Chapter 1: Maki

17 2 0
                                    

Days had passed since the foundation week ended. Nagkausap na kami ng tourism department together with the deans and the program heads. Since wala rin silang naipakitang evidence na ninakaw namin ang gawa nila ay nadismissed din ang issue. They offer us an apology to which I accepted naman.

But as I looked at Joanna, the President of Tourism deparment and as I watched how she apologized to me, alam kong labag iyon sa loob niya.

Napatunayan ko iyon nang magkasalubong kami isang araw.

"How are you, Leanna?" Tanong niya.

Nasa cafeteria kami ngayon at ang tanging gusto ko lang sana ay makabili ng pagkain at matahimik na makaalis.

"Did you think you won dahil nag apologize ako sa'yo last meeting?" Bumuntong hininga ako at dinala sa cashier ang napiling pagkain. I purposely ignored her.

"Who do you think you are? I'm talking to you, bitch!" She yelled. Causing a scene.

Tamad ko siyang tiningnan at ang paligid. They're starting to get curious.

The last thing I want today is spotlight, that's why I just grabbed my food and I was about to left the area sana when she suddenly grabbed my arm.

Napapitlag ako sa higpit ng hawak niya.

"Sa tingin mo ba reyna ka ng paaralan na 'to at pwede mong lagpasan nalang ang mga kumakausap sa'yo?" She was boiling mad.

Malakas kong inalis ang pagkakahawak niya. Humakbang ako palapit sa kaniya.

"I don't entertain low people like you," mariing bulong ko.

Nakita ko ang pamumula ng mukha niya. Halos pumutok ang ugat sa leeg niya.

"Bitch ka talaga!" She was about to attack me but thank God for my fast reflexes, and I was able to dodge her.

Nadapa siya dahil doon.

I looked down on her.

"If you want to talk to me, reach my level." Sabi ko bago naglakad palayo.

I am so sick and tired of her already. Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit sa akin, at hindi ko gusto kung paano niya ako kinakausap. People like her drain my energy that's why I would rather ignore them.

Naramdaman ko ang paghabol niya ng tingin sa akin at ng ibang tao ngunit hindi ko na sila nilingon pa.

Hindi ako palaaway. Pero marunong akong lumaban. Gusto kong makonsensiya dahil napahiya siya pero nangingibabaw sa akin ang isipin na siya naman ang nauna. She brought that upon herself.

Nagpunta ako sa magical garden ng school. Medyo malayo ito sa building namin pero mas konti ang tao dito at mas tahimik.

After that incident I suddenly feel like I need to breath some fresh air.

Naupo ako sa isang bench at tahimik na kumain.

Napapaligiran ako ng iba't-ibang magagandang klase ng halaman at bulaklak dito. Mataas ang ibang puno, habang ang iba ay maliit pa kung kaya naman may ibang parte na malilim at mayroong hindi gaano.

Bukod sa maganda ang tanawin dito, makakapag isip ka rin ng mapayapa.

Napansin kong iilan lang ang tao ngayon. Nabibilang lang sa daliri. Kumagat ako sa sandwich at pinagmasdan nalang ang paligid. Tahimik akong nagmuni muni.

I was at my last bite nang biglang may nanggulat sa akin. Napatili ako at nabitawan ko ang pagkain.

"My food!" Sigaw ko at dinampot ang nahulog na pagkain. It was too late though dahil nang damputin ko ito ay puno na ito ng lupa.

When fate allowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon