Chapter 36: Diane at 50

1 0 0
                                    

"Hello, mommy, tinawagan ako ni daddy kanina. Gusto niya raw akong makasama. Sinabi niya sa akin na tumuloy daw ako sa bahay nila." sambit ni Charie habang kausap si Bettina sa telepono.

"Talaga? Well, actually, sinabi sa akin ng tita Miranda mo na mag-day off ka dahil meron daw siyang pasabog na gaganapin sa birthday ng amo mo." tugon ni Bettina.

"Mommy, huli ka na. Nakapag-day off na ko. Daddy wants me to go to his house para raw maka-bonding siya. Ayaw magpaawat." sambit ni Charie.

"Anak, pagbigyan mo na ang daddy mo. Remember our plans. Plano nating gumanti sa kanila, 'di ba? Kapag nandoon ka sa bahay nila, mas madali nating magagawa ang mga plano against sa kanila." tugon ni Bettina.

"Oh, you're right. Pwede kong sirain ang pamilya nila katulad ng ginawa nila sa atin. Lalong-lalo na 'yung Vanessa na 'yon, she's getting into my nerves." sambit ni Charie.

"Basta siguraduhin mo lang na hindi ka nila mapapalayas sa bahay na 'yon. At 'yung Vanessa na 'yon, ipis lang 'yon sayo. Kayang-kaya mo 'yun patalsikin." tugon ni Bettina.

"I know right. Huwag kang mag-alala, mommy. Gaganti tayo." nakangiting sambit ni Charie at ibinaba ang tawag.

—————

Few days later...

Diane is in her luxurious hotel room, putting the finishing touches on her makeup as she prepares for her 50th birthday party. The room is filled with an air of excitement and anticipation.

"Fifty. Who would have thought? Tonight has to be perfect." sambit ni Diane habang nakatingin sa salamin sa harap niya.

Maya-maya ay biglang pumasok si Arthur sa loob ng kwarto ni Diane.

"Ang ganda mo ngayon, mahal. Ready ka na ba for the big night?" tanong ni Arthur.

"Oo naman. Ready na ako. Teka, nasaan pala 'yung mga bata?" tanong ni Diane.

"Marga is helping the coordinator with the final touches in the ballroom, and Jeffrey is on his way up to see you. Magkasama sila ni Abby. They want to see you before the party starts." tugon ni Arthur.

"That boy always knows how to melt my heart. Everything's going smoothly, right?" tanong ni Diane.

"Yes, of course. Everything is under control. Wala kang dapat alalahanin, okay? Tonight is about celebrating you." tugon ni Arthur.

Maya-maya ay pumasok sina Jeffrey at Abby sa loob ng kwarto. May dalang bouquet of flowers si Jeffrey.

"Mom, these are for you. Happy birthday! I love you!" nakangiting sambit ni Jeffrey at iniabot ang mga bulaklak kay Diane.

"Salamat, anak. These flowers are so beautiful." tugon ni Diane.

"Mom, I'm so excited already. It's going to be an amazing night." sambit ni Jeffrey.

Maya-maya ay biglang nag-ring ang telepono ni Diane.

Miranda
Calling...

"Hello, Miranda!" nakangiting sambit ni Diane nang sagutin niya ang telepono.

"Hi Diane! I just wanted to check in and see how you're doing. Are you all set for tonight?" tanong ni Miranda.

"Maayos naman ang lahat so far. Nagreready na kami ngayon. Maraming salamat sa pagpapagamit mo sa amin ng ballroom pati 'tong kwarto, Miranda." tugon ni Diane.

"Of course, anything for a dear friend like you. Hindi na iba ang pamilya mo sa akin. I'm so glad that everything's going smoothly. Just wanted to make sure that you're not stressing too much." sambit ni Miranda.

UndercoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon