CHAPTER 75

679 29 6
                                    

"FALL INLOVE WITH MAFIA WEARING A MASK"

Part 75

Pero hindi pa nakakapasok si sam sa kotse nitong BMW bigla s'yang sinuntok ni Tito Robert na ikina sigaw nilang lahat dahil sa nangyari. Mabuti na yung ginawa ni Tito para narin matauhan s'ya.

Nagising na kasi sila kanina pa nung kinalampag palang ni sam yung lamesa kaya ngayon andito kaming lahat sa garahe.

"Wala akong anak na katulad mo!" Sigaw na aniya ni Tito Robert kaya napa tagilid yung ulo ni sam.

Hinawakan naman n'ya yung panga nito sabay harap Kay Tito Robert. "Wala kang alam, dad, hindi mo kasi nararamdaman lahat nang sakit!" Nanginginig na sigaw nito, pansin ko naman na nangingilid na yung luha nito kaya piling ko para akong nasasaktan din.

"Pero hindi mo kaylangan mang damay nang ibang tao para lang saktan mon!" Sigaw nito sabay labas nang wallet.

"Iha, magkano ang binayad nang anak ko sa iyo?" Pilit naman ni tito na babaan ang boses.

Yumuko lang naman yung babae.

"Magkano ang binigay sa iyo nang anak ko!" Pag uulit nito pero gamit na ang boses na nakakatakot.

Hindi na ako mag dududa kung bakit ganon ang ugali ni sam dahil ako mismo ang naka alam na sa dad n'ya lahat iyon.

"O-one hundred thousand po, Sir. Aziviero." Utal nitong sabi.

Kumuha naman si tito nang Isang card sabay lahad nito. "Sa iyo na 'yan, mahigit million iyan, basta layuan mo lang ang anak ko," mahinahon na sambit ni Tito Robert.

Nanginginig naman yung babae habang kinukuha yung card. "S-salamat po, kaylangan ko lang po talaga nang pera talaga, hindi ko po gustong makisali sa gulo n'yo." Paliwanag nito habang umiiyak yung babae, pansin ko naman kay sam na hindi s'ya makapaniwala na binuking s'ya nito.

"What fuck! Pati ba naman ikaw!" Sigaw nito, ng akmang hahawakan na ni sam yung babae biglang humarang si Tito.

"Subukan mo, makakalimutan ko talagang anak ko yung nasa harapan ko!" Sigaw nito, pansin ko naman na pumasok yung babae sa kotse ni Kianna, ng maka sakay yung babae agad na pinaandar ni Kianna iyon kaya masamang tingin lang ang nagawa ni sam.

Nang mawala sa paningin nito yung kotse nagulat ako dahil tinignan ako nito ng masama. "Ikaw, kasalanan mo lahat kung bakit nagulo yung pamilya ko! Bakit kaba kasi andito?! 'Diba wala na tayo!" Sigaw nito.

Lumapit naman ako sa kanya kahit pinipigilan  nila ako. Wala na akong pake kung saktan n'ya ako.

Nang makalapit ako agaran ko itong sinampal na ikina gulat ni sam "Tandaan mo lahat nang sinabi mo sa akin, ibabalik ko lahat nang ginawa mo, lalo na sa akin! Tandaan mo 'yan! Itatak mo hanggang sa kamatayan mo, gago ka! " Sigaw ko sabay sampal ulit sa kabila habang pansin sa mukha n'ya na parang natauhan ito sa lahat ng ginawa n'ya sa akin, sa amin ng anak n'ya.

"Aalis na rin talaga ako, sumakto lang na nag away pa kayo!" Sabay tulak ko Kay sam tinignan ko naman si orine

"Uuwi na ako, irine, p-pagod na ako. Gusto ko nang u-umuwi." Hagulgol kong wika sabay lapit sa kaniya, agad naman n'ya akong inalalayan papuntang kotse nito.

Nang makapasok ako sa kotse ni irine narinig ko pa yung sambit ni sam kaya binuksan ko yung salamin ng pinto.

"Sumula ngayon parehas na tayo. Kinamumuhian mo 'ko, kinamumuhian din kita sobra sobra pa! Nagsisi nga ako na minahal kita, eh. Yung binigay ko lahat. Nag tataka din ako sa sarili ko kung bakit ba ako pumayag na alagaan ka! Sana pala pinabayaan nalang kita na makulong sa madilim mong kabaliwan, edi sana walang ganto." Sigaw ko dito na mas lalong ikina gulat nilang lahat habang si sam hindi na makagalaw maski huminga hindi na n'ya magawa.

Lumingon naman ako kay irine. "Halikana beh." Mahinahon kong sambit pero sa loob-loob ko gusto kong humagulgol dahil sa mga sinabi kong masasakit Kay sam pero kaylangan kong gawin iyon para matauhan s'ya sa ginawa n'ya.

Habang umaandar yung kotse pansin ko sa side mirror si sam na nakatingin sa kotse namin na papalayo, pansin kong gusto n'ya akong habulin pero hindi n'ya magawa dahil sa mga sinabi ko kanina.

TO BE CONTINUE..........

JUST COMMENT NEXT OR ABOUT MY STORY FOR MORE UPDATES

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" Where stories live. Discover now