Yunice Jaslen Olgina
"Masaya bang magmahal, Jas?" Napakunot-noo ako sa biglaang tanong ng kaibigan ko habang pinagmamasdan ko ang mga taong dumadaan. I can't help but to admire the fashion of New York people.
"Oo, bakit mo natanong? May minamahal ka na ba?" Balik na tanong ko sa kanya nang hindi tinatanggal ang tingin sa labas. Nasa loob kami ngayon ng coffee shop dahil cold winter ngayon dito sa New York.
"Wala pa naman, curious lang dahil nung nagmahal ka ay hindi naman gaanong kasaya." Ngiwi akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Grabe naman yan. Naging masaya ako nung minahal ko siya." Binigyan naman ako nito ng 'wehhhh? look' na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. Napailing-iling ako sa reaksyon niya saka humigop sa coffee ko. "Kung hindi ka naniniwala ay huwag kang maniwala."
"Di ba sabi nila kapag nagmamahal ka ay hindi ka nasasaktan?" Napakunot-noo na naman ako sa tanong nito.
"Baliw ka ba? Kung hindi ka nasasaktan edi hindi ka nagmamahal, walang nagmamahal ng hindi nasasaktan, parte iyan ng pagmamahal. Hindi lahat ng pagmamahal ay perpekto, hindi lahat ng pagmamahal na inaasahan mo kung paano ka mahalin ay iyon ang makukuha mo, walang ganun. Walang perpektong pagmamahal." Seryosong sagot ko rito.
She chuckled. "Huwag kang magalit, kalma lang, nagtatanong lang e. Alam mo naman na hindi ko pa nararanasan yung love na love na yan kaya syempre nagga-gain ako ng knowledge sayo kasi expert ka." Natawa ako sa sinabi nito.
"Gaga. Anong hindi mo pa nararanasan? E sino si Luke Valdez? Hmm? Kaluluwa?"
"Oo! Patay naman na iyon sa puso ko, e si Iñi-" I immediately cut her off.
"Huwag mong babanggatin ang pangalan na 'yan, naka-moved on na ako dyan, graduate na 'ko sa kanya." Mas lalo itong tumawa.
"Kung graduate ka na sa kanya, bakit ayaw mo pa ring nababanggit ang pangalan niya? E hindi ba dapat kapag nakamoved-on na ay balewala na sayo kapag pinabanggit ang pangalan ng ex?" Ako naman ngayon ang natawa dahil sa sinabi niya.
"E hindi ko naman siya ex." Sagot ko naman.
"Hindi ex? Ay oo pala, kumirengkeng ka lang, nagkerengkingan kayo." Natawa kaming dalawa dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman maitatanggi na ganun naman talaga ang nangyare.
"Porket ayaw naririnig nung pangalan ay hindi na nakamoved-on? Hindi ba pwedeng ayaw lang talaga?" Taas kilay na tanong ko sa kanya.
"Oh, e bakit ka affected minsan kapag naririnig ang pangalan niya galing sa ibang tao?"
"Hindi ako affected!"
"Sus. Pangga-panggapan ka ah. Alam mo, kakaiba ka magmahal, masyadong bigay na bigay, naubos ka tuloy, nasaan ka ngayon? Nasa New York naghe-heal." Napailing-iling siya. "Nasobrahan mo sa pagmamahal, kaya ka nabaliw."
"Grabe naman sa nabaliw, Cheska." Natatawang sabi ko rito.
"Bakit? Hindi ba?" Napailing-iling ako.
"Wala e, ganun ako magmahal, na kahit maubos ako... maibigay ko lang ang pagmamahal na alam kong deserve niya, pero syempre na-realized ko na hindi niya pala deserve ang pagmamahal na ibinigay ko sa kanya noon kaya nga nandito ako sa New York, di ba?"
Magsasalita na sana siya nang biglang mag-ring ang phone ko na nasa table.
Baby calling...
"Baby raw. I-loud speaker mo! Dali." Nakangising aniya. Napailing-iling naman ako habang hindi mapigilan ang ngiti ko. Siya pa ang mismong sumagot sa call saka niya ibinaba sa mesa ang phone ko.
"Hello, Jas?" Napatingin ako kay Cheska na nakangiting nakatingin sakin habang hinihigop ang coffee niya. Pinanlakihan ko naman siya ng mata.
"Kiro, bakit?"
"Where are you? Oli is looking for you." Aniya. Mas lalong napangisi si Cheska.
"Si Oli ba talaga o ikaw, Kiro?" Nanlaki ang mga mata ko at pinalo sa balikat si Cheska.
"Walang hiya ka." I mouthed to her.
"Cheska? So, you were with Cheska, Jas?"
"Why? Akala mo nakipag-blind date?" Cheska asked. Gustong-gusto niya talagang inaasar si Kiro.
"Hindi naman... Jas?" Nagtinginan kami ni Cheska.
"Hmm?"
"Uwi ka na." Napaawang ang bibig ko nang bigla akong hinampas ni Cheska sa balikat dahil sa kilig nito.
"Oo, pauwi na..."
"Alright, I'll see you at home. Ingat." Pinatay ko na ang call saka sinamaan ng tingin si Cheska.
"Ang OA mo." Sabi ko rito. Mas lalo siyang natawa.
"Ang hot ng boses niya." Napailing-iling na lang ako sa kanya. Kinuha ko na ang phone ko saka iyon inilagay sa loob ng shoulder bag ko at tumayo.
"Mauuna na ako."
"Sure~ Bakit naman kita pipigilan? Uuwi ka na, pinapauwi ka na." Mas lalo akong napailing-iling.
"Baliw ka." Natatawang sabi ko rito saka siya iniwan sa loob ng cafe. Lumabas na ako at nagpara ng taxi para maka-uwi na.
May naghihintay pa sa akin pag-uwi. Ang mundo ko.
Don't forgot to vote.
