4th CHAPTER

5 4 0
                                    

- 3 months later -

"Okay class as for the end of our topic, I need to informed all of your for your new performance task
about "Ball Room Dance" so as your professor I'm letting you to choose your partners". sabi ng aming professor, anong gagawin ko wala naman akong kakilala masyado dito. Wala naman dito mga friends ko hays, hanggang sa may isang lalaking lumapit sa akin "wala ka pa?" tanong nito, laking gulat ko na lamang ng makita ito kaya pala pamilyar sa akin ang boses. It was Eryx hays, ano na naman ba to? pati ba naman dito susundan ako?

"hey Celest" tawag nito sa akin "o-oh?" nauutal ko namang sagot "be my partner" sabi nito "ha?" pagkukunwari ko naman na hindi narinig ang kanyang sinabi "I said be my partner" pag-uulit nito "ahh okayy" mabilis ko namang sagot, ano na naman to Celeste, kumalma ka please ung puso mo ano ba! alalahanin mo. "So planning lang naman today, kahit bukas na tayo mag practice" sabi nito "ahh oo regarding sa sounds ako nalang bahala" sabi ko "sure sure" sabi naman nito at nginitian ako.

Weekend na naman ayoko talagang nag weekend I mean kasi wala naman akong masyadong ginagawa dito. Mas maganda pag nasa school ako nalilibang ko sarili ko, kasama si Venus. A usual dahil nga kasambahay lang ako dito need kong malinisan lahat kapag weekend, tutal wala naman ngayon si Eryx walang eepal. Nagsimula akong maglinis sa mga dating kwarto na sobrang alikabok at pagkatapos ko doon ay pumunta na ako sa kusina upang ayusin ang mga pinggan. At magluluto na rin ako para sa meryenda for sure uuwi na yon ngayon si Eryx. But I wonder kung nasan sya? Hindi man lang nag paalam basta lang umalis. Pero anong pake ko? hindi ko naman sya kaano ano. Arghh Celeste umayos ka nga!

Habang naglilinis ako ay may biglang nag doorbell, agad ko namang pinuntahan ito, at nagulat ako ng bigla kong buksan ang pinto nandito si Kade? Venus? and.. nasan si Eryx? nevermind bakit ko ba hinahanap ang mokong na yon! "oh kayo pala Venus" ngiti ko namang sagot anyway guys na-awkward ako kasi walang nakakaalam na kasambahay ako dito sa bahay ni Eryx baka kung ano isipin ng mga to huhuhu "oh ikaw pala yan Celeste" bati naman ni Kaden "pasok kayo guys" pagyaya ko naman sakanila.

Pagpasok nila ay nakita ko na para silang nagtataka kung bakit ako nandito. Naiilang lang ako kasi pano ako mag papaliwanag nito tapos wala pa si Eryx dito. Pero bakit ko ba hinahanap yon! Celeste naman eh hayaan mo na yon! "Upo kayo" sabi ko sakanila "Celes" tawag sakin ni Venus "yes?" sagot ko naman "bakit ka nandito?" nagtatakang tanong nya "oo nga diba bahay to ni Eryx?" tanong naman ni Kaden.

"H-ha?" nauutal kong sagot. "You heard us right?" taas kilay namang sambit ni Kaden. "Wait don't tell me Celes" sambit naman ni Venus "uy hindi ah! hindi ganon yon Ven!" sigaw ko naman, na ikinagulat ng dalawa "calm down Celest" sambit ni Kaden at tumawa ito na para bang inaasar ako "bakit anong nakakatawa Kade?" taas kilay ko namang sagot "Celest chill you look so guilty.." dagdag naman ni Venus.

"Guys mali naman kasi ung iniisip nyo eh" sabi ko naman "wala pa naman kaming sinasabi ah?" sabi naman ni Ven. Nahihiya ako ano to Celeste kahihiyan na naman ginawa mo! ARGH ang malas talaga!! "Oo nga Celes ang bilis mo naman mag react" tawang sambit naman ni Kaden. "Ahh oo nga sorry guys hehe" nahihiya kong sagot "ang OA Celest ha" natatawang sabi naman ni Venus. Nagtawanan naman ang dalawa na para bang inaasar ako. I mean bakit nga ba kasi nag react agad ako? Wala pa naman silang sinasabi, ano ba namang buhay to oh!

Habang nagtatawanan sila ay biglang pumasok si Eryx, pansin ko namang pawis na pawis ito at agad ko namang nilapitan at pinunasan ang kanyang mukha. "ehem" sabi ni Venus "a-ah yan towel punasan mo yang mukha mo, pawis na pawis ka oh baka magkasakit ka magpalit ka na rin ng damit, umakyat ka na" pag-utos ko naman sakanya. "yes madam" sabay kindat nito sa akin "guys taas lang ako ha, magpapalit lang" sabi nito. "So ano nga ba talaga Celest?" sambit ni Kaden na para bang nakakaramdam ng pagkayamot

"Celest we just want to know kung bakit ka nandito sa bahay ni Eryx? Like it's so weird diba?" dagdag pa ni Venus. Natahimik na lamang ako at wari ba'y hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ito. "Celeste are you with us?" seryosong sambit ni Kaden, hindi ko alam kung bakit sya nagkakaganyan, di naman sya ganyan noong isang araw na nagkita kami eh? Pero may point naman kasi sila, pero ayoko talagang sabihin na kasambahay ako dito sa bahay ni Eryx, baka mamaya bigla nalang mag f.o kami ni Venus dahil sa status ng buhay ko.

"what's going on here?" saad naman ni Eryx "bro nagtatanong lang naman kami ni Ven If anong ginagawa ni Celeste dito eh? Isn't it weird I mean diba" sambit naman ni Kaden "tama hindi rin nakwento sakin ni Celest na magkasama pala kayo sa iisang bubong?" sabi naman ni Venus. "She's my girlfriend" full confidence na sabi ni Eryx "ha?!" gulat ko namang sigaw "calm down love" sabi ni Eryx "really? so happy for both of you" seryosong sabi ni Kaden "hoy Eryx! umayos ka nga!" sabi ko naman sakanya "kaya pala you're here Celest huh" pabirong sabi naman ni Venus. Nagulat rin ako dahil para bang ang saya saya ni Ven na narinig nya na girlfriend ako ni Eryx? Bakit? On the other hand si Kaden naman parang nanghihinayang sa nangyari I don't know what's going on.

"Guys let me explain first" sambit ko naman "no need na Celest halata na oh" pabirong sabi ni Kaden pero bakas parin sa kanyang mukha na tila ba'y hindi nya tanggap ang kanyang narinig. "love naman eh?" saad naman ni Eryx, hindi ko nalang ito pinansin hindi ko alam kung bakit nagkakaganyan yan si Eryx kung ano anong pumapasok sa utak kabwiset!

"Ayaw nyo bang mag celebrate?" pagyaya naman ni Venus "ayoko" sabi naman ni Kaden "what do you mean bro?" tanong naman ni Eryx. Nanatili itong tahimik ay hindi umimik "syempre joke lang ano ba kayo!" pabirong sambit nito. Nagtawanan ang lahat except sakin duhh ano ba namang eksena to Eryx! Kahit kailan talaga hilig mong pahirapan ako eh no!  "Oh ano order nyo" pagyaya ni Kade "what about pizza?" suggest naman ni Ven "how about you Eryx and Celest?" tanong nito sa amin "ah ako kahit ano nalang" sambit ko naman "same answer" tipid na sagot nito.

"Okay ako na bahala ha" tawanan ang mga ito, at heto ako hindi ko alam kung anong pinapasok ko jusko hindi ko maintindihan kung bakit sinabi ni Eryx yon! Kakainis!
Venus POV: Syempre tuwang tuwa ako ng malaman na sila na ni Eryx, sino bang hindi matutuwa don? Edi wala na akong kaagaw kay Kade nyan. Pero sana matuto si Kaden na mahalin nya ako ng pabalik, ako ang laging nandito para sakanya bakit ba hindi nya ako makita?

Pagkatapos noon ay nagpaalam na sina Ven, agad ko naman sinara ang pinto pag-kaalis ng mga ito at hinila ang kamay ni Eryx. "Hoy mag usap nga tayo" sabi ko "yes love, what do you want to talk about?" mayabang na sambit nito "wow kapal ha! love mo mukha mo!" sabi ko naman sakanya "wow rin sayo parang hindi mo ko pinakasamahan kanina ah?" sabi naman nito "bakit mo ba sinabi yon ha?!" akmang sasampalin ko sana anv kanyang mukha ng biglang pinigilan nya ito at doon nagtama ang aming mata. "So what?" bigla na namang nakaramdam ako ng mabilis na tibok ng puso ko,

Celest kumalma ka okay? wala lang yon impossible yon ha! wag kang magpapadala sakanya! Nagkalapit ang aming mukha na lubhang nagpatibok ng puso ko.. "bakit natahimik ka?" tanong nito sakin "tumahimik ka na nga!" sabay tulak ko naman sakanya. Ngumisi nalang ito habang ako naman ay akmang pupunta na sa aking silid ngunit natigilan ako ng bigla nyang banggitin ang aking pangalan "Celeste?" tawag nito "bakit ba?!" iritadong sabi ko naman.

Tinitigan nya lamang ako na para bang may gustong sabihin na hindi nya kayang mabanggit "sabihin mo na, ano ba? inaantok na ako oh!" sabi ko naman "I like you Celest".

"H-huh?" Takang tanong ko naman "I said I like you, lahat ng pinakita ko sayo kanina it was true" sambit nito. "I won't stop until I make you mine Celest" pangbabanta nito sa akin. Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad papunta sa aking silid at pinoproseso ang mga nangyari ngayon.

Last Dance Where stories live. Discover now