Chapter 2

9 4 0
                                        

Gulat na napatayo si Tito Lorence nang makita niyang may kasama si Iñigo. Sa tinagal ng relasyon nila ay hindi alam ng parents ni Iñigo kung sino ang girlfriend niya ngunit alam ng mga itong may girlfriend siya. Agad na nagbulong-bulungan ang angkan namin at angkan nila, tinatanong kung sino ang babaeng kasama niya.


Napatingin sakin si Mom and Dad na may gulat sa mga mukha nila. Yumuko ako dahil paniguradong ako ang tatanungin mamaya ang tungkol sa kanila ni Divina.


"Good evening, everyone. Mom, dad, chairmans, grandmothers, titos and titas. This is my girlfriend. Divina Perillo." Bakas sa boses ni Iñigo ang pagka-proud ng banggitin niya ang pangalan ni Divina. Napalunok ako at nag-angat ng tingin sa kanila.


Nakangiti si Iñigo habang nakahawak sa kamay ni Divina ngunit tahimik pa rin ang lahat habang nakatingin sa kanila. Mukhang ramdam din ni Divina ang kakaibang mood ng pamilya kaya mas lumapit ito kay Iñigo at bumulong.


"Iñigo, let's talk." Napatingin ako kay Tito Lorence dahil sa sobrang seryoso ng boses niya nang sabihin niya iyon. Nakakatakot.


Sinundan ko ng tingin si Tito Lorence na maglakad patungo sa kanila. Seryoso niyang tinitigan si Iñigo.


"Dad?" Naguguluhang tanong din ni Iñigo sa kanya. Napalunok ako. Ano bang nangyayare?


"Let's go outside." Ani Tito. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko nang tignan ni Tito si Divina mula ulo hanggang paa at parang hindi siya nasisiyahan.


It is because Divina is poor?


"Babe, you can wait-"


"She'll come with us. Outside, Iñigo Oli." Napatigil si Iñigo. Naunang lumabas si Tito Lorence na agad na sinundan nung dalawa. Paglabas nila ay agad na nag-usap ang pamilya tungkol sa kanila.


Napatingin ako kay Mom and Dad na nakikipag-usap kay Tita Olivia.


"Ate..." Agad akong napatingin kay Lorenzo nang bigla itong sumulpot sa tabi ko. Napangiti ako saka siya binuhat para paupuin sa lap ko.


"Why, baby?" I asked him. Close rin kasi kami ng kapatid ni Iñigo.


"You're pretty, ate." Napangiti ako. Walang emosyon ang mukha niya ng sabihin niya iyon ngunit alam kong sincere siya dahil sa mga mata niya.


"Thank you. You're handsome, Enzo."


Tanong ng tanong sa akin ang mga pinsan ko kung sino raw ba ang babaeng iyon at halata naman daw na galing siya sa mahirap na pamilya. Puro negative judgement ang naririnig ko sa mga pinsan ko kaya hindi na lang ako nagsasalita at itinuon ang atensyon ko kay Enzo.


Napatingin ako sa dalawang chairman na naka-upo sa magkabilang dulo ng mesa. Chairman Olgina, my grandfather and Chairman Rodriguez, Iñigo's grandfather. Kalmado lang ang dalawa habang maingay naman ang nasa paligid nila.


Napatingin sakin si Lolo-Chairman kaya ngumiti ako sa kanya, ngumiti rin siya saka niya ako tinawag. Ibinaba ko na muna si Enzo at lumapit kay Lolo-Chairman.

Hold Me While You WaitWhere stories live. Discover now