Chapter 24: Pagtulong

3 0 0
                                    

"Hala si friend, G na G talaga gumanti? Revenge plot yarn?!" tanong ni Gretchen.

"Oo, gagantihan ko talaga ang pamilya nila. My first mission ay ang maging anay sa pamilya nila. Kailangan kong sirain ang relasyon nina Anton at Lalaine. Hindi ako papayag na masaya sila, tapos kami ng anak ko, ano? Iiwan lang ni Anton?" tugon ni Bettina.

"Eh friend, bakit ba gusto mo pang sirain 'yung relationship nila, eh 'di ba nga, mayaman na kayo? Tignan mo nga 'tong bahay niyo oh, ang laki-laki. Kulang na nga lang hindi na tayo magkita sa sobrang laki nitong house mo. Mala-hotel na nga eh." sambit ni Gretchen.

"I don't care kung mayaman na kami. It doesn't mean na hindi ko na itutuloy ang paghihiganti ko. Noong panahong naghihirap kami ni Charie, hindi nila kami tinulungan. Nung time na nanghiram si Charie ng pera sa daddy niya, pinalayas siya, 'di ba? Kaya now, sisiguraduhin ko na makakaganti na ako sa kanila ngayong marami na 'kong pera." tugon ni Bettina.

"Taray friend, sige, don't worry, support kita d'yan sa revenge mission mo. Basta ha, pauutangin mo 'ko." sambit ni Gretchen.

"Sige, friend. Hahaha!"

—————

"Sofia, paano, mauuna na kaming umuwi ha? Basta, samahan mo muna ang mama mo hanggang sa gumaling siya. Huwag mo na muna kaming intindihin. Don't worry, hahanap kami kaagad ng pwede mong maging kapalit habang nagpapagaling ang mama mo." sambit ni Arthur.

"Maraming salamat po, sir Arthur at ma'am Diane. Hindi ko na po talaga tatanggihan 'tong tulong niyo. Malaking bagay po talaga 'to para sa mama ko." tugon ni Sofia.

"Wala 'yun, Sofia. Basta ha, alagaan mo ang mama mo." sambit ni Diane.

"Opo, ma'am Diane. Salamat po." tugon ni Sofia.

"We'll go ahead. Mauuna na kami." sambit ni Arthur.

"Sige po."

—————

2 days later...

Jake
Calling...

Kaagad na sinagot ni Abby ang tawag ni Jake.

"Hello, Jake? Napatawag ka? Anong meron?" tanong ni Abby.

"Abby, may maganda akong balita sayo. Magkita tayo sa coffee shop ngayon. Or kung gusto mo, susunduin kita." tugon ni Jake.

"Hindi na, ako na lang ang pupunta sa coffee shop. 'Yun ba 'yung malapit dito?" tanong ni Abby.

"Oo. Doon nga. Sige, magkita tayo. May importante akong sasabihin sayo." tugon ni Jake.

"Sige."

—————

"Anak, saan ka pupunta? Bakit parang nagmamadali ka?" tanong ni Rowena nang makita niya si Jake.

"Baka makikipagkita na naman kay ate Abby." sabat naman ni Hershey.

"Hershey pwede ba, 'wag ka ngang makialam. Hayaan mo ako. May kailangan lang akong sabihin sa kaniya." tugon ni Jake.

"Ano? So makikipagkita ka nga sa Abby na 'yon? Bakit pa?" tanong ni Rowena.

"Oo nga, at tsaka, patay na naman si kuya at si Jared. Wala na kayong koneksiyon dalawa kaya wala nang rason para makipagkita ka pa sa kaniya." dagdag pa ni Hershey.

"Alam mo Hershey, tigilan mo na ang pakikialam mo. Manahimik ka muna." sambit ni Jake.

"Tama ang kapatid mo. You have no more reason para makipagkita kay Abby. And can you please stop talking to her?" tugon ni Rowena.

UndercoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon