Kinabukasan just like the other day hindi kami nagpapansinan. Napaka awkward pagkatapos ng pangyayari kahapon, pero parang kasalanan ko din naman nagpadala na naman ako sa emosyon ko. Hindi ko talaga mapigilan ang sakit na nga ng kondisyon ko tapos susumbatan pa ako.
Masama pakiramdam ko kaya hindi na muna ako papasok nandito lang ako sa aking silid nakahilata at nagbabasa ng mga libro kung paano ma cure tong kondisyon kong ito. Pero wala eh ilang libro na ba ang kailangan kong basahin para lang gumaling ako?
"Eryx" tawag ko sakanya "hm?" sagot nito "hindi ako papasok ngayon, masama pakiramdam ko" tumango nalang ito ng walang pinapakitang emosyon "magpahinga ka" malamig na sambit nito at agad nang umalis.
Eryx POV: Hindi ko kayang umarte ng parang wala lang ang lahat pero hindi ko kasi maintindihan kung bakit nagkakaganito ako. Mahal ko ba talaga si Celeste? Hindi ako sure sa bawat sinasabi ko. Ni hindi ko nga alam kung tunay ba ang pinapakita ko sakanya. Ginagawa ko lang naman to para hindi sya masaktan, ayoko na may taong nasasaktan dahil sakin. Dahil alam ko ang pakiramdam na nasasaktan. Masyado ba akong masama sa paningin ni Celeste? Bakit ako nag-aalala sa tuwing wala siya? Bakit ako nasasaktan sa tuwing nasasaktan siya ano ba talaga?
Pagka-alis ni Eryx agad ko namang kinuha ang isang paper bag nandun lahat ng mga gamot na provided ng aking doktor. Nandoon na rin ang schedule kung kailan ako iinom. Pero minsan hindi ko na nasusunod ang schedule, nakakalimutan ko na eh. Hindi ko alam kung bakit? Pero may kakaiba talagang nangyayari sakin these past few days ang bilis ko makalimutan ang mga simpleng bagay.
Katulad nalang noong isang araw nakalimutan ko pumunta ng university para sa practice. Pero siguro valid reason naman yon kasi nag pa check up ako pero hindi ko talaga maalala na sinabihan pala ako ni Eryx na pumunta ng university. Kaya ayon nagalit sya, nakakatakot pala magalit si Eryx ang sakit nya rin mag salita haha.
Ininom ko na ang isa sa mga gamot na kailangan ko, sabi ng aking doktor nakakatulong daw ito na ma lessen ang sakit na nararamdaman ko. Iinomin ko dapat to tuwing umaga kaso nakalimutan ko kaya mga bandang tanghali ko na sya nainom.. pero nakaapekto kaya sa sakit ko ang paginom ng oras sa hinding takdang oras? Hindi ko naman siguro masisi ang sarili ko dahil wala eh? nakakalimutan ko ibang iba to I mean iba kasi ang "nakalimutan" sa kondisyon ko na parang nasa condition ko ang malimutan lahat.
Kinakabahan ako nagpapadala na naman ako sa emosyon ko.. what If hindi na talaga ako gumaling since hindi curable ang sakit ko? Natatakot ako.. what If.. no! Hindi mangyayari yon okay? Please magiging matatag ka Celeste. Ingatan mo ang sarili mo, marami ka pang pangarap okay? hays ano ba naman tong iniisip ko!! para kasing hindi umeepekto ang gamot na iniinom ko.. lalong sumasakit ang pakiramdam ko sa tuwing umiinom ko o baka side effect lang?
Pero wala naman kasing sinabi si Dr. Gomez na may side effect ang mga gamot na iniinom ko? Hindi kaya.. Celest kumalma ka okay? inhale.. exhale.. ang puso mo ingatan mo. Kung gusto mo pang hindi lisanin ang mundong ito magiging matatag ka okay? Kaya mo yan! FIGHTING lang self!
Mga ilang minuto pa ay biglang dumating si Eryx at kumatok ito sa aking silid. Tatayo na sana ako nang buksan nya ito, "Celeste what is this?" tanong nya habang hawak hawak ang paper bag na kanina ay hawak ko lang "s-saan mo nakuha yan?" naluluha kong sagot "can you please stop asking so many questions and just answer me!" sigaw nito sa akin, nasaktan ako ng bigla nya nalang akong sigawan, ang sakit ng pakiramdam.. ung p-puso ko.. "sa friend ko yan may sakit kasi sya, dadalhin ko sakanya yan nakalimutan ko lang" pag rarason ko naman sakanya. "sure?" paniniguradong sabi nito "oo" sabi ko naman "sorry nasigawan kita, nagulat lang ako may gamot dun sa living room eh sorry Celest" at nginitian ako nito "wait" dagdag nito "bakit?" sagot ko naman "masama pakiramdam mo pero ung mga medicine para sa friend mo?" taas kilay nyang tanong "bakit bawal ba? concerned ako sa friend ko" pangangatwiran ko naman "sana sarili mo naman ang isipin mo Celest" seryoso sambit nito. "Stay here until you're already fine, magpahinga ka nalang" at sabay umalis.
YOU ARE READING
Last Dance
RomanceCeleste wake up!! I said gumising ka! please. NO!! CELESTE not now please!! humagulgol ito na hindi nya matanggap tanggap, napaka pait ng tadhana. TIME DEATH: 5:23 AM "I love you Celeste.."