Prologue

24 3 0
                                    

Abala ang lahat sa paghahanda sa nalalapit na celebration ng founding anniversary ng aming school.

Everyone, especially me as I have to oversee and manage each and every events and activities at our department. Being the head of the student leader, I have to make sure that our department is well maintained and everyone is moving.

"Leanna, why don't you rest a bit? Kanina ka pa kumikilos." Nalingon ko si Axel nang magsalita. Siya ang secretary ng aming organization. Isa siya sa madalas kong kasama pagdating sa mga ganitong bagay.

Hapon na at nag aasikaso parin kami ng mga kailangan para sa mga booths ng aming organization.

"I'm fine," simpleng sagot at inalis sa kaniya ang tingin. "Besides, I have a meeting with sir Chris in 30 minutes, aalis na rin ako by then." Dugtong ko at pinagpatuloy ang pag aayos ng materials.

"Oh wait, what? All of a sudden? Ikaw lang?" Tanong niya. Tumango ako.

"Yes."

"What for?" Nagkibit balikat ako.

"I have no idea."

Lumapit siya sa akin at tinulungan ako sa pagdedecorate. Nilingon ko ang iba pang abala sa pag aayos.

"That's weird..." bulong niya. Natigilan ako. He's right. It sounds weird dahil bihira lang ako ipatawag sa office ni sir Chris, ang aming program head. Ngunit hindi ko na iyon pinansin.

"Maybe may nakalimutan lang siyang ibilin sa akin," sagot ko. Tumango tango siya.

"Anyways! This booth looks fun! Baka naman..." Pag iiba niya ng usapan. Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay.

Ngumiti siya ng nakakaloko habang nag tataas baba ang kilay. Nailing ako.

"Pwede naman, but you still have to work. Can you multitask?" Tanong ko. Ngumuso siya.

Sa lahat ng booths na ginawa namin, ito ang pinaka simple pero tingin ko ay pinaka papatok sa mga estudyante. Ngayon palang ay napatunayan ko na iyon sa sinabi ni Axel.

Because it's a party booth and almost every students I know loves to party. It was set up to look like a bar where they are allowed to dance and enjoy for as long as their bracelets allow. We will sell three types of bracelets. Bronze bracelets for 15 minutes stay. Silver bracelets will be for 30 minutes, and our gold bracelets is for a maximum of 1 hour stay. It's our euphoria corner.

But aside from this booth, we also have sensory exploration booth kung saan pwedeng ma enjoy ng dadalo ang iba't-ibang sensory experiences. From textured materials, to scented stations and soothing sounds. Our team also managed to build our own escape room. But unlike any other escape room na mayroong killers or ghosts, ang mayroon lang samin ay acting teachers na magfafacilitate ng mga riddles and puzzles para makalabas sila sa room.

And of course we also have the common ones, photo booths and a confession booths.

Our team have been planning these since the beginning of the semester, but of course we wouldn't be able to pull all of these without the help of our dean and program head.

Hindi nagtagal ay umalis na ako roon at binilinan ang mga naiwan. Lalo na si Axel dahil alam kong isa siya sa pinaka masipag na member.

Dumiretso ako sa office ni sir Chris.

"Come in." Rinig kong sagot niya nang kumatok ako.

Binuksan ko ang pinto at nang makatapak sa loob ay hindi ko maiwasang pansinin ang kakaibang lamig at katahimikan dito.

"Sir? Ipinatawag niyo po ako?" Tanong ko nang makalapit sa kaniyang table.

"Maupo ka." Utos niya nang hindi ako tinitingnan. Naupo ako at tahimik na naghintay sa kaniyang sasabihin.

When fate allowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon