Chapter 3: Help

11 0 0
                                    

Napatili ako nang bilisan ni Maki ang pagpapatakbo. Halos maubusan ako ng hininga. Gusto ko na rin siyang murahin dahil sa taranta.

Pero tinatawanan niya lang ako.

Nang ihinto niya ang side car ay mabilis akong bumaba at hinampas siya sa balikat.

"Baliw ka bang talaga? This is not funny!" Inis na bulyaw ko. As usual tinawanan niya lang ako.

"Come on! Dito ka sa likod ko. Mas masaya dito." Umismid ako at hindi nakinig.

"Hindi na ako naniniwala sa'yo, sinabi mo na rin yan kanina!" Sabi ko.

"Okay. Sorry. Your face was super funny kanina kasi. But this time, trust me... This will be better." Umiling ako. I don't wanna ride that thing ever again. No.

Lumakad ako palayo sa kaniya. Lumapit ako sa post lamp. I'm familiar with the place since it is not that far from school, but I also know for a fact that I can't get a cab from here.

Ayoko naman maglakad ng malayo dahil sa soot na heels.

Nevertheless, I was determined to stay. Tatawagan ko nalang sana si Mang Ben but when I fished for my phone, my battery is already dead.

Tiningnan ko si Maki na pasensyosong naghihintay sa akin.

Nakasunod lang siya sa akin.

Inis akong napapadyak at lumapit sa kaniya.

"This is your fault! Ugh! How do I get here?" Tanong ko at tiningnan ang likuran niya.

"Just sit comfortably," sagot niya. Nakangiti. Sinimangutan ko siya.

"Stop smiling." Mas lalo lang lumaki ang ngiti niya.

Umupo na ako at hinapit pababa ang soot na skirt.

Mukhang napansin niya iyon dahil hinubad at inabot niya sa akin ang polo niya.

"Cover your legs," sabi niya nang hindi ako tinitingnan. Kinuha ko iyon at tinakpan ang hita ko.

"Give me your bag." Nakalahad ang kamay niya sa akin at hindi parin nakatingin.

"Why?" Tanong ko. Nilingon niya ako.

"Para hindi ka mahirapan." Kinuha niya na ang bag ko kahit hindi pa ako sumasagot. Nilagay niya iyon sa loob.

"Do you have a curfew?" Tanong niya at inistart ang motor.

Napaisip ako. My mom is never that strict with me. Hindi niya ako kailanman binigyan ng curfew.

But that's because kusa akong umuuwi sa tamang oras. She trust me.

"No..." Sagot ko. "but my mom will be worried if I don't inform her that I'll be late..." Dugtong ko. Tumango siya.

"Fair enough..." Sagot niya. "kumapit ka." Lumingon siya sa akin.

"W-Where?" Alanganing tanong ko.

Most of the passenger I see riding a sidecar, they usually grip onto the roof of it. But this doesn't have one.

"Here." Turo niya sa steel bar sa gilid ng sidecar. Tumango ako.

"Or here..." Turo niya sa bewang niya. Sumimangot ako.

"This will do." Sabi ko at kumapit sa bakal. He chuckled.

"I knew you'd say that," bulong niya. "I'll go slow first, alright? Make yourself used to the speed so we can get to the exciting part, okay?" Pinaningkitan ko siya nang matanto ang lapit ng mukha niya sa akin.

"Just drive will you?" Inis na sabi ko at inalis sa kaniya ang tingin. Ngumiti siya.

"As you wish," aniya bago paandarin ang side car.

When fate allowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon