Napatingin ako sa pintuan nang marinig kong may kumakatok. Paniguradong si Iñigo na ito dahil kanina pa siya naiinip kaka-antay sakin na matapos. Nagsinungaling kasi ako sa kanya kagabi na naayos ko na ang mga gamit ko papunta ng Siargao, pero ang totoo naman nun ay hindi pa ako nakakapag-ayos ng gamit. Ngayon pa lang.
"Matagal ka pa ba?" Tanong niya nang makapasok ito. Umiling naman ako saka ko isinarado ang maleta ko.
"Ayos na. Sina Mom, dad, tito tyaka tita? Saan sila?" Tanong ko. Binuhat naman niya ang maleta ko. Kinuha ko pa ang purse ko bago kami lumabas ng kwarto.
"I don't know, kanina ko pa tinatawagan si Mom ay hindi naman sumasagot. Maagang umalis din sila Tito at Tita kanina sabi ng kasambahay niyo kanina." Napakunot-noo naman ako. Saan naman nagpunta ang mga iyon? Alam naman nila na ngayon ang alis namin papuntang Siargao.
Kinuha ko ang phone ko mula sa loob ng purse para tawagan si Mommy. Habang pababa kami ng hagdan ay napatigil ako nang makita ko kung sino ang nasa living area namin. Napaawang ang bibig ko. Kasabay nun ang pagsagot ng Mom ko sa tawag ko.
"Dear? I'm sorry to say this pero may importante kaming lakad ng daddy mo, hindi kami makakasabay sa inyong pumunta ng Siargao today but don't worry susunod naman kami agad sa inyo sa Siargao, besides nasa Siargao na ang Chairmans." Pilit na ngumiti sakin si Divina.
What is she doing here?
"Alright, mom. I'll call you later." Pinatay ko ang call saka napatingin kay Iñigo.
"My girlfriend will come with us. Ayos lang naman siguro, right, Jas?" Napalunok ako. Bumuntong-hininga ako at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan. Kinuha ko mula kay Iñigo ang maleta ko.
"Chairmans won't be happy about this, Iñigo." Seryosong sabi ko. Napatingin pa ako kay Divina na yumuko dahil mukhang napahiya. Nauna akong lumabas ng bahay. Agad na kinuha ng driver namin ang maleta ko at isinakay van. Sumakay na rin ako sa van.
Nakita ko ang pagsunod ni Iñigo at Divina. Nagu-usap ang dalawa sa labas na parang naga-away. It is because of what I've said?
Ito ba ang ibig sabihin niyang he's willing to pull her up with him? Isisiksik niya ang girlfriend niya sa lugar na hindi naman siya nababagay?
Sinundan ko ng tingin ang mga ito patungo sa van. Binuksan si Iñigo ang van saka pinapasok si Divina na hindi makatingin ng diretso sakin. Umupo ito sa likuran ko, tinabihan naman siya ni Iñigo.
What's gotten into him?
Tahimik ang naging byahe namin hanggang sa airport. Agad namang may lumapit samin para i-assist kami sa mga luggage namin. We're going to use Lolo-Chairman's private plane since ayaw niyang sumasakay kami sa economy. There's nothing wrong with that to be honest, mas gusto ko nga iyong kaysa naman ang dalawang iyon ang kasama ko iisang plane.
"I need to use the rest room." Sabi ko sa naga-assist sa amin. Nagtungo ako sa convenient store rito sa loob lang din ng airport para bumili ng napkin dahil pakiramdam ko ay dadatnan na ako.
