CHAPTER 57

566 19 0
                                    

"FALL INLOVE WITH MAFIA WEARING A MASK"

Part 57

"Bakit nandito kang linta ka huh??!" Nanggagalaiting sambit ni Kianna.

"Nasaan si samuel?"sambit ni Athina na parang walang narinig sa sinabi ni Kianna.

"Hindi ka kaylangan ni kuya! Andito yung asawa n'ya kaya, alis!" Sabi nito habang tinutulak ito.

"Don't touch me! Hihintayin ko s'ya!" Sabi nito.

Lumapit naman ako Kay athina. "Hindi na kaylangan kasi andito ako kaya ko s'yang alagaan." Mahinahon kong sabi.

"Ako mag aalaga sa kanya dahil mahal n'ya ko!" Sabay tulak nito sa akin kaya tinulak ko din ito ng maka tayo ako.

"Dati 'yon, iba na ngayon! Ako na ang mahal n'ya!" Sigaw ko.

"Minahal ka lang n'ya kasi ikaw yung nasa tabi n'ya! Bakit kung nasa tabi n'ya ko nasaan kaba ngayon?!" Naiyak naman ako sa sinabi nito.

"Wala akong pake, basta ang alam ko ako na ang mahal n'ya!" Namamaos kong sabi.

"Tanga ka rin pala, tingin mo mahal ka n'ya? Hindi ka n'ya mamahalin kasi ako parin ang nasa puso n'ya, pinili ka n'ya kasi wala ako pero ngayon andito na ako pwede ka nang lumayo sa amin!" Sabay taas ng kilay nito.

"Bakit ko naman gagawin 'yon? Lalayo lang ako kung kay Lucious mismo manggaling ang salitang yan kaya wag mo syang pangunahan!" Sabay tulak ko dito.

"Then let's see." Sabay upo nito sa mahabang upuan.

"Hoy umalis ka dito!" Pag tataboy nila.

"Pabayaan n'yo s'ya." Sambit ko habang naka tingin sa kawalan habang pigil na hindi umiyak dahil sa mga sinabi nito. Ang sakit-sakit wala akong laban kasi pangalawa n'ya lang akong minahal, hindi ko din s'ya masyadong kilala kaya maaring minahal n'ya nga lang ako kasi nasa tabi n'ya ako, pinaramdam ko ang pag mamahal na hindi nagawa ng ex nya.

Ilang oras kaming nag hintay ng sa wakas ay bumukas na yung pinto, bumungad naman sa amin ang mga nurse na may hatak na hospital bed. Napansin ko naman si sam na naka oxygen habang mahimbing na natutulog.

Tumigil naman ito sa harap namin. "Sundan n'yo nalang po kami mga ma'am and Sir." Sambit ng doctor habang naka ngiti hinatak naman na ulit yung higaan ni Sam kaya naka sunod lang kami, tumigil naman ito sa malaking kwarto na kung titignan ay private room.

Inayos naman muna nila yung pwesto ni Sam kaya umupo muna ako sa sofa dahil pagod na'ko, hindi pa ako nakaka pahinga simula kagabi dahil sa pag make love namin.

Ilang minuto din akong naka upo habang naka sandal kaya nang maayos na yung higaan ni sam kinuha ko yung isang upuan na my gulong, nilagay ko naman iyon sa tabi t'yaka ako umupo.

Yumuko naman ako kasabay naman non ang pag patak nang luha ko, hinawakan ko naman yung maugat at malaking kamay ni Lucious. "Adi, ako parin naman diba kahit nakabalik na s'ya? Ako na, diba?" Mga bulong ko habang naiyak.

"Naka balik na s'ya, paano na ako? Paano na lahat nang... nangyari sa atin?" Namamaos kong sambit at, tuluyan ko ng pinaagos ang luha ko.

TO BE CONTINUE ........

JUST COMMENT ABOUT MY STORY FOR MORE UPDATES

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" Where stories live. Discover now