One Night Mistake
Chapter 1:
Napahawak ako bigla kay ate Calla ng maramdaman ko ang pag-ikot ng paningin ko. Masakit ang ulo ko at gusto ko nalang humiga buong mag damag.
“Namumutla ka, okay ka lang?” Inakay ako ni ate Calla pa-upo sa mesa at agad naman akong binigyan ng tubig ni Brigitte.
“Kamakailan lang ay napapansin ko ang palagi mong pagkahilo, huwag ka nalang kayang pumasok?” Inilingan ko si Brigitte at ininom ang binigay niyang tubig. May quiz kami ngayon sa major ko.
“May quiz ako sa major.” Matamlay na sabi ko at hinilot ang noo ko. Dalawang buwan na rin ang lumipas ngunit hindi ko makakalimutan ‘yong gabing pinagsaluhan naming ng lalaking estranghero, kahit gusto ko na siyang kalimutan pero may parte sa akin ang umayaw.
“Kumain ka muna at uminom ng gamot. Pakbet, diba paborito mo ‘yan.” Napatakip ako ng ilong ko ng pumasok ang mabahong amoy na galing sa ulam na nilapag ni Brigitte.
“Bakit?” Naguguluhan niyang tanong.
“P–panis na ata—” Hindi ko matapos ang sasabihin ko ng bumaliktad ang sikmura ko kaya mabilis pa sa segundo akong tumungo sa lababo upang sumuka, ngunit mga laway ko lang ang sinuka ko.
“Kakatapos ko lang ‘yong lutoin, Nicholatte.” Ramdam ko sa boses ni Brigitte na naguguluhan siya. Nag-mugmug ako at matamlay na humarap sa kanila.
“P–pero m–mabaho.” Mahinang sabi ko at pumikit dahil ramdam ko ulit ang pagkahilo.
“Ilang buwan ka ng hindi nireregla?” Naguguluhan akong tumingin kay ate Calla. Bakit niya tinanong iyon? Hindi pa naman due date— Teka nga…..holy shit! Kahit nahihilo ay mabilis akong pumunta ng sala at tiningnan ang kalendaryo.
August 25? Dapat noong August 10 ay niregla na ako! Nanginginig ang kamay ko habang binibilang ang araw ng delay ko. 15, 15 days na nang delay ang regla ako! No, it can’t be! Hindi, mali ang iniisip. Tama, delay lang ‘to, minsan ay delay din ang regla ko pero 2-3 days lang ‘yon! Shit.
“A–ate.” Nanginginig ang kamay ko habang lumalapit kay ate Calla. Nagsimulang manubig ang mga luha ko at bumuhos din ito ng hindi ko na napigilan.
“D–delay lang diba?” Kahit ang boses ni ate Calla ay nanginginig na rin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, dahil pati rin ako hindi alam kung delay lang ba or hindi. “Sumagot ka, Nicholatte! Delay lang diba?”
“H–hindi ko alam.” Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang mapa-hikbi ngunit wala ‘yong silbi dahil sunod-sunod ang naging pag hikbi ko.
“Anong hindi mo alam? Sarili mo ‘yan, cholatte, pa’nong ‘di mo malalaman?” Umiiling ako sa kaniya habang inabot ang kamay niya pero lumayo siya sa akin.
“Nagpa-buntis ka? K–kanino? Sumagot ka!” Niyogyog niya ang balikat ko habang patuloy pa rin sa pag buhos ang luha ko. Wala akong masagot sa kaniya, hiyang hiya ako sa sarili ko.
“Ate. Huminahon ka.” Lumapit na si Brigitte sa amin at nilayo niya ako kay ate Calla na naliksik ang mga matang tumingin sa akin.
“Ipakilala mo kami sa gagong ama niyang dinadala mo!” Sigaw ni ate Calla at tinuro ang tiyan ko.
“H–hindi ko kilala.” Humihikbing aniya ko, kita ko ang gulat sa mga mata ni ate Calla at rinig ko ang singhap ni Brigitte.
“O–one Night stand.” Pagpapatuloy ko. “S–sa desperada kong makabayad sa inyo at kay aling Pasing, b–binenta ko ang sarili ko sa lalaking hindi ko k–kilala. H–hindi ko naman alam na may mabubuo—”
YOU ARE READING
one night mistake
Mystery / ThrillerAng Isang pag kakamli na na punta sa katutuhanan