5th CHAPTER

6 5 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising upang maglaba ng uniporme na gagamitin ko sa lunes. Pero habang ginagawa ko yon hindi ko mapigilang isipin ung sinabi ni Eryx. NAKAKABWISET ano yon? akala nya ba nakikipaglaro lang ako? hindi to pwede kung alam niya lang ung kondisyon ko.. Ayokong masaktan, masakit.

Ilang minuto lang ay nagising na si Eryx, pagkagising nya ay pumunta agad ito sa washing room na kung saan nandun ako. "Celeste" seryoso sabi nito "yes?" sabi ko naman "about last night.." nanahimik lang ako dahil hindi ko alam kung paano ako magbibigay ng reaksyon "forget about that wala lang yon excuses ko lang yon baka kasi kung anong isipin nila Kade".

At agad naman itong umalis sa harapan ko, pag-kaalis nito ay parang nadurog ang puso ko, bakit ba ako nasasaktan? Hindi ba expected ko na to? Ang sakit parang kagabi lang sincere sya na gusto nya ako pero bakit ngayon nag-iba? ano ba talaga?

Pagkatapos ko gawin lahat ng mga gawain ko ay agad akong pumunta sa aking silid. Ngunit aakmang papunta na ako sa aking silid nagkasalubong kami ni Eryx na parang wala lang ung nangyari kagabi. Diretso lang ako na pumunta sa aking silid at sabay iwas sakanya. Tuloy tuloy lang ang pag-alis nito na parang wala lang. Pagdating ko sa aking silid ay bigla nalang ako nagmukmok ng hindi ko maintindihan.

Celeste ano ba! Ung sarili mo ung isipin mo, please lang wag mo intindihin yon! nakakainis lang sa part ko na wala akong malapitan. May kaibigan man ako pero parang wala naman kahit sabihin nila na kaibigan ko si Venus.. di ko maramdaman na kaibigan ko sya. Bakit ba kasi ganito ang buhay ko? nawawala lahat ang mga mahal ko sa tuwing kailangan ko sila, ang sakit. Habang nagmukmok ako sa kama ko ay biglang nag ring ang phone ko hindi ko ito pinansin dahil mas agaw pansin ang puso ko, hindi pwedeng nagkakaganito ako! Nasan na ba kasi ung gamot ko?! bakit wala dito, dito ko lang naman yon nilagay ah NAKAKABWISET talaga!

Kanina paulit ulit na nag ring ang phone ko kaya sinagot ko na ito. Ahh si Dr. Gomez "hello po?" pag sagot ko naman sa telepono "nak Celest araw ngayon ng check up mo diba?" sagot nito "a-ah oo nga po pala sorry po wag po kayong mag-alala papunta na ako" sabi ko naman "oh sige ingat iha" paalam nito at pinatay ko na ang phone ko. Hays sabay nito ang tawag ni Eryx, ha bakit? GRABE hindi pa ba sapat ung ginawa nya sakin?

Dahil wala naman akong choice sinagot ko nalang ang tawag nito, hindi ko pa rin makalimutan ang sakit. "h-hello Eryx?" nauutal kong pagbati hindi ko alam kung bakit nauutal ako basta nag nararamdaman ko lang ay ung puso ko.. ang sakit sakit "saan ka na? dance partner tayo diba? may practice tayo ngayon, nakalimutan kong sabihin sayo kaninang umaga may ginagawa ka kasi" sabi nito "ahh oo nga pala sorry" sagot ko naman "bilisan mo ikaw nalang hinihintay dito". At pinatay ko na ang call sa phone ko, sa ngayon mas uunahin ko muna sarili ko, mas kailangan ko to ngayon.

Dali-dali naman akong pumunta sa clinic na kung saan nandun ang Doctor ko. Si Dr. Gomez ang nag-aalaga sa puso ko, mas inuna kong pumunta dito dahil ito naman talaga ang kailangan ko. "Dr. Gomez" masayang pagbati ko sakanya "good morning Celest naku wag ka nang mag panggap alam na alam ko na!" sabi nito sa akin "po?" sagot ko naman "umiyak ka na naman?" tanong nito "ay hindi po, puyat lang po ako kagabi" sambit ko naman "hindi mo ako maloloko Celest, kilalang kilala na kita, tinuturing na nga kitang parang tunay na anak eh sabihin mo na anong nangyari?" sabi nito.

Noong marinig ko ang sinabi ni Dr. Gomez di ko naiwasan na mapaluha sa sinabi nya, buti pa si Dr. Gomez na hindi ko naman kadugo tinuturing akong sariling anak. "Oh akala ko ba puyat ka? Bakit bigla kang lumuha kasi totoo ung sinabi ko no?" pabirong sabi nito.

"Sabi ko naman sayo iwasan mo na ang mga taong alam mong nakakasakit na sayo" dagdag pa ni Dr. Gomez "Doc may isa kasing taong parang hindi ko malaman kung gusto nya ba talaga ako hindi? Hindi ko maintindihan bawat kilos nya laging nagiiba, tapos hindi ko maintindihan ung sarili ko naman nasasaktan tuwing ginagawa nya yon" sagot ko naman "mahal mo sya Celest" sagot naman ni Dr. Gomez "po, paano?" pagtatakang sabi ko "alam mo kasi Celeste hindi ka naman masasaktan ng ganyan kung hindi mo sya gusto eh? At sabi mo pa sakin diba iisa lang kayo nang bahay na tinutuluyan diba? One of the possible reason dito is may gusto ka sakanya lagi kayong nag-uusap may pinagsamahan kayo kahit papaano, naku mixed signals yan!" sabi ng doktor sa akin "eh? doc naman eh" sagot ko naman "you know kasi Celest ang unang makakasagot ng lahat ng mga tanong mo ay sarili mo try to ask yourself If may gusto ka sakanya" sabi nito "kung hindi naman then let him go masasaktan ka sinasabi ko sayo, isipin mo ang puso mo ung mental health mo baka dumagdag pa ha" dagdag nito

Natahimik na lamang ako sa sinabi ni Dr. Gomez "oh iha asikasuhin na natin ang puso mo, check natin yan". sabi nito, sinimulan ng kunin ni Dr. Gomez ang stethoscope upang icheck ang heartbeat ng puso ko. Ngunit bawat tingin sa akin ni Dr. Gomez nabobother ako dahil parang may nais syang sabihin, pero please wag naman sanang lumala ung condition ko..

"Nak Celest" tawag nito sa akin "bakit po?" tanong ko naman "Celest.." pag ulit nito sa aking pangalan "bakit po doc! sabihin nyo na po" naluluha kong sambit "kumalma ka Celest baka kung anong mangyari sayo" at kumalma na nga ako tulad ng kanyang sinabi ng aking doktor

"Celeste you have a fibrillation heart condition meaning it's very rapid irregular contractions of the muscle fibers of the heart according to the result you're lacking of synchronism between heartbeat and pulse." pagpapaliwanag nito, hindi ko mapigilang maluha sa sinabi ng doktor "d-doc may cure po ba?" naluluha kong tanong "sad to say Celest there is no cure when it comes to your condition but it can be prevent by treating you medicine don't worry ako na bahala sa medicines na iinumin mo ha? don't cry nak, be brave Celes! Take care of yourself dahil hindi sa lahat ng oras kadamay mo ako" sabi nito "o-opo" naluluha kong sagot. Ano to malala na ung condition ko?

Pagkatapos ng check up ay dumiretso na akong umuwi sa bahay, at laking gulat ko na nandun si Eryx na para bang kanina pa ako hinihintay. "San ka nagpunta?" seryoso tanong nito "a-ah may bibili lang" pagsisinungaling ko naman "inuna mo pa talaga ung binili mo kaysa na puntahan ako?!" iritadong sabi nito "alam mo bang muntik na akong ma disqualified dahil sayo!" dagdag pa nito na biglang nagpaluha sa aking mga mata "s-sorry Eryx" sambit ko naman "tapos ngayon ano? Ikaw ang iiyak? grabe ka talaga Celest" sabi naman nito "pwede ba Eryx! wag mo akong sumbatan hindi mo alam ang pinagdadaanan ko!" hindi ko sinasadyang sigawan sya, nagpadala na naman ako sa emosyon ko hindi ko na mapigilan ang sakit na eh tapos ganto pa ung sasabihin nya.

Last Dance Where stories live. Discover now