CHAPTER 4

600 18 0
                                    

"FALL INLOVE WITH CRAZY MAFIA WEARING A MASK"

Part 4

"Uuwi na pala ako beh, uuwi ka narin ba? O hahantayin mo yung kuya mo? " Sabi nito tumango naman ako.

"Lagi naman akong sinusundo ni kuya kaya sige na umuwi kana sainyo baka nagugutom kana rin. " Sabi ko dito na ikina tango nya.

"Sige beh babye. Bukas nalang ulit" Sabi nito sabay kuha ng bag nya at bulaklak na binigay ng manliligaw nyang si Jake, lumabas naman na sya sa locker room at ako nalang ang nandito. Maya maya lang lumabas narin ako para sa labas hantayin si kuya nop. Btw ang pinag susundo ni kuya nop ay suzuki na motor.

Kung nag tataka kayo bakit tuwing umaga nag co-commute ako tapos pag uuwi ako sinusundo ako ni kuya nop, dahil my trabaho din sya, ka trabaho nya yung nililigawan nya. Sa isang mall. 12:00 am ang pasok nya hanggang 7:00 pm kaya nasusundo nya ko.
Pasok ko kasi 11:50 am hanggang 9:50 pm.

Habang nag lalakad ako sa hallway ng hospital my narinig akong bomba ng motor, super lakas nito kaya sure rinig ito sa buong hospital. Andyan na si kuya nop sakto lang ang pag dating nya.

Napatakbo naman ako habang naka ngiti.

Nung nakita nya ko sa pinto ng hospital tumigil na ito sa pag iingay ng motor.

"Kuya! " Sigaw ko at binilisan ang pag takbo sa pwesto nya, tumigil naman ako sa harap nya.

"Kamusta?"

"Okay lang po kuya"

"Buti naman, hali kana suotin mona to hinihintay na tayo ni mama." Sabi ni kuya nop sabay bigay ng helmet. Sinuot ko naman ka agad ito sabay upo na sa likod ni kuya, kumapit naman ako sa balikat nya.

"Ready kana ba mamatay?!" Sigaw nito.

Yan na naman sya

"Parang ewan kuya!" Maktol ko, hinampas ko naman ito sa balikat. Tumawa lang naman sya habang ako naka simangot na.

"Go na, uwi na tayo" pinaandar naman nya ito ng mabilis.

Tumigil naman ito sa harap ng gate ng bahay. Bumungad don si tita na naka ngiti. Binuksan naman kaagad ni tita yon kaya pinasok na ni kuya yung motor nya, pag ka patay ng makina ng motor bumaba nako, tinulungan naman ako ni tita.Kamusta ang trabaho?" Sabi ni tita habang tinutulungan din ako sa pag tanggal ng helmet.

"Okay lang naman po tita. Malapit napong gumaling yung pasyente ko, tataas na naman yung sahod ko. " Masayang turan ko napangiti naman si tita sa sinabi ko pati narin si kuya nop.

"Magandang balita yan" Sabi ni tita tumango naman ako, si kuya nop naman kinuha yung bag ko at pinasok na sa loob.

"Ang galing mo talagang nurse, gusto ko pag na baliw ako Ikaw Ang ga-gamot sa akin para mabilis ang pag galing ko" biro ni tita na ikina nguso ko.

"Tita naman" Sabay hawak sa usa nyang balikat.

"Joke lang yon, hinding-hindi pwedeng mangyari yon kasi my dalawa akong maliit na batang inaalagaan, baka magutom sila kasi wala na yung taga luto at taga gawa ng baon nila. Baka sabay-sabay pa tayong mabaliw" sabay halakhak ng malakas ni tita, natawa rin naman ako. Tama si tita sya kasi laging nag luluto araw-araw kahit marunong kami ni kuya nop mag luto pero tamad kami ni kuya mag luto minsan nga Nung bata pa kami si tita nag tra-trabaho nag tuturuan pa kami ni kuya nop kung sino mag luluto. Pero dahil ako babae at pinaka bata sa amin si kuya nag luluto. Wala syang nagawa kahit timatamad sya kaya tumatawa nalang ako.

Nung naka tapos na kami ni kuya nop sa pag aaral pinatigil na namin si tita sa pag tra-trabaho dahil tumatanda narin sya, at kami ng bahala sa mga gastusin. Para daw my gawin sya sa bahay sya nag lilinis ng bahay at syempre nag luluto. Kaya ngayon hindi na kami nag aaway ni kuya nop kung sino mag luluto.

"Pasok na tayo baka gutom na kayo ni nop" Sabi ni tita inakbayan ko naman ito habang papasok sa loob ng bahay. Pumunta ka agad kami sa kusina, naka handa na lahat kakain nalang. Umupo naman na kaming tatlo.

"Dasal muna tayo." Sabi ni tita na ikina tigil namin ni kuya nop. Ito yung kinakatakutan namin pag kakain na, nag mumukha kasi kaming mga banal, kahit hindi naman.

"Kuya dasal kana" Turo ko Kay kuya, mag ka harapan kami ni kuya habang si tita nasa gitna ng lamesa.

"Bakit ako? Ikaw na" Maktol nito.

"Tita oh..." Sumbong ko kay tita. Tinignan naman ni tita si kuya.

"Ikaw na nop kanina si monica nag dasal" Sabi ni tita, nginisian ko naman sya. Sige kuya nop dasal ka lang kahit d*m*nyo ka.

Wala naman nagawa si kuya kaya nag sign of the cross muna kami bago sya nag salita.

"Ama salamat po sa mga biyaya nyo sa araw-araw at sana gabayan nyo po kami." Napatigil naman ito sa pag dadasal, nag iisip pa sya kung anong susunod sa dasal habang ako pilit na hindi tumatawa. Di umano dim*nyo nag dasal.

"Hoy!" Sabi ni tita kasi ang tagal nya.

"At sana laht ng masasama kunin nyo na. Amen." kinurot naman sya ni tita pag ka tapos mag dasal na ikina tawa ko.

Deserve

"Kumain na nga tayo puro kayo bangayan!" Inis na sabi ni tita dinilaan ko naman muna si kuya nop bago sumandok ng ulam. Sinamaan naman nya ko ng tingin na parang merong pag babanta. Anong akala nya natatakot nya ko? No way!...

Natapos na kami kumain kaya nag ligpit nako ng kinainan. Nalagay kona lahat ng hugasan kaya pinunasan ko muna yung lamesa. Tumayo naman si tita sa pag kaka upo.

"Tita mag papalit lang po ako ng damit, ako napo mag hu-hugas" Hindi pako na ka-kalabas ng dinning area namin nag salita ito.

"Ako na mag hu-hugas mag pahinga kana lang, kayong dalawa ng kuya nop mo, konting hugasan lang naman ito" Sabi ni tita kaya ngumiti ako.

"Sure kapo ba tita?" Tumango naman ito.

"Oo naman, pag katapos ko rin naman mag hugas aakyat nako." Tumango naman ako.

Nung nasa sala ako nakita ko si kuya naka tutok sa cell phone. Akala ko nasa taas na sya?. Nilapitan ko naman ito.

"Kuya! " Sigaw ko sa tenga nya, naka headset
kasi sya habang nag ce-cellphone. Tumingin naman ito sa akin na naka simangot.

"Umakyat kana baka makita ka ni tita Ikaw pag hugasin" Sabi ko tinaasan naman nya ko ng kilay.

"Sus, alam kong ikaw nag hugas" umiling naman ako.

"Ayaw mong maniwala ah. Tita si kuya nop nasa sala p-hmmm" hindi ko natapos ang sa sabihin ko ng takpan ni kuya ang bibig ko. Todo tanggal naman ako sa kamay nya.

"Ano ba! Hindi ka mabiro no!" Sabi ni kuya dinilaan ko naman sya.

"Bahala ka dyan pag na abutan ka dyan ni tita babarilin kanon gamit bibig, kagaya nung nakaraan dalawa tayong nasa sala na alimpuyatan si tita bumaba tapos ni rat-ratan tayo." Kumento ko pa, napatayo naman sya sa sinabi ko.

"Oo nga, aakyat nako, umakyat ka narin" Sabi ni nop sa akin. Sabay naman kaming umakyat, nung naka akyat na kami sa second floor sabay kaming pumasok sa mga kwarto namin. Mag ka tabi lang yung kwarto namin ni kuya nop si tita naman sa kaliwa sa dulo, my sari-sarili naman kaming banyo sa kwarto habang sa baba isa lang.

Sa second floor my anim na kwarto yung dalawa para lang sa mga kamag anak namin minsan pag nag ba-bakasyon tuwing july. My malaking terrace naman kami.

Maliit kung tignan ang bahay namin, pero pag pumasok ka sobrang laki nito.

Nung naka pasok nako sa kwarto naligo agad ako,Nag suot naman ako ng nighties dress na kulay black, humiga naman ako pag ka tuyo ng buhok ko, hinayaan ko naman na nakalugay ako ganon kasi ako pag natutulog.

Nung naka ramdam nako ng antok pinatay ko na yung isang ilaw tinira ko lang yung malapit sa bintana kaya madilim dilim sa pwesto ko.

TO BE CONTINUE.....

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" Where stories live. Discover now