Chapter 10: Heartache

2 0 0
                                    

Narrator's POV

Kinagabihan, nagtungo sa burol sina Abby, Teresa, at Ramon. Marami-rami rin ang mga taong dumalaw doon.

Bumaba sa harap ng memorial chapel sina Abby, habang inaalalayan siya nina Teresa at Ramon.

"Anak, ready ka na ba?" tanong ni Ramon.

"Hindi ko po alam, tay. Hindi ko alam kung kaya ko ba silang makita." tugon ni Abby.

"Anak, 'wag kang mag-alala. Nandito lang kami." sambit ni Teresa.

"Halika na po." tugon ni Abby.

Dahan-dahan silang pumasok sa loob. Panay ang pagluha ni Abby habang papalapit siya sa kabaong nina Andrew at Jared.

Nang makalapit siya ay lalo siyang napaluha.

"Kung bangungot lang 'to, sana magising na 'ko sa napakasamang panaginip na 'to. Hon, if I we could only have one more day, if we could only turn back time, ipaparamdam ko sa inyo kung gaano ko kayong kamahal ni Jared. Hon, I'm sorry if nag-away tayo days before bago ka mawala. I'm sorry kung iniwan kita noong isang araw. Hon, tandaan mo, mahal na mahal na mahal na mahal kita. Ikaw ang mundo ko. I love you so much and it hurts so bad na mawala kayo ni Jared sa akin. How could I go on with life kung wala na kayo? Hon, I love you. I love you so much." lumuluhang sambit ni Abby habang nakatingin sa kabaong ni Andrew.

Pagkatapos ay naglakad naman siya papalapit sa kabaong ni Jared.

"Anak, Jared, hindi ko alam kung pano ko sisimulan 'to. I don't know how I'll go on without you, anak. Ang bata-bata mo pa. You're just 9 years old. Alam mo ba, anak, I was the happiest person when you came into this world. Nagkaroon ng kulay at saysay ang buhay ko nang dumating ka, kasi, ikaw 'yung anak ko eh. Ikaw 'yung nagpasaya sa bawat araw ko. Ikaw ang nagpasaya sa relasyon namin ng daddy mo. Without you, we wouldn't be as strong as what we are now. You were the light in my life. Pero anak, how could I be strong if you're already gone? I saw you come into this life, into this world. But I can't believe that I'll also see you leave. Anak, paano kakayanin ng mommy? Paano ko kakayanin ang bawat araw na lilipas na alam kong wala na kayo ni daddy? How can I be strong? How can I move on? How can I live normally? Anak, patawarin mo 'ko. Patawarin mo 'ko kung wala akong nagawa para iligtas kayo ng daddy mo. I'm so sorry. Now, I will miss you for the rest of my life. Araw-araw akong mangungulila sayo, anak. Pero 'wag kang mag-alala, dahil gagawin ko ang lahat para malaman kung sino ang bumaril sa inyo ng daddy mo. Gagawin ko ang lahat para pagbayarin kung sino man ang taong 'yon. Mahal na mahal ka ni mommy! I love you so much, anak!" umiiyak na sambit ni Abby.

Lumapit si Teresa kay Abby at muling tinapik nito ang kaniyang likod.

"Nay, sana po bangungot lang 'to. How I wish panaginip lang 'to lahat. Sana 'di 'to totoo. Sana lahat 'to, prank lang." umiiyak na sambit ni Abby.

"Anak, alam kong masakit para sayo. Alam kong mahirap. Pero anak, you have to accept kung anong nangyari sa kanila. Alam kong sila ang buhay mo, pero, sana kahit paunti-unti, subukan mong mag-move on. Tutulungan ka namin ng tatay mo. Tutulungan ka namin para makalimot ka." tugon ni Teresa.

—————

"So, here's the papers para sa plano niyong ipatayong negosyo. Ano bang pangalan ang gusto niyo?" tanong ni Adrian na siyang business consultant ng pamilya.

"You know what, Adrian, para kasi sa mga anak ko 'tong restaurant na 'to. Sila ang magmamanage, kaya mas maganda siguro kung sila na lang ang tatanungin ko. Ano ba sa tingin mo, Jeffrey?" sambit ni Diane.

"Naiisip ko po sana, Good Eats Restaurant. Bale, iba-iba pong klase ng mga putahe ang ibebenta natin. May Filipino, Japanese, Korean, at American sana. Napag-usapan na po namin ni Marga at nag-agree naman po siya sa pangalan." tugon ni Jeffrey.

UndercoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon