FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK"
Part 11
Huminga naman muna ako bago ko na pag disisyunan na pumasok, pag ka pasok ko nakita ko syang nag sasalita mag isa. Grabi sobrang na baliw sya sa nangyari sakanya dati.
"Hindi sya pinatay, buhay si Andrew, tinago lang sya sa isla na tago, kaya hindi sya patay, tinago lang sya" Bulong nito na narinig ko naman. Sinong buhay? Yung kaibigan nya, pero imposible dahil ilang years nang walang balita sa kaibigan nya.
"He-hello" utal kong sabi kaya napatigil ito sa kaka salita, tumingin naman ito sa akin.
"Bakit nandito ka? Diba sanabi ko na ayoko nang nurse!" Nanggigigil na sabi nito nag lakad naman ako papasok ng kwarto nya sabay harap sakanya.
"Sorry pero kaylangan ko nang pera" pag dadahilan ko.
"Kung pera lang ang gusto mo kaya kong ibigay yon sayo umalis ka lang dito!" Sigaw nya tumayo naman sya, lalapitan pa sana nya ako kaso hindi umabot yung kadena nya kaya napatigil ito.
"Sorry pero hindi pwede"
"Bakit ba ayaw mong umalis?! Mag kano ba binibigay sayo ni mom para ganyan ka katapang?! " Mga tanong nya sa akin habang na sigaw natakot naman ako kaya hinigpitan ko nalang yung pag kakahawak sa balde.
"Amin-amin nalang po yon Sir. T-tyaka lang ako aalis pag maayos kana, pag magaling kana baka sakaling maturo mo pa kung nasaan si Andrew kung nasaan yung bangkay nya" Mahinahon kong sabi.
"Hindi sya patay! Buhay sya, buhay sya dinala lang sya sa isla dinala sya! Buhay sya!" Paulit ulit na sabi nito habang na sigaw.
"Naniniwala naman ako sayo na buhay sya kasi ikaw mismo ang nandon, pero tyaka kanila pani-niwalaan pag magaling kana!" Lakas loob kong sabi, na gulat naman ako ng bigla nya kong batuhin ng orasan."Umalis ka dito hindi ko kaylangan ng nurse na kagaya mo, bait-baitan, tangina!" Sigaw nito habang nag wa-wala.
"Sabihin nyo na po lahat nang gusto nyong sabihin pero hindi ako aalis" Sabay baba ko ng balde sa harap ng kama nya.
"Pera lang ba habol mo kaya ayaw mong umalis? Pwes mag silbihan ka nalang maid kasi hindi ko kailangan ng nurse! Mukha kang pera, alam mo ikaw lang yung babaeng na tumagal ng ilang oras dito dahil lahat yon natatakot kahit my pera, pero ikaw...arghhh! Mukha kang pera!" Mahaba nitong sabi napa yuko naman ako dahil sa masasakit nyang sinasabi sa akin.
Inangat ko naman ang ulo ko sabay tingin sakanya. "Ayoko naman talagang maging private nurse mo kung hindi ko lang kaylangan ng pera!" Sigaw ko sakanya na ngayon nakatingin sa akin. "Napilitan lang ako kasi wala akong pang bayad ng ilaw, tubig namin! Kaylangan kong mag trabaho kasi yung kuya ko one thousand lang ang sahod nya kada araw! Ako lahat nag babayad ako nag gro-groceries tuwing sahod ko para kila tita, sa amin" Hagulgol kong paliwanag, na bitawan naman nya yung hawak nyang tinidor.
"Masyado kang ma drama! Yan lang naman yung babayaran mo higit ten thousand lang iniiyakan mo! Get out baka mas lumalapa ang kondisyon ko!" Natatawa nitong sabi.
"Yung sobrang pera para sa puntod nila mama, papa at ni Tito bali six thousand every month, pag hindi ko yon binayaran aalisin yung puntod nila ayokong mangyari yon kaya wala nakong paki kahit piso nalang yung sobra, kahit hindi ko mabili yung gusto ko okay lang basta ma pag kasya ko lang lahat nang gastusin araw araw, kahit fifteen thousand lang ang sahod ko" nanghihina kong sabi habang nag pupunas ng luha. Napa tigil naman ito sa pag tawa.
"Stop crying" mahinahon nitong sabi. Pumasok naman ako sa loob ng pulang linya.
"Buti kapa nga yan lang problema mo pero na baliw kana ka agad ka lalaki mong tao, pano naman ako na harap-harapan kong namatay yung magulang at tito ko, pero kinaya ko na wag mag patinag sa depressed kasi paano na yung ibang umaasa sa akin" Lumayo naman ito sa akin.
"I said stop!" Sigaw nito sabay sandal sa ding ding, umupo naman ito nang dahan-dahan.
"Kung gusto mong umalis ako dito mag pagaling ka" mahinahon kong sabi napansin ko naman na tumango ito. "Okay lang naman sa akin kahit sigawan moko o saktan sanay nako don kasi madami nakong pasyenteng ganyan pero sana respetuhin mo rin ako bilang babae" dagdag kopa sabay kuha na ng balde na nasa harap ng kama, mag lilinis nako.
Habang nag lilinis ako naka upo lang sya, minsan naman tumitingin sa akin kaya iniiwasan ko nalang yung titig nya.
Ilang oras akong nag linis dahil super laki nito dagdag mopa yung mga binabato nya. Kaya ngayon lilinisin ko naman na yung drawer nya.
Tumingin naman ako sakanya na sakto nakatingin din sya sa akin. "Bubuksan ko pala yung mga drawer mo, lilinisin ko lang" Tingin lang naman ang tugon nya kaya kahit hindi sya tumango binuksan ko dahil nag paalam naman ako.
Pag ka bukas ko ng dalawahang pinto ng drawer bumungad sa akin yung mga naka sabit na puro polo at short na mamahalin dahil lahat yon my mga tatak napa nganga naman ako sa mga presyo dahil 20k bawat Isang polo. Binitawan ko naman ka agad yon sabay sarado. Hindi nalang ako mag lilinis titignan ko nalang yung mga laman ng kabinet."Malinis na pala.
Continuetion
Malinis na pala sya diko na kaylangan linisin to" pag dadahilan ko sabay punta pa sa isang drawer. Nakita ko naman na may mga maskara na itim na kagaya ng suot nya tapos habang tinitignan ko yung drawer my nakita akong pang tulog na nighties at dress na pang alis na pang babae na damit. Bakit my damit na pang babae?Kanino to?
Bakla ba sya?
TO BE CONTINUE.....
YOU ARE READING
"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK"
ActionTitle: (FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK) Becky- Monica armstrong in short mon, 23 years old maganda, mabait, makutis ang balat, maputi. At 4 years nakong nurse Freen- Samuel sarocha in short Sam, 25 years old maputi, matangkad, matang...