Hindi ko na pinansin si Eryx at patuloy lang na naglakad papuntang kusina, para ayusin ang mga naiwang pinggan sa lamesa. Pagkatapos noon ay hinugasan ko na ang mga pinggan at isa isang nilinisan ang bawat kwarto sa 2nd floor. Pagkatapos kong maglinis ay bumaba na ako sa living room para mag pahinga, umupo ako dun sa sofa at kinuha ang phone para mag scroll lang sa social media. "Celeste" nagulat ako ng tawagin ako ni Eryx rinig ko ang malamig niyang boses kasing lamig ng ugali niya. "Yes sir Eryx?" ani ko tumabi ito sakin sa sofa at tinitigan ako sa mga mata "grabe hindi ko alam kung bakit ka pinagkatiwalaan ng magulang ko" sabi nito "kung wala kang matinong sasabihin umalis ka nalang, umakyat ka na sa lang sa kwarto mo" sabi ko
"Napaka seryoso mo ngayon ah? talagang paninindigan mo ung pagiging baby sitter sakin sinabi ba yan ng mga magulang ko? GRABE TALAGA nasa tamang edad na ako bakit pa? para saan?" sabi nito "nagrereklamo ka ba?" inis kong sabi pero ayoko talagang pinapakita na naiinis ako kailangan kong mag adjust sa kondisyon ko."let's say oo eh ano naman?" sarkastikong sabi nito, hinayaan ko nalang talaga siya wala na akong pakealam sa sasabihin nya ang tanging inaalala ko lang sa ngayon ay ang sarili ko.
"Hoy Celeste!" tawag nito sakin na kinagulat ko naman "bakit ba?" sabi ko "hindi mo ba talaga ako papansinin?" sabi nito "ha? bakit naman kita papansinin?" sabi ko "Celeste naman eh" iritadong sabi nito "Alam mo tara sa dance room?" pagyaya nito sa akin "anong gagawin natin don?" tanong ko naman sakanya.
"Common sense Celeste" iritadong sabi nito "sasayaw tayo?" tanong ko "obvious naman siguro?" pagmamaldita nito sa akin "oo na eto na" agad naman akong pumayag dahil ilang taon na din akong hindi nakakasayaw na miss ko ung ganito parang bata pa ako noong last na sayaw ko eh. Pagkadating namin sa dance room inayos nito ang music na papatugtugin nito.
"Ready? but wait?" sabi nito "bakit?" tanong ko naman sakanya "do you know how to dance?" sabi nito "oo?" sabi ko "bakit parang hindi ka sigurado?" taas kilay nyang tanong "eh bata pa ako noong last na sayaw ko pero may iilan akong naalala" sabi ko "well as a guy akong bahala aalalayan kita, got it?" tumango nalang ako pero parang bakit ang bait nito ngayon? ano kayang nakain nito?
Bago kami sumayaw he give me a sweet smile and he give me his hand, agad ko namang tinanggap ang kanyang kamay nang mahawakan ko ito nakaramdam ako ng hindi ko maintindihan. Lumakas ang tibok ng puso ko nang hindi ko namamalayan what the hell Celeste wag ngayon please. Isipin mo naman yang puso mo kainis naman oh!
"Hey are you okay?" tanong nito sa akin "a-ah oo haha" sambit ko "really huh? bakit parang nanlalamig mga kamay mo? tapos medyo namumutla ka? kaya mo ba sumayaw ngayon?" sabi nito "oo wala lang to, nakakapagod kasi tong araw ko ngayon kaya ganto ako". pagrarason ko naman, tumango na lamang ito at nag simula na kaming sumayaw. Habang kami ay sumasayaw nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko na ikinangamba ko, pero hindi ko ito ipinahalata sakanya bagkus ay binigyan ko sya nang matamis na ngiti. Kasabay ng tugtog sa pag-indak ang puso ko'y tumitibok, nakaramdam nang mga paru-paro sa tiyan na ngayon lang naranasan. Bakit ganto? Hindi ko maintindihan? Nahuhulog na ba ako? Hindi pwede.
Pagkatapos naming sumayaw nagpaalam na ako sakanya na magpapahinga na ako sa aking silid, ngunit natigilan ako ng tawagin nya ako. "Aurelia Celeste Pèrez" sambit niya "full name na naman? ano bang problema mo?" iritadong kong sambit "chill ang ganda kasi ng pangalan mo, parang ikaw" sabi nito. Nang marinig ko iyon natigilan ako, lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
Nangangamba ako baka kung anong mangyari sa akin pero bawat pangangamba ko hindi ako nakakaramdam ng sakit galing sa puso ko. Hindi katulad dati pag labis akong sumasaya inaatake ako agad, pero parang bakit may kakaiba? "I really enjoyed dancing with you tonight Celeste". sabi nito at agad nang umalis at pumunta sakanyang silid. "Ha? Ano yon?" sabi ko sa sarili ko
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil papasok pa ako 6:00AM start nang klase namin eh technically kailangan kong mag adjust. Actually sa UP ako nag aaral public school sya sa Manila, dito na ako pumasok kasi malapit lang naman ito sa bahay na pinapasukan ko. 5:10AM ako natapos mag ayos ng sarili ko, naiayos ko na rin ang mga gamit na dadalhin ko. Nagluto na rin ako ng breakfast incase magising si sir Eryx. "Celeste papasok ka na?" nagulat ako ng bigla bigla syang sumulpot sa kusina "ay tipaklong!" sigaw ko naman, bigla bigla kasing sumusulpot eh! "what?" tanong nito "ay wala ikaw kasi! ginulat mo ako!" iritadong sabi ko "pake ko?" sabi nito "what the hell? ang aga aga please lang wag ka ngayon mag inarte!" pagrereklamo ko naman. "So what?" at umupo ito sa hapag kainan, hindi ko nalang ito pinansin dahil ayokong masira ang araw ko, nambibwesit na naman kasi eh!
Pagdating ko sa school namin ay nakasalubong ko si Venus kasama si Kaden? Bakit kaya sila magkasama? so weird. Pero imbis na pansinin ko sila ay nilagpasan ko lang sila at tuloy tuloy na naglakad sa hallway since 9AM pa naman ngayon pupunta nalang muna ako ng library ang boring eh 11AM pa kasi ang start ng class ko. Pagdating ko sa library ay agad akong naghanap ng mga libro na may kauganayan sa history, ito kasi ang una kong klase so mas maganda nang may mabasa ako kahit konti para hindi naman ako masyadong non chalant sa recitation HAHAHA eme ngunit the only problem right now is hindi ko maabot ang book na nais kong kunin.
Dahil nga sa sobrang hiya ayoko rin gumawa ng ingay dito dahil library to so pinilit ko nalang abutin kahit hindi ko talaga maabot ngunit habang inaabot ko ito ay may biglang nag abot sakit nito, at laking gulat ko ng makita ko si Kaden.. bakit sya nandito? Kasama nya kanina si Venus right?
He chuckles "cute" he mumbled "ha?" taas kilay ko namang sagot dito "nothing" sabi nito at agad namang inabot sakin ang libro na kanina ko pang nais kunin "thanks Kade" sabi ko "my pleasure" at agad naman itong umalis. I wonder bakit sya nandito? Kasama nya kanina si Venus pero bakit sya napunta dito? nakakapagtaka. Habang nag-iisip ako dito sa table ko nagulat ako nang biglang umupo sa tapat ko si Eryx na aking ikinagulat "ginagawa mo dito?" masungit kong tinanong "so what?" sagot nito, tumahimik nalang ako at nag focus sa librong hawak ko.
At makalipas ang ilang oras 10AM na agad naman akong tumayo sa aking pwesto at aalis na sana nang higitin ni Eryx ang aking mga kamay na biglang nag patibok sa puso ko. Hays eto na naman Celeste please wag kang magpadala sa emosyon po sinasabi ko sayo isipin mo naman ung kondisyon mo. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito? Sa tuwing hinahawakan nya ang mga kamay ko nanlalamig ako. "Celeste" sabi nito "h-ha?" nauutal kong sagot "umuwi ka nang maaga ha, don't be late I have something to tell you" seryosong sabi nito "ah okay?" taas kilay kong sagot at ngumisi naman ito at binitawan ang aking mga kamay "see you Celes" aniya.
YOU ARE READING
Last Dance
RomanceCeleste wake up!! I said gumising ka! please. NO!! CELESTE not now please!! humagulgol ito na hindi nya matanggap tanggap, napaka pait ng tadhana. TIME DEATH: 5:23 AM "I love you Celeste.."