"Dahan-dahan naman."
"Sorry." Marahan kong idinampi ang cotton ball na may betadine sa mga pasa niya sa mukha. Basag ang gilid ng labi at kilay niya, namamaga rin ang pisnge nito.
Umalis na si Divina kanina ngunit sinigurado ni Iñigo na ligtas pa rin siya. Ipinahatid niya ito sa driver namin hanggang sa airport, private place pa rin ang gamit niyang bumalik ng manila. Walang nagawa si Iñigo kundi ang mag-stay rito.
"Masakit ba?" Tanong ko nang lagyan ko ng ointment ang mga sugat niya.
"Mas masakit sila. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Divina dahil sa trato nila sa girlfriend ko. Galit na galit ako, Jas. Hindi nila nirerespeto ang girlfriend ko kahit na deserve naman iyon ni Divina." Napakunok ako at hindi nagsalita. Nilagyan ko ng band-aid ang mga sugat niya.
"Ayan, okay na."
"Thank you." Mapait akong ngumiti sa kanya saka nag-iwas ng tingin. Nagulat ako nang bigla niya akong hinigit sa bewang saka niyakap. Agad ko namang kinalma ang sarili ko saka hinagod ang likod niya.
"Everything's going to be alright." I almost whispered. He nodded slightly.
Nanatili kami sa ganung posisyon ng ilang minuto hanggang siya na mismo ang lumayo. Tumayo siya at tinignan ang mukha niya sa salamin. Napangisi ito at napailing-iling.
"I looked fucked up." Ngising aniya. Napangisi rin ako sa sinabi nito. "Babalik na 'ko sa kwarto."
Tumayo ako saka tumango. "Sure, lalabas din ako. Babatiin ko ang chairmans, hindi ko nabati kanina." Sabi ko naman sa kanya.
"Bukas ko na siguro sila haharapin." Tumango-tango naman ako. Sabay kaming lumabas ng kwarto ko. Pinagmasdan ko siyang matungo sa kwarto niya, bago siya pumasok ay nilingon niya muna ako at nginitian.
Ngumiti ako pabalik.
Sa tingin ko ay bawal ang pag-ibig nila ni Divina. Iñigo respected his parents a lot, lalo na ang mga chairmans. Sobrang taas ng tingin niya sa kanila pero simula nung nakilala nila ang Divina na iyan ay parang nagka-gulo na ang lahat. Naiintindihan ko naman si Iñigo na ayaw niya ang trato ng parents niya kay Divina pero sana naman ay maintindihan din ni Iñigo ang nararamdaman ng parents niya.
Alam kong gusto lang ng parents ni Iñigo ang mas ikakabuti para sa kanya. Baka iniisip nila na baka gold-digger si Divina, o baka dahil sa background family ni Divina, o baka dahil mahirap si Divina. Kasi kung titignan, they are complete opposite.
Bumaba ako para magtungo sa office ng dalawang chairmans. Pagdating ko ay wala naman sila roon kaya napagpasyahan kong bumalik na sa kwarto ko at bukas na lang din sila kitain. Napatigil ako nang marinig kong may nagu-usap sa meeting room. Bahagya pang naka-bukas ang pintuan at naaninag ko si Dad at Tito Lorence sa loob.
Papasok na sana ako nang marinig ko ang usapan nila.
