Chapter 23: Bagong Pag-asa

3 0 0
                                    

"Naku, ma'am, sir, maraming salamat po! Hulog po kayo ng langit!" nakangiting sambit ni Ellen.

"Wala 'yun, Ellen. Basta ang mahalaga, magpagaling ka. Ayaw namin na mawalan ng mama 'tong si Sofia." nakangiting tugon ni Diane.

Lumingon si Sofia kay Ellen. Niyakap niya ito.

"Ma, gagaling ka na po. Ito na 'yun! Basta ma, 'wag na 'wag ka pong bibitiw, ha?" sambit ni Sofia.

"Oo, anak. Pangako, magpapagaling ako para sayo. Para sa inyong lahat." tugon ni Ellen.

"O siya sige, maiwan muna namin kayong mag-ina. Ellen, get well soon. Huwag ka nang mag-alala, kami na ang bahala sa lahat. Wala na kayong iintindihin, walang kahit na anong kapalit." nakangiting sambit ni Arthur.

"Salamat po nang marami, sir. Tatanawin ko po 'tong malaking utang na loob." tugon ni Sofia.

"Sige, papano, lalabas na muna kami." sambit ni Diane.

"Sige po, ma'am, sir." nakangiting sambit ni Sofia.

"Thank you po!" sambit naman ni Hannah.

Pagkatapos ay lumabas sina Diane at Arthur sa kwarto ni Ellen. Naiwan sina Sofia at Hannah.

"Frenny, grabe 'yung mga amo mo, 'no? Ang galante! Biruin mo, gagawin nila 'yon? Ipapagamot nila si tita?" sambit ni Hannah.

"Bihira na lang ang mga ganung tao, Hannah. Hindi lahat ng amo, katulad nila. 'Yung iba nga, minamaltrato pa 'yung mga empleyado nila. Pero sila, I don't know kung anong meron sa kanila, pero ang gaan gaan ng loob ko sa kanilang mag-asawa." tugon ni Sofia.

"Alam mo kung anong tawag d'yan? "Too good to be true." Kasi nga 'di ba, rare lang 'yung mga ganyan. At tsaka, sila pa ang sasagot ng lahat ng gastos para sa pagpapagamot ni tita?" sambit ni Hannah.

"Kaya nga eh. Aaminin ko, nakakahiya na sila pa ang gagastos. Pero kasi Hannah, wala na 'kong choice. Kung tatanggihan ko pa 'yung alok nila, baka hindi ko maipagamot si mama. Ayokong mawala siya." tugon ni Sofia.

"Alam mo, frenny, tama lang 'yung naging desisyon mo. Talagang ulirang anak ka, kasi, gagawin mo talaga ang lahat para lang sa mama mo." sambit ni Hannah.

"Ganun talaga, Hannah. Siya na lang ang magulang na meron ako." tugon ni Sofia.

Maya-maya ay bigla namang dumating sina Cheska at Lolita.

"Sofia? Nandito ka na pala!" sambit ni Cheska nang dumating sila sa ospital.

"Ninang! Lola! Magkasama po pala kayo. Saan po kayo pumunta?" tanong ni Sofia.

"Umuwi muna kami saglit para magpahinga 'tong lola mo. Anong sabi ng doktor?" sambit ni Cheska.

"Ninang, hindi ko pa po nakakausap 'yung doktor. Pero ang sabi po nila, advanced stage na raw po 'yung cancer ni mama. Hindi ko po alam na lumala na pala. Sorry po." tugon ni Sofia.

"Pero 'wag na po kayong mag-alala, nandito po kanina 'yung mga amo ni Sofia. Sila na raw po 'yung gagastos sa pagpapagamot ni tita." dagdag pa ni Hannah.

"T-talaga ba?" tanong ni Lolita.

"Opo, lola. Sina ma'am Diane at sir Arthur po ang tutulong sa atin para ipagamot si mama. Nandito po sila kanina, lumabas lang po sila saglit." kuwento ni Sofia.

"Jusko, mabuti naman kung ganun! Alam mo kasi inaanak, sobrang stressed na kami ng lola mo. Natatakot kami na baka anytime, may mangyari sa mama mo." sambit ni Cheska.

"Ninang, 'wag na po kayong mag-panic. May solusyon na po. Tutulungan po tayo ng mga amo ko." tugon ni Sofia.

Maya-maya ay biglang dumating ang doktor ni Ellen.

UndercoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon