Chapter 39: Planted

0 0 0
                                    

"Remember, this is just the beginning. Once na ma-execute na natin 'tong plan na 'to, I'm pretty sure na mapapahiya ang mga Villafuerte. Sigurado akong everyone will hate them after this. After this, everything will fall into place. I want no loose ends." sambit ni Miranda.

Abby continues to panic. Hawak pa rin ng kaniyang mga kamay ang kaniyang bibig, pinipigilan niya na marinig ni Miranda ang kaniyang paghinga.

"Okay. Sounds good. Ako na ang bahala rito. I'll make sure na ma-eexecute nang maayos ang plano. Basta kayo, d'yan lang kayo sa hideout ninyo. 'Wag na 'wag kayong magpapakita sa kahit na kanino. Siguraduhin niyo rin na walang mga cameras na makakakita sa inyo. Ayokong may makaalam na ako ang nagplano nito." sambit ni Miranda at ibinaba ang tawag.

With that, Miranda ends the call and looks at herself in the mirror without knowing that Abby overheard everything. After that, Miranda leaves the bathroom and continued to join the party. Abby waits for a few moments to make sure that Miranda already left. She slowly released the breath that she was holding. After that, she goes out of the cubicle.

"Anong gagawin ko? Kailangan ko silang warningan. Kailangang malaman 'to ni sir Arthur!" mahinang bulong ni Abby.

Abby quickly washes her hands to steady herself, determined to find a way to tell Arthur about Miranda's plan. As she steps out of the bathroom, she looks around nervously, making sure that Miranda is nowhere in sight before hurrying back to the party. She can hear her heart pounding in her chest.

Nakita ni Abby si Arthur malapit sa bar, kausap ang mga guests.

"Kailangan ko silang ma-warningan about sa plano nila, kahit pa nasa gitna ng party ang lahat." sambit ni Abby sa isip niya.

Papalapit na sana si Abby kay Arthur ngunit nagulat siya nang biglang may mga pulis at mga security guards na pumasok sa pinto ng ballroom! Nagkagulo ang lahat!

"Mr. Arthur Villafuerte, kailangang sumama ka sa amin! Mayroon tayong kailangang klaruhin." sambit ng isa sa mga pulis.

"Excuse me po, sir. Ano pong ibig ninyong sabihin?" tanong ni Arthur.

Bago pa man makakilos si Arthur ay may dumating na mga security personnel, hawak nila ang isang ziplock na naglalaman ng droga.

"Nakita ko 'to sa loob ng kotse mo. Kailangan mong sumama sa amin ngayon."  tugon ng pulis.

"Teka! Ano 'yan? Anong nangyayari?" kaagad na tanong ni Diane nang lumapit siya kay Arthur at sa mga pulis.

"Ma'am, nakakita po kami ng talamak na droga sa loob ng kotse ni Mr. Villafuerte. Nakakita kami ng isang malaking bag ng marijuana. Kailangan lang po namin siyang imbitahin sa presinto for questioning." tugon ng pulis.

Nakita ni Abby ang mga pangyayari.

"No way. I'm too late. Jusko. Na-execute na nila ang plano!"

"Arthur, mahal, ano 'to? Totoo ba 'to? May drugs sa loob ng kotse mo?" tanong ni Diane.

"Diane, I swear, wala akong alam dito. Wala akong alam sa mga 'to. Someone could have planted these!" tugon ni Arthur.

Maya-maya ay biglang nagpakita sa crowd si Miranda. Kaagad siyang lumapit kina Diane at Arthur.

"Arthur, Diane, what's happening? Bakit may mga pulis dito? Is everything alright?" tanong ni Miranda.

"Arthur, paano nangyari 'to? Hindi ko maintindihan!" sambit ni Diane.

"Daddy, ano 'to, drug lord ka ba?" tanong naman ni Marga.

"Maniwala kayo sa akin. Those are not mine! This is a setup, maniwala kayo sa akin!" sigaw ni Arthur.

"Sir, sumama na lang po kayo sa amin sa presinto." sambit ng pulis at kaagad na inilabas si Arthur.

UndercoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon