Chapter 5: Ice cream

5 0 0
                                    

Tahimik lang ako buong byahe. Nakikinig lang ako sa pag uusap nila.

"Ben, take us to the nearest mall. Doon na tayo mag dinner."

Utos ni mama.

Naramdaman ko ang marahang kalabit sa aking braso. Tiningnan ko ang katabi kong si Maki.

Inilapit niya sa akin ang mukha at bumulong, "What's wrong?" alanganing tanong niya.

Umiling ako at bahagyang ngumiti.

"Nothing..." mahinang sagot ko.

"So... Maki, what program are you taking again?" Nagsalita si mama.

Napapagitnaan nila akong dalawa ngayon.

Wala akong nagawa kanina nang sunduin ni Manong Ben si Maki.

"Ma'am?" Bumati si Maki nang makalapit sa aming sasakyan. Sinulyapan niya ako at ngumiti.

Nakababa ang bintana ng sasakyan at nakatayo si Maki sa labas.

"You're my daughter's friend..." It was a statement. Not a question.

Tumango si Maki.

"Yes, ma'am... I'm Greg Maki Hernandez po," nagpakilala siya.

"I'm Leanna's mom. I'm sorry I had to call you over, but I want to know. Are you busy? Can you come with us for a dinner? It's been a long time since the last time I've met one of my daughter's friend..."

Alanganin akong sinulyapan muli ni Maki. Gusto ko siyang paalisin. Senyasan o pabalang na sabihan pero tiningnan din ako ni mama.

"That's fine with you right, anak?" Ngumiti si mama sa akin.

"O-Of course!" Nagpeke ako ng tawa at ngiti.

Nakatitig lang sa akin si Maki. Lumabi siya at sandaling nag-isip.

"Ah... Actually, may daraanan pa po kasi ako... And I don't want to bother Leanna anymore. She have to rest." Tumanggi siya.

"Oh. Come on, hindi ka naman nakakaabala kay Leanna. Magkaibigan kayo, right? Saan ka ba papunta? Ihahatid ka nalang namin dun after our dinner. Hindi tayo magtatagal don't worry."

My mom insisted. Nakagat ni Maki ang labi at napakamot sa kaniyang batok.

Tiningnan niya pa ako muli.

"That's right..." Ngumiti ako kahit napipilitan. I really don't want him to come. But I don't want my mom to get the wrong idea if he insists to go away.

Alam kong pagpayag ko lang ang hinihintay niya para sumama sa amin. "Ihahatid ka nalang namin." Dagdag ko.

"Tourism management ma'am," sagot ni Maki sa tanong ni mama.

"Oh. Really? I thought you're under business management program as well. Then how come you two are close with each other?" Tiningnan ko si Maki dahil sa tanong ni mama.

"A mutual friend introduced us po," magalang na sagot ni Maki.

Tiningnan ako ni mama. Ramdam kong may gusto pa siyang itanong pero minabuti nalang na ngumiti.

"I see. That's good, hijo..." She looked at us suspiciously.

"What?" I mouthed at her. Umiling lang siya.

Hindi nagtagal ay dumating kami sa mall at doon naghanap ng makakainan.

Nakikinig lang ako sa kanila habang nag uusap, at magsasalita lang tuwing kailangan.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin natanaw ko ang pagpasok ng tatlong tao. They look like a happy family.

Gusto ko sanang ngumiti pero hindi magawa. I looked at the familiar man and my heart was immediately shattered.

When fate allowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon