7th CHAPTER

5 3 0
                                    

Eryx POV: Hindi ko mapigilang magtaka sa mga kinikilos ni Celes lately. Nagiging makakalimutin sya sa mga bagay na ginagawa nya, napaka sensitive rin nya. Para siyang may tinatagong napaka hirap mag figured out dahil kung paano sya umarte ay napaka natural, hindi mo mahahalatang may pinagdadaanan.. Isn't it weird na sobra naman siguro ako mag worry sakanya?

"Celeste" seryosong tawag nito sa akin "oh bakit Eryx?" nakangiting sagot ko naman. "Okay ka lang ba talaga?" tanong nito sa akin "oo naman!" masiglang sambit ko sakanya pero bakit parang ang weird noong isang araw ang sensitive ko tapos ngayon napaka sigla ko naman? Teka..

Celest umayos ka nga! bawal ka nga masobrahan sa pagiging masaya okay? "talaga?" hindi makapaniwalang sagot nito at unti unting lumuha sa harapan ko "hoy Eryx ano bang problema mo? bakit ka umiiyak?" pag-aalalang tanong ko sakanya "let's say na hanggang saan mo kayang itago lahat ng nararamdaman mo?" sabi nito habang patuloy na lumuluha "sana sinabi mo sakin ng maaga, para sana natulungan kita diba?" dagdag pa nito.

Napaluha na rin ako sa sinabi niya "a-ano bang ibig mong sabihin, hindi kita maintindihan Eryx.." sambit ko habang tuloy tuloy na dumadaloy ang aking luha sa aking mga mata. "Last day na curious ako sa medicines na nasa loob ng paper bag and I found this receipt nandito lahat ng details about you, your name lahat lahat and.. f-fibrillation? heart condition?" sabi nito "ano to Celeste?!" iritadong sabi nito habang umiyak sa aking harapan.

Hindi ko na rin mapigilang lumuha dahil sa mga sinasabi nya.. "Eryx.." sambit ko sakanya. "Ilang days na? weeks? Or months? Hanggang kailan pa Celest! sabihin mo lang sakin nakikinig naman kasi ako eh!" humagulgol ito sa harapan ko.

"Ever since bata pa ako ganito na ang c-condition ko Eryx!" sigaw ko naman sakanya. "And please stop acting na you know my pain! Ano naaawa ka sa kondisyon ko? Stop acting na nag-aalala ka! Dahil ni minsan alam kong wala kang pakiramdam!" dagdag ko pa at humagulgol sa harap niya, hindi ko mapigilang umiyak dahil sa kondisyon ko, naiinis ako sa sarili ko bakit ba kasi ako pinanganak ng ganto! "Calm down Celest hindi ko naman alam na may ganito kang condition.. Celest If you only knew I care for you" sagot nito.

At dahang dahan syang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Celest it's not your fault na may condition ka okay? wag mo sisihin ang sarili mo I'm always here for you.." bulong nito. Umiyak lang ako ng umiyak kahit na bawal, gusto ko na kasi talagang ilabas lahat ng nararamdaman ko. Ang sakit sakit para akong laging sinasaksak ng paulit-ulit, bawal ba akong maging masaya? Ganito ba talaga ang buhay?

O sadyang mapait lang talaga pagdating sakin? Ang hirap eh ako nalang lagi ang nahihirapan? Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil alam ko namang sa huli ako pa rin ang talo.. wala eh kahit na ilang beses akong lumaban ganon talaga.

"It's okay Celest" sambit nito habang umiiyak "I'm here for you, just please be brave okay? don't worry hindi ako papasok these days ako mag-aalaga sayo". dagdag nito. "Bakit? dahil naawa ka sakin? Hindi mo kailangang maawa Eryx kung gusto mong hayaan ako gawin mo, ayoko sa lahat ung pinipilit ko ang isang tao na manatili sa tabi ko kahit hindi naman nila gusto" sagot ko sakanya "please hindi dahil naawa ako sayo I care for you Celest, please let me care for you just this time?"

Nanatili akong tahimik sa sinabi niya ngunit patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha ko, ayoko sa lahat ung nakakasakit ako ng tao.. Hindi ko sinabi sakanya ayokong masaktan siya. Baka ipagtabuyan niya ako katulad nalang ng tatay ko diba? Pero sobra ko ba siyang nasaktan?

TIME CHECK: 8:00AM

  "Wake up now Celest let's have a breakfast first, before taking your medicine okay?" nagulat ako dahil hindi ko napansin na umaga na pala kaya naman agad na akong bumangon, baka makalimutan ko na naman inumin ung gamot eh. "How's your sleep?" tanong nito at sabay ngumiti sakin, nanibago ako dahil hindi naman sya ganito sakin dati.

Kung hindi niya kaya nalaman na may sakit ako hindi sya magiging ganto sakin? "ah okay lang" matipid ko namang sagot "good, now kumain ka na I'll ready your medicine okay?" tumango nalang ako sinunod siya. Ganito pala ang pakiramdam na may nag-aalaga sayo..

Last Dance Where stories live. Discover now