CHAPTER 20

665 19 0
                                    

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK"

Part 20

Dahil naka tunganga ako nang ilang sigundo palakas din yon nang palakas yung sigaw kaya agad kong binaba yung coke na hawak ko sabay umakyat nang dahan-dahan.

Nasa malayo palang ako napansin kong naka bukas yung pinto kaya nung nakalapit nako gumilid ako para hindi ako makita ni sam, andon naman sila lola Rica katabi ko.

"Nasaan sya?! Pabalikin nyo sya dito, kaylangan ko sya!" Nagwawala naman sya habang na sigaw habang sila lira nasa loob nakalayo sa pulang linya.

"Umalis na sya kanina pa kuya" Nakita ko naman na kumunot yung nuo nya sabay tumahimik saglit.

"Hindi ko naman sadyang saktan si mon, napilitan lang ako kasi nagmura sya! Kaya pabalikin nyo sya dito, mom!" Nagulat naman sila sa sinabi ni samuel.

"Anak huminahon ka, mag hahanap nalang ako nang bagong nurse." pag papakalma ni tita Marissa sa anak nya.

"Ayoko, si mon ang gusto ko mom, gumawa ka nang paraan bumalik lang sya dito! Mom!" Nanggagalaiti na sigaw nito.

"E bakit mo kasi sinaktan kuya? "

"Nagmura nga kasi sya kaya nag bago mood ko!" Paliwanag nya. Narinig ko naman yung bulong nila.

"Magaling na ang anak ko, pero kaylangan pa nang magaling na doctor para tignan sya para makasigurado tayo" Sabi ni Tito Robert, tumango naman silang lahat.

"Sa susunod nalang natin sya ipatingin kasi sure aayaw yon" Sabi ni Tita Marissa kaya tumango nalang sila.

"Mom, I'm begging u, hindi ako gagaling nang tuluyan kung wala sya" parang bulong na sabi nito pero sakto lang para marinig naming lahat, napansin ko naman sila tita na tumingin sa akin pero umiwas ka agad ako.

"Tatanungin kita son, mahal mona ba sya?" Tanong ni Tito natahimik naman saglit si sam.

"Oo dad mahal na mahal ko sya, kaya please pabalikin nyo sya, kahit yun nalang ibigay nyo sa akin bilang anak nyo! Si mon ibalik nyo!" Sigaw nyang sabi halata naman na kinikilig silang lahat kaya namula ako sa sobrang hiya.

"Bukas kaka usapin namin sya, kumain kana muna. " Sabi ni Tito.

"Ayoko"

"Kuya
"Kuya naman, anong gusto mo para makakain kana."

"Si mon ang gusto kong mag subo sa akin" maikling turan nito.

"Lalapitan kita kuya wag mokong sasaktan, baka mawala na yung nag iisa mong magandang kapatid" agad naman tumingin si sam kay Kianna nanaka kunot ang nuo.

"Wala ka paring pagbabago, mahangin ka parin" Seryosong sabi nito.

"Si kuya parang tang-wala pala pero seryoso papasok ako salinya wag mokong saktan, alam ko naman na hindi kapa talaga magaling." Sabi ni Kianna.

"Edi pumasok ka wala akong balak na saktan ka, lalo na pag mahangin tapos pangit, wala akong balak kahit dito kapa mag damag." Malamig na sabi ni sam napa simangot naman ako. Edi pangit ako ganon kaya hindi sya nagwawala.

"E..bakit si mon?"

"Wag mong tatawagin na mon si monica! Ako lang ang tatawag sakanya non!"

"Sabi ko nga, kuya" sabi nito sabay lakad ni Kianna sa gilid nang kama, kinuha naman nya yung lamesa na may gulong.

"Pero kuya edi pangit si monica?"

"Wala akong sinabi na pangalan nya, ikaw yung sinasabihan kong pangit" sabi nito sinipa naman nya yung kuya nya pero tumawa lang ito.

Nagulat naman kami nang biglang tumayo si sam habang seryoso ang mukha.

"Kuya sorry na" kinakabahan na sabi ni Kianna, sa super tangkad ni sam hanggang dib-dib lang sya kaya naka taas talaga yung ulo ni Kianna.

"Idi*t, us if naman na sasaktan kita, sayang lang oras ko sayo" Nag bibirong sabi nito sabay may kinuha sa kabinet na gamit.

"Parang gag* lang kuya! " Sigaw nito napansin ko naman na lumaki lahat yung mata nila. Nagmura sya, lagot.

Naririnig naman namin yung kadena. "What did you say?" Lumapit naman lalo si sam kay Kianna kaya sure ako isang maling galaw mauuntog sya kay sam.

"Kuya sorry talaga, hindi na mauulit"

"Isa pang mura mo tatanggalan kita nang dila" sabay tuktok nito sa kapatid.

"Sakit naman non kuya, hindi mo nga ko sinampal tinuktukan mona man ako"

"Tskk, sige na lumabas kana salinya, ang baho mo!" Sabay upo nito sa kama.

"Papansin ka kuya porket mabango ka,  lamang kalang naman nang tatlong ligo sa akin!" Sigaw ni Kianna sa kapatid.

"Atlis mabango kahit ilang araw walang ligo"

"Okay lang atlis maganda, mom kayo na nga mag pakain dyan naiinis ako!" Sigaw ni Kianna sabay padabog na mag lakad.

"Maganda ka? Saan banda? Tanga ampon ka kaya nga ang pangit mo, bakit may nakita kabang pangit sa lahi natin? Wala diba, pansin mo ikaw lang pangit kaya ampon ka." Sigaw ni sam sabay tawa nito. Lakas mang asar sa kapatid.

"Mom sabihin nyo na yung totoo na ampon si Kianna" dagdag pa nitong sabi habang natatawa.

"Tigilan mo nga yang ginagawa mo s
samuel!" Sabi ni Tita Marissa tumatawa lang naman si sam.

Ilang sigundo naman syang tumatawa pero nagulat nalang kami nang biglang nag bago ang expression nya.

"Lumabas na kayo hindi nyo ko mapipilit kumain pwera nalang kung andito si mon! Labas na!" Sabay turo nito sa pinto lumabas naman sila. Sabay sabay naman kaming nag lakad habang naririnig namin na nagwawala parin si sam. Pinabayaan nalang namin.

TO BE CONTINUE.....

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" Where stories live. Discover now