing, 'di ba?" kuwento ni Hannah.
"Grabe 'no? Ang yaman pala talaga nila. Ang laki-laki ng mansyon nila. Siguro, kapag may mga napapadaan dito, laging nakikita 'yung mansyon. Grabe kung mag-stand out eh. Pero sana 'no, balang araw, makapagpatayo rin ako ng sarili kong business. Gusto ko kasi talagang matulungan si mama sa pagpapagamot niya." sambit ni Sofia.
"Frenny, 'wag kang mag-alala, wala namang imposible eh. Kung may pangarap ka, at kung ang pangarap na hinahangad mo ay para talaga sa'yo, mapupunta 'yun sayo. Basta frenny, the goal right now ay magtrabaho para sa mama mo. Para sa pagpapagamot niya. At kapag gumaling na si tita, pwede mo nang simulan ang pagwoworkout d'yan sa pangarap mo." tugon ni Hannah.
"Salamat, frenny. Alam mo, tama ka. Gagawin ko 'to hindi lang para sa'kin, kundi para na rin kay mama. Nawala na 'ko ng papa, at hindi ko hahayaang mawalan pa 'ko ng mama." sambit ni Sofia.
"O siya sige na nga, bumaba ka na. Ang dami nating drama! 'Di 'to bagay sa 'tin. Hahaha!" tugon ni Hannah.
—————
Ding! Dong!
"Oh, hija, pasok ka. Anong kailangan mo?" tanong ni Diane nang pagbuksan niya ng pinto si Sofia.
"Ma'am, ako po 'yung kasambahay na pinadala ng agency. Dito raw po ako magtatrabaho." tugon ni Sofia.
"Halika, pasok ka. Welcome rito sa bahay namin!" sambit ni Diane.
"Wow! Ang laki po pala ng bahay n'yo, ma'am! Ngayon lang po ako nakakita ng ganito." tugon ni Sofia habang lumilinga ang kaniyang mga mata sa loob ng mansyon.
"Hahaha. Naku, lahat ng taong pumapasok dito sa bahay namin, ganyan ang reaksyon. Maupo ka muna. Do you want juice, soda, coffee, or anything?" sambit ni Diane.
"Tubig na lang po, ma'am." nakangiting tugon ni Sofia.
"Sige. I'll be right back."
Pumunta si Diane sa kusina upang kumuha ng malamig na tubig. Habang si Sofia naman ay naiwan sa sala, panay-tingin sa kaniyang kapaligiran.
"Grabe, ang yaman-yaman nila. How I wish ganito rin kami ni mama. Kung ganito lang akong kayaman, ipapagamot ko kaagad si mama para gumaling na siya sa sakit n'ya." sambit niya sa isip niya.
Maya-maya ay muling bumalik si Diane upang ibigay ang tubig kay Sofia. Pagkatapos naman ay pumunta ang lahat sa sala para magpakilala kay Sofia.
"Hi! Ako si Arthur, ang asawa ni Diane. And this is Jeffrey, ang anak namin." pagpapakilala ni Arthur.
BINABASA MO ANG
Undercover
Mystery / ThrillerAbby's life changes after her husband and son got killed in an incident. With the help of a police officer, she gets a job as a house helper in the Villafuerte family's mansion to look for clues and investigate about what happened. There, she meets...