The day after. I was loaded with work related to the organization. Kaya naman nahuli na ng uwi.
But I'm not complaining. I'm used to it. Ever since I was a freshman, I've been doing this so my body is pretty much used to it.
Kasabay ko si Axel at si Angeline.
Nasa ground floor na kami ng building when I felt Angeline pinched me.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"What?" Tanong ko. Ngumuso siya at halata ang pagpipigil ng kilig.
Tiningnan ko ang tinuturo niya. It was Maki. Napabuga ako ng hininga.
Mahaba pa ang hallway ay tanaw na tanaw na siya dahil nga konti nalang ang mga estudyanteng naiwan ngayon.
Ngayon ko lang napansin ang tingin nilang dalawa sa akin. Halos itulak na nila ako para mapabilis sa paglakad at makapunta na sa pwesto ni Maki.
"Mukhang sinusundo ka, Pres!" Mahinang bulong ni Angeline, she's the auditor of our team.
"What are you talking about?" Iling ko at hindi pinansin ang pang aasar sa kanilang boses.
"Uyy! So it's true?!" Si Axel.
"What's true?" Nalilitong tanong ko.
"Well... Kasi Pres, I accidentally saw you kahapon! Sa parking!"
I recalled the event yesterday. Napabuntong hininga nalang ako.
"It's nothing, alright? 'wag kayong mag-isip ng mga walang kwentang bagay."
"Sabagay. I've always known you as a man hater." Sinamaan ko siya ng tingin.
"And very serious with her goals." Dagdag ni Angeline.
"No time for love life." Sabi ni Axel.
Nailing ako sa kanilang dalawa.
"I'm not a man hater, alright?" I clarified.
"Then why are you always turning men down?"
"Exactly! You've had some suitors in the past but none of them ever got lucky!"
Tukoy nila sa ilang nanligaw sa akin.
"I just know what I deserve." Simpleng sagot ko.
"Asus! Ang sabihin mo, masyadong mataas ang standards mo!" Pang uuyam ni Axel.
"And? So what?" Tanong ko. "What's wrong if I have a high standards?" Tiningnan ko sila.
Umiling silang pareho sa akin.
"Nothing is wrong with that, but Pres... at least give them a chance to prove themselves to you naman bago mo i-turn down! Gusto mo bang tumandang dalaga?" Hirit ni Angeline.
Kumunot ang noo ko at hindi sumagot. Binalik ko ang tingin sa daan. Nanatili ang mata ko sa pwesto ni Maki.
Tanaw kong nakatingin siya sa amin. Pinalitan ko ang topic kung kaya nagpatuloy kami sa pag uusap hanggang makalabas ng building.
Nang tuluyang makalapit na kami sa exit ng building ay mabilis silang nagpaalam sa akin. Hinila ni Axel si Angeline.
"Mauna na kami, Pres!" Paalam ni Axel.
"Huh? Wait! I thought sasabay kayo sa akin?" Nalilitong tanong ko.
"Oh no. No. We're okay hehe may dadaanan pa pala kami. Right, lyn?"
Tiningnan ko si Angeline. She look lost. Pero nang tingnan si Axel ay mabilis siyang ngumiti.
Tumango tango sa akin si Angeline.
BINABASA MO ANG
When fate allows
RomanceLeanna Cerbito Dominguez is a student leader. Smart and beautiful with an uptight personality. A goal oriented person who always prioritizes her studies, and is often misunderstood to be arrogant and self centered. People would never ever think of a...