Yunice Jaslen Olgina
"Mami-miss ko kayo!" Malakas na iyak ni Cheska sa mga kaklase namin. Nag-group hug pa kaming lahat. Hindi ko naman mapigilang mapaluha dahil sa emosyong ipinapakita nila sa akin. Umiiyak na rin ang iba at nagyayakapan.
Mapait akong napangiti. Our senior high school journey just ended. We all graduated with Academic Awards. Itong section man naming itong laging nasasangkot sa gulo ay wala namang nakakatalo sa tuwing tungkol sa academics na ang usapan.
We've been through a lot of challenges in life and in love. Hindi naging madali ang mag-aral and now, we're going to the hardest path of our lives, patungo na kami sa tunay na laban ng buhay, paga-aral at pag-ibig. Parang warm-up lang talaga ang pagiging senior high school, mahirap sobra.
"Okay, class, please seat down!" Napatigil naman ang lahat ng biglang pumasok ang advisory teacher namin na si Mr. Sanchez. Agad kaming nagsibalikan sa mga upuan namin para pakinggan ang sasabihin niya. "You all made it! Congratulations!" Naghiyawan ang lahat.
Pati ang teacher namin ay naiiyak na.
"All of you is my pride and joy. Maraming-maraming salamat sa pagpapasaya sakin at kay principal natin na lagi niyong binibisita sa Principal's office dahil sa mga kalokohan niya. You all will be missed, not just by me but by all the teachers na napasaya niyo. You guys are the best of the best. Congratulations again, class, dahil 52 kayong lahat na may Academic Awards. I'm so happy, very happy, class. Thank you."
Matapos naming mag-iyakan dahil sa mga sinasabi ni Sir ay nag-picture na rin kaming lahat, class picture with our academic award certificates. Ilang oras pa kaming nag-stay sa room namin dahil madami pa kaming ginawa. Nagsulat kami sa mga damit ng mga kaklase namin sa kung anong gusto naming message sa kanila.
"Wala ka bang isusulat sakin?" Napatingin ako kay Iñigo nang marinig ko ang boses niya. Nakangiti siyang nakatitig kay Divina. Natawa naman si Divina saka tinanggal ang takip ng red na ballpen niya saka nagsimulang magsulat sa white polo uniform ni Iñigo.
"There. Okay na? Ikaw naman magsulat sa damit ko." Ani Divina. Iñigo chuckled softly and nodded.
"Of course, talikod na, love." Napalunok ako habang pinagmamasdan sila. May isinulat si Iñigo sa likod ng white polo uniform ni Divina. Itim na Pentel Pen ang gamit ni Iñigo at malaki rin ang pagkakasulat niya kaya basang-basa ko kung ano ang nakasulat.
I LOVE YOU DIVINA!
PAKAKASALAN KITA.
- Iñigo
Napaka-swerte mo, Divina, dahil nararanasan mo kung paano magmahal ang isang Iñigo. Ikaw ang nakakaranas ng pagmamahal na hinahangad ko galing sa kanya.
Kahit alam kong magi-isang taon na sila ay nasasaktan pa rin ako kapag nakikita silang dalawa. I have loved Iñigo for all of my life. Simula noong mga bata pa lang kami, mahal ko na siya. Pero bakit hindi niya makita iyon? Bakit hindi niya ramdam? Bakit hindi na lang ako?
"Ang sakit sa mata, 'no?" Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanila nang biglang sumulpot si Cheska sa harap ko. "Anong luha 'yan? Luha dahil graduate na tayo o luha dahil sa nakita mo?"