Chapter 6: Heartbeat

7 0 0
                                    

"Hindi ka na dapat nag-abala. May ice cream naman kami..."

Nailing siya sa akin.

"Grabe talaga ang mayayaman ano?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi ako mayaman... and it's just ice cream. Kahit hindi mayaman makakapag stock nito." Naiiritang sabi ko.

He chuckled at my reaction.

Tumingin siya sa likuran ko at tila pinagmasdan ang bahay. Bumuntong hininga ako.

"We have our own definition of rich naman right? And in my own dictionary, I am not rich. Okay?"

Tumango siya, "Okay, miss President." Sabay ngiti.

Napairap ako at sumandal sa motor na dala niya.

"Is this yours?" Tanong ko nang tapikin ito.

"No. Sa pinsan ko. I just borrowed it." Tumaas ang kilay ko.

"Talagang nanghiram ka pa ng motor para makapunta rito?"

"Oo naman... why not? Gusto kitang puntahan. Naiwan ko naman si Kirvy sa school... so I can't use him."

"Kirvy?" Takang tanong ko at sumubo sa ice cream. It is strawberry flavored like the one he bought earlier.

"Iyong motor ko..." Natawa ako.

"May pangalan pala 'yon?" Sumimangot siya dahil sa mapang asar na tawa ko.

"Oo, at bakit ka tumatawa?" Tiningnan ko ang mukha niya at mas lalong natawa.

"That's really immature..." Biro ko.

"Just because you don't get why I give names to things, doesn't mean it's immature." He defended. "In fact, I think mas immature ka for laughing at me." He added.

Tumango tango ako at pabirong nag taas ng kamay. "Okay. Okay. I'm sorry. I'm kidding, alright?" Sinundot ko ang pisngi niya nang manatiling nakasimangot sa akin.

I didn't know he's this serious when it comes to that car.

Umiling siya at iniwas sakin ang tingin. Ngumiti nalang ako at tinuloy ang pagkain.

"But seriously... What brought you here? Gabing gabi na. Baka pa makita ka nila mama..." Basag ko sa katahimikan matapos ang ilang minuto.

"I just want to see you..." He answered. Nalingon ko siya at nakitang seryoso naman ang mukha niya.

Napanguso ako. "Magkasama na tayo halos buong maghapon." Sagot ko.

Nilingon niya ako at ngumiti.

"And? Masama bang ma miss kitang agad?" Napairap ako.

"Puro kalokohan..." Iniwas ko ang tingin sa kaniya at inubos ang ice cream.

"Tch. Ikaw na nga itong pinuntahan..." Bulong niya. Nailing ako.

"Whatever. Hindi ba't may dinaanan ka pa kanina?" I changed the topic.

Huminga siya ng malalim.

"Yes... sa tito ko..." Tumango ako.

"I... I saw the photo. I'm not sure if they're your friends or cousins... but I saw that Joanna is there too..." Naramdaman ko ang tingin niya sa akin kaya tiningnan ko rin siya.

"What photo?" Tanong niya. Binuksan ko ang phone at pinakita sa kaniya ang post na naka tag sa kaniya.

"Oh. They're my cousins..." Sagot niya matapos itong tingnan.

"Joanna is also your cousin?" Tanong ko. Umiling siya.

Nangunot ang noo ko. Huminga siya ng malalim at napansin ang pagkalito sa mata ko.

When fate allowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon