one night mistake

6 0 0
                                    

One Night Mistake

Chapter 7:

“I'm out of town, please take care of yourself and the baby. Eat on the right time, don’t stress yourself. Call me if you need anything. If you have cravings again don’t hesitate to ask manang Tessy, hinabilin ko na sa kaniya ang bagay na ‘yon. And lastly, sleep early, alright? I need to go.” Sabi niya at ni–ready na ang maleta nito. May aasikasohin siyang busy sa Canada at mawawala daw siya ng tatlong araw. Anong gagawin ko sa tatlong araw dito sa pamamahay niya? Tutonganga hanggang sa dumating siya?

“Yeah, I forgot. Your homed—”

“Akala ko ba last na?” Nakangusong tanong ko, dami naman niyang habilin sa akin akala mo naman isang taon mawawala.

He rolled his eyes on me and sighed. “Your homed school will be later at 3 to 5 P.M, fixed  yourself you will be meet your professor later.” Luh? Bakit parang tinamad ako kung kailan may nag papaaral sa akin ngayon pa ako tinamad.

“Ngayon na pala ‘yon?” Tamad kong tanong.

“Yeah, I need to go. Take care of yourself.” Tumango ako sa kaniya at nginitian siya, malulungkot ako nito wala na naman akong aasarin. Nabato ako sa kinatatayuan ko ng lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko. Damn, he kissed me. I can smell his manly perfume. “Take care of our baby.” Bulong niya at nag simula ng maglakad palabas ng gate

“Dominique.” He stopped and looked at me. “Ingat.” Tumango siya at pumasok sa kaniyang sasakyan, pumasok ako sa loob ng bahay no’ng hindi ko na makita ang kaniyang sinasakyan.

Pagpasok ko sa loob ay sinalubong ako ng isang napakatahimik na lugar, malungkot akong umakyat sa taas at naligo para sa aking klase mamaya. I can’t say no na hindi ko siya ma–mimiss dahil sa ilang buwan na pamamalagi ko rito ay naging bahagi na si Dominique sa buhay ko, pinaramdam niya sa akin na kaya niyang maging ama ng magiging anak namin, hindi ko ipagkaila na marunong siyang mag alaga ng isang tao. Namimiss ko na tuloy siya.

“Ma’am, nasa study room na po ang guro niyo.” Tinanguan ko si Francine at inayos ang damit ko. Excited na may kaba akong nararamdaman paano kung hindi na ako makasagot katulad ng dati? Kinakabahan ako.

Pagkapasok ko ng study room ay bumungad sa akin ang isang babae na nakasuot ng pang guro na damit. I think she’s 40 plus, but she’s still pretty.

“Good afternoon, Ms. Walker.” She stood up and handed her hand on me. “I’m your professor, I’m Mrs. Grecielle Casanova.”

“Good afternoon po, Mrs Casanova.”

Siya ang guro ko sa major at tinuro niya ‘yong last na tinuro ng guro ko noong panahong nag-aaral ako sa UP. Pagkasapit ng alas sinco ay nag paalam na siyang umuwi dahil naghihintay na rin ang pamilya niya sa kaniya, masakit ang likod ko habang hinatid siya palabas ng gate.

“Maraming salamat po, ingat pauwi.”

Pagkatapos kung kumain ay nagpahangin ako sa veranda at tiningnan ang buwan ng tumunog ang cellphone ko sa loob ng kwarto.

Dominique calling

Alas nuebe na ah dapat tulog na ‘tong lalaking to, hindi ba siya napagod sa byahe niya?

“Hello?”

“Hey, you still awake. How’s your class?” Tanong niya sa kabilang linya, rinig ko ang kakaibang ingay na nagmula sa kabilang linya.

“Okay lang, teka lang asan ka? Bakit parang may nagbabagsakang mga gamit sa linya mo?”

“Kakarating ko lang, I fixed my things.” Mahinang sabi niya.

“Aba, kakarating mo lang pala eh bakit tumawag ka agad? Magpahinga ka nalang kaya mona.” Nag-alala kong sabi, baka kailangan niya ng pahinga masakit kaya sa likod pag nakaupo sa eroplano ng ilang oras.

“Yea I will, and you should do it too. It’s bad for the baby.” Sabi niya at tumatango-tango ako kahit hindi niya nakikita. Dinadalaw na din ako ng antok. “Goodnight, Nicholatte. Have a sweet dreams.” Husky nitong sabi kaya tumayo ang balahibo ko sa batok.

“G–goodnight.”

Pag gising ko kinabukasan ay nakatanggap ako ng text mula kay Dominique at sa OB gyne ko, pero syempre una kong binuksan ang kay Dominique

Dominique:

Good morning, eat your breakfast pretty❤

Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako habang tumitingin sa mensahe niya. Shit, iba na’to mag hunis dili ka Nicholatte! Hindi ka puwedeng lumandi may anak ka na, dapat focus ka lang sa anak mo.

To Dominique:

Good morning, kakagising ko lang.

Pagka–sent ko sa message ko para kay Dominique ay binuksan ko ang kay Dr. Claven.

Dr. Claven

Hello, Ms. Walker, can you go over here for you second check up? 9:00 A.M for your check up.

Naligo ako at nagbihis. I wore formal white dress and black flat shoes, hindi pa masyadong kita ang umbok niyang tiyan ko, apat na buwan na ‘to at mag lilima na pagkasapit ng Mayo 23. Nilugay ko ang mahabang buhok ko at nag lagay ng lipstick.

Tulad ng dati ay muli kong narinig ang tibok ng puso ng aking anak. Hanggang sa pag uwi ay may ngiti pa rin sa aking labi, pero nawala iyon ng may nakasalubong ako papasok ng bahay isang magandang babae napaka-puti nito at hugis puso ang mukha. Wala na akong masabi dahil she’s living definition of Barbie.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, she smiled at  me. “Hi, who are yo—” hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil tumunog ang cellphone nito. “Sorry, I have to go.” Mabilis siyang umalis sa harapan ko, sino ‘yon?

“Manang.” Tinawag ko si manang Tessy pag pasok ko ngunit walang sumagot. “Inday, asan si manang Tessy?”

“May binili po sa labas.”

“Sino ang babaeng pumunta dito kanina?” Tanong ko agad.

“Si madam Abigail po, Ex girlfriend po ni sir." Ex girlfriend? Bakit may kumirot sa puso ko? Shit. Hindi puwedeng umibig kay Dominique, maling mali.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

one night mistakeWhere stories live. Discover now