Chapter 43: Face Off

0 0 0
                                    

Magkasalubong ang mga kilay ni Marga habang pinapanood niya sina Diane at Sofia na magkayakap. Hindi na niya napigilan ang kaniyang pagkainis kaya naman ay bumaba siya ng hagdan at pinuntahan sina Sofia at Diane.

"Sofia, why did you even bother to come back? I thought umalis ka na sa bahay na 'to, and now you're here again? Ano, pinaglihi ka ba talaga sa linta? Talaga bang sipsip ka?" galit na sambit ni Marga.

Napabitaw sa pagkakayakap sina Diane at Sofia.

"Marga, hindi. Pinapagaan ko lang ang pakiramdam ng mommy mo. Marami na siyang problema." tugon ni Sofia.

"I don't believe you! I know you're just here para makuha mo ang loob nina mommy at daddy. Ano ba talagang pakay mo? Napakasipsip mo eh!" sambit ni Marga.

"Marga, stop! Walang ginagawang masama si Sofia! Bakit ba ganyan ang ugali mo?" tanong ni Diane.

"Mommy, can't you see? She's being sipsip na naman. She's just using her charm para mapalapit sa family natin. And then, what? What's next? Feeling niya kasi, part siya ng family." tugon ni Marga.

"Marga, yes. She is part of the family. Lahat ng mga tao dito sa bahay na 'to, part ng family. Hindi na sila iba sa atin. So please lang, Marga, stop being immature and insecure. Pinagagaan niya ang loob ko, so let her be." sambit ni Diane.

"Why do you always defend her ba? It feels like mas kinakampihan mo pa ang babaeng 'yan kesa sa sarili mong anak! Tell me nga mommy, anong meron sa babaeng 'to and why does she always get special treatment? Tell me!" tugon ni Marga.

"Marga, please, 'wag mong sagutin nang ganyan ang mommy mo. Marami na siyang problema. Kailangan nating tulungan ang daddy mo para makalabas ng kulungan." sambit ni Sofia.

"Ikaw ang problema dito, Sofia. The thing is, masyado kang sipsip. Can you please let go of my mom? Feeling mo kasi parte ka ng pamilya, eh sampid ka lang naman dito." tugon ni Marga.

"Marga, stop! Hindi ko nagugustuhan 'yang mga lumalabas sa bibig mo ha! Mag-uusap tayo! Go to your room!" sigaw ni Diane.

Hindi nagsalita si Marga at muling umakyat upang bumalik sa kaniyang kwarto.

—————

"Si Trixie? Naku, ayoko siyang madamay dito sa mga plano natin. Hindi natin alam kung anong kayang gawin ni Miranda. Ayokong pati siya madamay dito sa gulo." sambit ni Abby.

"Abby, hindi madadamay dito si Trixie. We need her help. Wala akong ibang maisip kung kanino tayo hihingi ng tulong, kundi sa kaniya. Hindi siya kilala ni Miranda. If she enters and checks-in sa hotel, hindi nila mahahalata na nag-iimbestiga tayo dahil hindi nila siya kilala." tugon ni Jake.

"Kung ganon, kailangan nating makausap si Trixie about dito, at kailangan natin siyang mapapayag. But the bigger problem is, kailangan nating ilabas si sir Arthur sa kulungan. Kailangan nating linisin ang pangalan niya. Narinig ko si Miranda, sinabi niya kay ma'am Diane na magpapadala siya ng lawyer para kay sir Arthur. Kailangan natin silang maunahan, dahil baka mas lalo lang niyang ipahamak si sir Arthur kapag siya ang nagpadala ng lawyer." sambit ni Abby.

"Pano mo nasabing ipapahamak ni Miranda si sir Arthur mo?" tanong ni Jake.

"Miranda is clearly an enemy. Siya ang nag-set up kay sir Arthur. Hindi ko alam kung bakit pero siya ang taong sisira sa pamilya nila. She wants to bring the Villafuerte family down. Kung nagawa niyang plantahan ng droga ang kotse ni sir Arthur, sigurado akong kaya niyang magbayad ng tao para lalong idiin si sir Arthur sa krimen na 'to." tugon ni Abby.

"If that's the case, then kailangan nating maunahan si Miranda na kumuha ng abogado. Kailangan tayo ang mauna. Huwag kang mag-alala, ako na ang bahalang humanap ng abogado para sa kaniya. Pero Abby please, don't tell anyone about the information you know. We don't know who to trust doon sa mansyon. Just keep it to yourself para hindi tayo magkaroon ng problema." sambit ni Jake.

UndercoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon