CHAPTER 21

643 25 0
                                    

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK"

Part 21

6:00 am nang umaga nagising ako, ewan ko kung bakit. Baka iniisip nya ko.

Pag kababa ko nakita ko silang lahat  nag kakape habang yung ibang kasambahay nasa likod nila inaasikaso sila, napansin ko naman na wala si irine. Lumapit naman ako sakanila.

"Good morning iha." Masayang bati nila sa akin.

"Morning be" Sabi nila.

"Good morning din po." Bati ko din saka nilang lahat.

"Mag almusal kana, sabayan mo kami" Sabi pa ni Tita Marissa kaya tumango nalang ako, kumuha naman ako nang tinapay na kinakain nya, nag palaman naman ako nang nutella. Napansin ko naman na pinag titimpla ako ni manang Linda nang kape.

Hihigop naman sana ako nang kape na kaka bigay lang ni manang nang biglang nag salita si Lola Rica.

"Mag tra-trabaho kana ba ulit sakanya?" Biglang tanong ni Lola Rica, binaba ko naman ulit yung kape ko.

"Hindi ko pa po sure"

"Kung yan ang pasya mo okay lang sa amin, pero once na nagwala na sya nang sobra kaylangan mona syang pakalmahin." Mahabang lintaya nito tumango naman ako.

Nag usap naman kami hanggang sa bumaba si lira, sya nalang kasi yung wala dito napuyat ata sa asawa.

"Morning po." Bati nito napa laki naman yung mata nya nung makita ako. "Uyy gag* ka monica himala nagising ka nang maaga." Sabi nito sa akin na halatang nagulat.

"Chee...ikain mo yan" Sabi ko dito.

"Sus na miss mo lang si sam e kaya maaga ka nagising e, o baka iniisip ka nya." Sabi pa nito umiwas naman ako nang tingin.

"Be tigilan mo nga ko" tumawa lang naman ito sabay subo nito nang hotcake.

Habang nag aalmusal kami biglang may gumalabog na malakas.

*Bogshh*

"Uyy gagi ano yon?" Gulat na turan naming lahat, nag si tayuan naman kami para puntahan si samuel.

Nang nasa kwarto na kami ni sam nasa gilid ako nag tatago habang silang lahat nasa loob. Nakita ko naman na may gamit na binato si sam malapit sa pinto.

"Kuya!" Sigaw ni Kianna.

"Ibalik nyo na si mon mom, please." Namamaos na sabi nito habang hinanghina na naka upo, napansin ko naman na parang may tumulo galing sa maskara nya. Umiiyak sya dahil lang sa akin?.

"May bago na syang inaalagaan anak." Pag sisinungaling ni Tito.

"Pero dad gusto ko sya, akin sya dad" Sabi pa nito napa ngiti naman ako. Kinikilig ako.

"Anong magagawa namin kuya ayaw na nga nya, kinausap narin namin pati kuya at tita nya ayaw na daw kasi sinaktan mo daw." Mahabang lintaya ni Kianna.

"Ibalik nyo na sya nakikiusap ako, ayoko nang makulong sa madilim na buhay ko, gusto kong makalaya, gusto kong gumaling pagod nako sa kondisyon ko." Halata naman dito ang lungkot, nag si tinginan naman silang lahat na parang naawa na. Mapansin ko naman yung  iba naiiyak na maski ako naiiyak. Bweset.

"Dad, mom ibalik nyo na sya nakikiusap yung anak nyong baliw! Ngayon lang ako humiling pero ayaw nyo ibigay!" Sigaw nito sabay sabunot sa sariling buhok.

"Bakit ba gusto mo sya e ayaw na nga sayo!" Sigaw ni Tita Nerita.

"Pero ako gusto ko sya kaya kong ipilit ang sarili ko sakanya kaya Tita ibalik nyo na sya, pano ako gagaling nang tuluyan kung wala sya?! Mom nakikiusap nako na kahit minsan hindi nyo narinig sa akin!" Sigaw nya.

"Tama na nga yung pag tago mo beh, naawa nako sa kuya ko!" Sigaw ni Kianna habang nag pupunas nang luha sabay lakad sa direksyon ko, napansin ko naman na napatingin si sam sa labas nang pi. nto kung nasaan ako, nag ka titigan naman kami kaya nakita ko ang saya sa mata nya.

"Mon!" pag tawag nya sa pangalan ko tumayo naman ito sa pag kakaupo.

TO BE CONTINUE.....

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" Where stories live. Discover now